PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joel Lamangan recalls fondest memories working with Lino Brocka

Direk Joel recalls mishmash of improv roles he played in Brocka's films
by Jerry Olea
Published May 4, 2024
Direk Joel Lamangan
Lino Brocka
Direk Joel Lamangan (left) recalls his fondest memories working with late director and National Artist for Film/Broadcast Arts Lino Brocka (right). Direk Joel, who was an aspiring actor at the time, played a mishmash of improvised roles in Brocka's classic films including Macho Dancer, Orapronobis, Hayop sa Hayop, and many more.
PHOTO/S: Jerry Olea / File

Nagbalik-tanaw ang premyadong direktor na si Joel Lamangan sa pakikipagtrabaho niya sa yumaong National Artist na si Lino Brocka (Abril 3, 1939-Mayo 22, 1991).

Ipapalabas ang restored version ng pelikulang Bona (1981) sa Cannes Classics section ng 77th Cannes filmfest sa Mayo.

Bida sa nasabing pelikula sina Nora Aunor at Phillip Salvador, sa direksiyon ni Lino.

Iyon ang unang pelikula ni Ruby Ruiz, na gumanap bilang kapatid ni Nora na kilala rin bilang Ate Guy. Ipe naman ang palayaw ni Phillip.

Read: Phillip Salvador pays tribute to late mentor Lino Brocka

“Ako ang film director doon,” salaysay ni Direk Joel noong Abril 24 sa French Baker store sa Cash n’ Carry, Brgy. Palanan, Makati City.

“Si Phillip Salvador, nag-aartista, di ba? Ako ang direktor ni Phillip Salvador.

“Wala akong pangalan doon. Kalinangan Ensemble! Walang Joel Lamangan. Mahaba ang dialogue ko pero wala pa akong pangalan. Kalinangan Ensemble.

“Dahil ano yon, PETA [Philippine Educational Theater Association]. Kalinangan Ensemble.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga naging trabaho ni Direk Joel sa showbiz ay stuntman, character actor, at crowd director bago siya nabigyan ng break na magdirek ng pelikulang Darna (MMFF 1991) na pinagbidahan ni Nanette Medved.

Read: Direk Joel Lamangan, masayang inalala ang nakaraan bilang stuntman; nawindang sa frontal nudity ng mga bidang aktor

JOEL LAMANGAN ON WORKING WITH THE LATE LINO BROCKA

Memorable sa mga accla at diwata ang eksena at dialogue ni Direk Joel sa launching movie ni Alan Paule na Macho Dancer (1988), sa direksiyon ni Lino Brocka.

Gumanap siya bilang manager ng gay bar, at napalitanya siya nang hipuan si Alan.

Read: Showbiz History: The great Lino Brocka questions MMFF 1977 winners; walks out in protest

Himutok ni Direk Joel, “Naku, wala namang dayalog yun, ako lang ang naglagay ng dayalog! Sabi ko, ‘Lino, paano ba ito?! Deskripsyon lang ang eksena.’

“Nakalagay, deskripsyon lang, gani-ganito, ganyan. Pinaglaruan ako ni Lino, ginawa akong Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kunyari, ako si Ate Guy, nilagyan pa ako ng nunal dito,” pagmumuwestra ni Direk Joel.

“Sabi niya, ‘Halika, halika! Gagawin kitang Nora Aunor.’ ‘Paano?’ ‘Akong bahala.’ Tsuk-tsak, make-up. ‘Lagyan kita ng nunal dito. Ayan! Kamukha ka na ni Ate Guy!’

“Luka-luka yung hayup na yun! Ginawa akong Ate Guy! Tingnan mo, may nunal ako dito.

“Siya ang nag-makeup sa akin. Luka-luka iyang si Lino Brocka. Pinaglaruan ako.”

Ad lib lang pala niya ang memorable dialogue sa Macho Dancer?

“Wala sa script. Walang dayalog. Sabi ko, ‘Ay! Dakota Harrison, dumaan pa ng underpass…’

“Hindi marunong si Ricky Lee ng ganun. Swardspeak yun, hindi naman marunong si Ricky, ako lang nag-improvise.

“Sabi sa akin, ‘Ikaw na lang magsalita, kunyari bakla ka na gani-ganito!’ O, di ako na lang nagsalita.”

Obvious na nagulat si Alan nang dakmain ni Direk Joel ang harapan nito.

“Sabi ko, ‘Lino, baka suntukin ako niyan?!’ ‘Hindi, basta…’ Kaya ayun, ginawa ko. Mabait si Alan…”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi siya "Nora Aunor acting" sa Macho Dancer, ha?!

“Hindi, hitsura lang… at meron pang eksena dun, gagawa ako ng mga bulaklak na may ilaw,” pagbabalik-tanaw ni Direk Joel.

