PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joel Lamangan recalls fond memories with Ishmael Bernal

Joel also talks about Celso Ad. Castillo, Mario O'Hara, and Lolita Rodriguez.
by Jerry Olea
Published May 8, 2024
joel lamangan ishmael bernal
Director Joel Lamangan recalls working with the late National Artist Ishmael Bernal (right) in several projects, including Himala (1982) and Working Girls (1984).
PHOTO/S: Jerry Olea / File

Kagaya kay Lino Brocka (Abril 3, 1939-Mayo 22, 1991), maraming fond memories si Direk Joel Lamangan kay Ishmael Bernal (Setyembre 30, 1938-Hunyo 2, 1996).

Read: Joel Lamangan recalls fondest memories working with Lino Brocka

Bukod sa pagganap bilang pari ng munting bayan ng Cupang sa pelikulang Himala (MMFF 1982) na idinirek ni Ishmael, si Direk Joel ang crowd director doon.

Bida sa Himala si Nora Aunor, at nasa cast din niyon sina Spanky Manikan, Gigi Dueñas, Laura Centeno, Vangie Labalan, Veronica Palileo, Ama Quiambao, Cris Daluz, Ray Ventura, at Pen Medina.

nora aunor himala

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Antagal-tagal naming nag-iintay sa set, ganyan-ganyan,” lahad ni Direk Joel sa eksklusibong panayam ng PEP noong Abril 24, 2024, sa French Baker store sa Cash n’ Carry, Brgy. Palanan, Makati City.

“Walang nangyayari. Sabi ni Ishma, ‘Sino ang gustong maging direktor?’ sabing ganyan ni Ishma.

“Taas si Spanky, taas ako, si Ray Ventura, si Ellen Ongkeko, nagtaasan ng kamay. May iba pang nagtaasan ng kamay na ganyan. ‘Very good,’ sabi ni Ishma.

“Eto na, ‘Ito ang eksena, darating na ang mga tao, papunta rito. Ang iba, dito pupunta. Saan ilalagay ang kamera?’ sabi niyang ganun.

“Sagot ni Spanky, ‘Dito!’ Sabi ni Bernal, ‘Nincompoop! Gago!’ sabi on mic. On mic, day. Nakakaloka, 'Day.

“Nagsalita uli si Bernal, ‘O, next question. Ganito-ganito, close-up ni Nora, saan ilalagay ang kamera?’ Walang sumasagot!

“Natakot na kaming lahat. ‘Puro kayo ngukngak!’ Iyung ‘ngukngak,’ galing sa kanya yun, e. Hindi akin yun.

“Ang ibig sabihin, gago. ‘Puro kayo ngukngak!’ Naku, hindi ako nakibo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"‘Joel!’ ‘Ayaw naming sumagot dahil nilalait-lait mo naman kami!’ sabi ko. Tawa naman siya nang tawa.

“Ako lang ang puwedeng makipag-usap ng ganun dun.”

Read: Nora Aunor, Senator Imee Marcos recall stampede scene in 1982 movie Himala

joel lamangan himala

Joel Lamangan in Himala

JOEL LAMANGAN ON WORKING WITH NATIONAL ARTISTS

Marami siyang natutunan sa National Artists na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tumango agad si Direk Joel, “Oo, 'Day! Lalo kay Bernal. Kasi si Bernal, nagtuturo. Si Brocka, hindi naman nagtuturo. Titingnan mo na lang si Brocka, hindi naman siya nagtuturo.

“Hindi naman siya teacher. Itong isa, teacher talaga. At sinasabi niya ang pangalan ng mga bagay-bagay, kung anong pangalan.

“Halimbawa, ‘O, ito, ano ang tawag dito?’ Yung mga kamera, tuntungan ng kamera, nagtuturo siya talaga.

“Si Brocka, hindi, neng! Hindi rin siguro niya alam. Ha! Ha! Ha! Ha! Pero magaling siya. Magaling, magaling. Oido lang siya.

“Hindi naman siya nag-aral. Si Bernal, nag-aral sa India ng directing. Si Brocka, hindi iyon nag-aral ng film, pero maganda. Sa kanya talaga, kung ano ang nangyayari.