“Tanong ko, ‘Anong gagawin ko dito?’ ‘Puwede ka bang kumanta?’ ‘Ay! Hindi ako kakanta! Hindi ako marunong kumanta, Lino! Ay! Sobra ka naman!’

“May pakanta-kanta pa?! ‘Wala, tinatanong ko lang kung puwede kang kumanta, pakakantahin kita, parang si Ate Guy.’ ‘Hindi ako puwedeng kumanta! Hindi ako marunong kumanta!’

“Ako na lang gumawa-gawa ng bulaklak, ako na lang nagdaya-dayalog kunwari. Walanghiya yang si Lino, pinakakanta ako as Ate Guy… 'Pearly Shell!'

“Kantahin ko raw! ‘Pearly shell down the ocean…’ habang ginaganun ko yung mga bulaklak. ‘Hindi ko alam, Lino!’

“Talagang pinanindigan ko, hindi ko alam.”

Muntik na pala siyang mapabilang sa impersonators ni Nora?!

“Naku, day! Ayoko! Luka-luka yun, neng… si Lino.”

JOEL LAMANGAN AS SECURITY GUARD

More and more ang fond memories ni Direk Joel kay Direk Lino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naalala niya yung karanasan niya sa Hayop sa Hayop (1978) na pinagbidahan nina Hilda Koronel, Phillip Salvador, at Bembol Roco.

“Ako yung security guard na andun sa bangko na ira-rob nila,” saad ni Direk Joel.

“Sabi sa akin ni Lino, ‘O, diyan ka. Security guard ka, ha? Pag binaril ka, patay ka, ha?’ ‘Sinong babaril?’ ‘Si Ipe.’ ‘Paano?’ ‘Basta! Basta pag nabaril ka, patay ka na agad!’ ‘Oo, sige.’ ‘ACTION!’

“Lumapit si Ipe, binaril ako, ganyan kalapit. Natamaan ako dito ng blank bullet. Nahimatay ako talaga! P*t@ng ina naman, ang sakit-sakit, day!

“Pinaglaruan na naman ako. ‘Hoy, ang husay-husay mo!’ ‘P*t@ ka, Lino, ang sakit-sakit, ha?! Ba’t ang lapit-lapit?!’

“Kasi baka hindi raw tumama.”

JOEL LAMANGAN AS COLONEL

Nakakintal din kay Direk Joel ang experience niya kay Direk Lino sa pelikulang Orapronobis aka Fight For Us (1989) na tinampukan nina Phillip Salvador, Dina Bonnevie, Bembol Roco, at Gina Alajar.

Kuwento ni Direk Joel, “Sabi ni Lino, ‘Gagawin kitang colonel dito! Hindi ka puwedeng magbakla-bakla, ha? Colonel ka dito!’ ‘Sige, Lino, gagawin natin yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Eto na, e, di nakapamaywang akong ganyan. E, gumanun yung kamay ko sa kabila. Sabi ni Ipe, ‘Cut!’ ‘Ba’t mo kinat?’ sabi ko kay Ipe.

“‘E, kasi yung kamay, Lino, nakaganun.’ E, hindi ko nga alam na nakaganun pala yung kamay ko! ‘Dapat hindi mahahalatang bakla ka! Nakatikwas ang kamay mo, mag-ano ka.’

“Eto na… kakausapin ko ang bungo. May bungo! Sa mesa nakalagay, kakausapin ko nang malapit. ‘Lino, totoo bang bungo ito?’ ‘Totoo yan! Kakukuha lang namin yan sa sementeryo!’

“‘Kakausapin ko yan?’ ‘Hindi ka bakla dito, ha?! Ang role mo, hindi ka natatakot sa bungo.’ ‘Lino, sobra na yan, ha?’ ‘Sige na! Kausapin mo na!’

“Eto naman si Ipe, ‘Ano ba?! Antagal-tagal!’ Usap-usap sila para i-pressure-pressure ako na hawakan ko yung bungo na kakukuha lang sa sementeryo daw.

“Ay! May mga lupa-lupa pa! Hanggang sa nagawa ko na. Nung nagawa ko na, nagtawanan ang mga p*t@! Sabi ni Lino, ‘Excellent!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami akong karanasan kay Lino Brocka.”

Marami rin siyang karanasan kay Direk Ishmael Bernal (Setyembre 30, 1938-Hunyo 2, 1996).

“Ay! Maganda naman yung kay Ishma, iba naman yon. Ay! Kabaliwan din yon!” bulalas ni Direk Joel.

Sina Nora Aunor, Ricky Lee, Lino Brocka, at Ishmael Bernal ay pawang National Artists, o Pambansang Alagad ng Sining.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan (left) recalls his fondest memories working with late director and National Artist for Film/Broadcast Arts Lino Brocka (right). Direk Joel, who was an aspiring actor at the time, played a mishmash of improvised roles in Brocka's classic films including Macho Dancer, Orapronobis, Hayop sa Hayop, and many more.
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results