“Nakikipag-away yun sa mga tao, sa crowd, pag maingay. Sinasabunutan niya, nang-aaway yon, si Brocka.

“Pag kaaway ka ni Brocka, nakakaawa ka. Pag best friend ka naman niya, ipagtatanggol ka kahit kanino.”

Read: Showbiz History: The great Lino Brocka questions MMFF 1977 winners; walks out in protest

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOEL LAMANGAN AS BUGAW IN WORKING GIRLS

Markado ang papel ni Direk Joel sa Working Girls (1984) ni Ishmael Bernal, kung saan gumanap siya bilang bugaw ni Rose (Maria Isabel Lopez).

maria isabel lopez joel lamangan working girls

Maria Isabel Lopez and Joel Lamangan in Working Girls

Pagbabalik-tanaw ni Direk Joel, “Kinuha niya akong artista. Sabi niya, ‘Bagay kayo ni Isabel Lopez.’ ‘Anong gagawin ko kay Isabel Lopez?’ ‘Ikaw ang bugaw niya, ibubugaw mo siya sa mayayaman.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Eto na, first day… ipinakilala kami ni Isabel Lopez. Ang eksena, dadating kami, sasakay kami ng elevator, pupunta kami sa office, tsuk-tsuk. Mahaba ang dialogue, tsuk-tsuk-tsuk.

“Hindi ma-memorize ni Isabel. Natatakot. Cut nang cut! ‘Aba! Miss Philippines ka pa naman, hindi mo ma-memorize ang mga linya mo?! Nakakaloka ka! Akala ko ba, intelligent ka?! UP ka pa naman! Di ba, Fine Arts ka?!’

“‘Opo, Direk.’ ‘E, ba’t ganyan? O, eto, UP din, memorized niya. Ikaw, hindi!’ Day… nakita ko ang mukha ni Isabel, nakita mong lalaban. Palaban ang p*t@h.

“Parang sinasabi, ‘Papatunayan ko sa inyo, taga-UP ako!’ Parang ganun, 'Day! Sabi ko naman kay Isabel, ‘Kaya mo yan.’

“Ayan, nag-memorize. Tapos, ‘Action!’ Diyos ko, tinuhog, dalawang eksena! Tuluy-tuloy hanggang sa itaas. Sabi ni Bernal, ‘Perfect!’

“Sabi ko kay Isabel, ‘Ang galing-galing mo, 'Day!’ Dun ko siya naging kaibigan. Naging kaibigan ko siya.

“Naku, day! Artist yan, di ba? Binigyan niya ako ng painting ng mga babaeng nagpapakain ng mga p*kp*k. Oo, nagpapakain ng mga p*kp*k… Nakakaloka!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOEL LAMANGAN ON WORKING WITH CELSO AD. CASTILLO

Mag-aapat na dekada nang aktor at direktor sa movie industry si Direk Joel.

“Si Celso Ad. Castillo naman, ibang klase rin. Kinuha akong artista ni Celso Ad. Castillo,” salaysay ni Direk Joel.

“Eto na, may call ako, alas otso ng umaga sa isang funeral parlor sa Makati. Excited ako, kasi, first time kong makatrabaho siya.

“Bongga! Nag-Mario O’Hara na ako, nag-Lino Brocka, nag-Ishmael Bernal. This time naman, Celso Ad. Castillo.

celso ad. castillo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Celso Ad. Castillo

“7:30 a.m. pa lang, nasa set na ako. Make-up na ako, tsuk-tsuk-tsuk-tsuk-tsuk. Make-up na ang lahat. ‘Asan si Direk?’ tanong ko.

“‘Ayun, o, nakatitig sa krus.’ ‘Puwedeng mag-good morning?’ ‘Hindi, huwag mong istorbohin.’

“Alas dose na, 'Day, nakatitig pa rin sa krus! ‘Bakit nakatitig sa krus?’ ‘Huwag mong istorbohin!’ sabi sa akin ng assistant director. ‘Anong mangyayari sa atin?’ ‘Basta! Mamaya, biglang aano yan, alam na niya ang gagawin. Hayaan mo siya, magmerye-meryenda muna kayo.’

“Daaayyy, mag-a-alas tres na, nakatitig pa rin sa krus. ‘Diyos ko!’ sabi ko, ‘Ano ba?! Alas tres na, ganyan-ganyan!!!’

“Hanggang nag-alas kuwatro, naghubad na ako [ng costume]. ‘Ayoko na! Diyos ko! Hanggang ngayon, alas kuwatro na, wala pang nangyayari! Nakatitig pa rin sa krus! Kailan tayo magsyusyuting?!’

“Umalis na ako, 'Day. Nag-walkout na ako. Diyos ko, ang tagal-tagal na, wala pang nangyayari. Ako pala ang point of view ng pelikula. Ako ang nagkukuwento, ako ang reporter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakalimutan ko ang title. Hindi ko na ginawa. Nung pinanood ko, aba! Ayun pala yon! Ganun-ganun-ganun.

“Hindi na ako tinawag after mag-walkout ako. Eto na, direktor na ako. Ginawa ko ang Hiram Na Mukha (1992).

“Kinuha ko siyang artista. Umokey naman siya. ‘Hi, Direk, pasensya ka na, umalis ako noon. Kasi hindi ko alam, bakit titig na titig ka sa krus. Alas kuwatro na, nakatitig ka pa rin. Alas otso pa lang ng umaga, nag-aantay na ako.’

“Ang sabi niya, ‘Kalimutan mo na yun. That’s part of history. O, anong role ko dito?’ ‘Mag-a-apply sa yo si Nanette Medved na dancer.’ “May-ari siya ng club, ‘Ahh, talaga? Hindi ko ba makikita?’ ‘Mag-a-audition siya, magsasayaw-sayaw siya.’

“Gustung-gusto ng p*t*, pasayaw-sayaw si Nanette Medved sa kanyang harapan. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Good, take na. Ay! Ang husay-husay ni Celso! Ang dialogue niya, ‘Accepted!’ Habang sumasayaw si Nanette, may takip siya sa fez, ganun ang kanyang drama-drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang galing-galing ni Celso doon! Doon ako humingi ng sorry. Kasi, nag-walkout ako.”

hiram na mukha poster

JOEL LAMANGAN ON WORKING WITH MARIO O'HARA

Na-nominate na best supporting actor si Direk Joel para sa Bagong Hari (1986) na pinagbidahan ni Dan Alvaro, sa direksiyon ni Mario O’Hara.

bagong hari poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami akong ginawa kay Mario O’Hara. Mortal (1976), andun ako, 'Day!” bulalas ni Direk Joel.

Tampok sa Mortal sina Dindo Fernando, Lolita Rodriguez, Rosanna Ortiz, at Anita Linda.

Pahayag ni Direk Joel, “Nakakaloka si Lolit Rodriguez. Ang Mortal, utak ni Dindo ang istorya. Sira-ulo siya. Ang setting, naandun kami sa gubat.

“Assistant nurse ako doon. Sabi ni Mario, ‘O, sige, costume na! Bihis na, bihis na! Wala namang bihisan, day.

“Sabi ko, ‘Saan tayo magbibihis?’ Sabi ni Lolit, ‘What’s your problem?’ Tsuk! Naghubad! Naka-bathing suit!

“Na-shock ako. Hubad na rin ako. Ang galing-galing ni Lolit, di ba?! Hindi na siya naghahanap ng kung anik-anik! Kasi ready na siya, naka-bathing suit siya.”

mortal 1976

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOEL LAMANGAN ON THE LATE LOLITA RODRIGUEZ

Hindi naidirek ni Direk Joel si Lolita, pero naging co-actor din niya ito sa Lucia (1992) ni Direk Mel Chionglo.

“Dun ko siya nakita dumating, day. Puputik-putik, nakabota na siya. Ready yun parati,” wika ni Direk Joel.

“Sumasalubong ang mga reporter. ‘Lolit! Lolit! Can we talk to you?!’ Sabi ni Lolit, 'Stop. I came here to work, not to talk to you. Ask the producer, not me.’ Tsuk!

“Bongga talaga! Ibang klase ang babaeng yan. ‘If you want, ask the producer.’ Nalokah ako sa kanya. Bongga ang babaeng yun, 'Day!

“At saka hindi malakas ang salita. ‘I came here to work. I came here not to talk to you. If you want, talk to the producer.’

“Tsuk, mahina lang, hindi malakas. Ganun din sa PETA, SM [stage manager] ako noon, stage manager. Ang direktor, si Brocka. Ako, SM."

May kuwento rin si Direk Joel tungkol sa rehearsals ni Lolita para sa stage play na Larawan, kung saan kasama niya ang mga kapwa premyadong artistang sina Charito Solis at Phillip Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

charito phillip lolita larawan

Charito Solis, Phillip Salvador, and Lolita Rodriguez

“Si Charito Solis ang kasama niya. Larawan [1979]. Sa Fort Santiago, ekska-excursion ang mga bata, andami.

“Dumadating siya, alas kuwatro y media, alas singko. Nakita ng mga bata. ‘Ay! Si Lolit!’ Nagtakbuhan, ‘Lolit! Lolit! Lolit!’ ganyan-ganyan siya ng mga bata.

“‘STOP!’ Andun ako sa kanyang likod. ‘Lapit kayo, halika. Matanda pa ako sa mga nanay at tatay ninyo, wala kayong respeto. Ang tawag nyo sa akin, Miss Rodriguez! Naintindihan niyo?’ naku day, sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“‘O, anong gusto nyo?!’ ‘Hindi na po.’ ‘O sige, alis! Padaan, padaan!’ Di ba, bongga siya?

“‘Matanda pa ako sa nanay at tatay niyo, hindi kayo marunong gumalang. Ang dapat itawag nyo sa akin, MISS Rodriguez.’

“Ang isa pang nakakaloka, yung away nila ng National Artist na si Nick Joaquin.”

Si Nick Joaquin ang may-akda ng dulang A Portrait of the Artist as Filipino (1950) na pinagbatayan ng Larawan.

Paggunita ni Direk Joel, “Ganito, 'Day. Nagre-rehearse si Lolit. Andun si Nick Joaquin, nanonood. Ang eksena, lalakad si Lolit, tapos iinom siya ng tsokolate, tapos salita-salita siya. Nagsasalita siya habang…

“Sumagot ba naman si Nick Joaquin, ‘STOP! My Candida does not mix tsokolate that way!!!’ sabi niya.

“Bumaba si Lolit. Lumapit kay Lino, ‘Hanggang nariyan ang matandang yan, hindi ako magre-rehearse.’ Hindi nagre-rehearse!!!

“Sabi ni Lino, ‘Naku, gumawa kayo ng paraan. Kailangang umalis si Nick Joaquin… ayun, niyaya ng dalawang lalaki na uminom ng beer para lang umalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung umalis na, sabi ni Lolit, ‘Now we can rehearse.’

“Drinker si Nick Joaquin. Medyo lasing na siya nung sumigaw siya, ‘My Candida does not mix tsokolate that chururut!!!’ Diyos ko, pati ako, napalingon.

“Rehearsal pa lang naman iyon. Eto na, e di ano na… evening ng next day, performance na. So dress rehearsal na, performance level na.

“Ang Charito Solis, give na give! Give na give! Performance level! Si Lolita, hindi naggi-give. Ganun pa din ang ginagawa during the rehearsal.

“Sabi ko kay Lino, ‘Ba’t ganun? Ba’t ganun siya?’ Sabi ni Lino, ‘Huwag mo nang pakialaman. Huwag kang magsasalita. Hayaan mo siya. Gusto mong wala tayong show bukas?’

“‘Ahh, hindi. Hayaan na natin siya.’ Tsuk-tsuk-tsuk. Kinabukasan, 'Day… talo niya si Charito! Ang husay-husay!

“Dun sa rehearsal, lumapit si Charito kay Lino, ‘Lino, how is that? Why is she like that? She is not performing.’ ‘Let her breathe, she’s trying to find herself. She’s trying to reserve,’ ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, si Charito, performance level na. Wala namang audience, kami-kami lang. Dress rehearsal lang kasi.

“'Day, sa opening night, standing ova si Lolita Rodriguez! Si Charito, wiz. Bow lang, klap-klap-klap.

“Sabi ni Lino, ‘O, see. I told you,’ sabi ni Lino. Ang galing-galing!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Joel Lamangan recalls working with the late National Artist Ishmael Bernal (right) in several projects, including Himala (1982) and Working Girls (1984).
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results