PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vloggers Rosmar and Rendon apologize after Coron mishap

Rosmar: "Nagpadala po ako sa bugso ng damdamin..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 18, 2024
Vloggers Rosmar Tan and Rendon Labador apologize after Coron mishap
Rosmar Tan (front, center) and Rendon Labador (front, rightmost) issue public apology amid calls for them to be declared persona non grata in the municipality of Coron, Palawan.
PHOTO/S: Screengrab @Rosmar Tan Facebook

Humingi ng paumanhin ang social media personalities na sina Rosmar Tan at Rendon Labador kaugnay ng kontrobersiyang kinahaharap nila nang magtungo sila sa Coron, Palawan, kamakailan.

Ito’y matapos nilang sugurin, duruin, at pagsisigawan ang isang tauhan ng munisipyo ng nasabing probinsya na anila’y nanira sa kanila online dahil sa pagpu-post nito sa Facebook.

Nag-ugat ito nang magtungo sina Rosmar at Rendon, kasama ang ilan pa nilang kapwa vloggers sa Coron, Palawan, para umano sa isang charity event noong Biyernes, June 14, 2024.

Dinaluhan ito ng daan-daang residenteng umasang makakakuha ng grocery pack at cash na noo’y ibinibigay ng grupo.

Ngunit sa dami ng tao, may ilan sa mga dumalo ang hindi nabigyan.

Read: Rosmar Tan reveals earning PHP5M-PHP13M per day from her skin-care brand

Dahil dito, isang staff ng munisipyo na nagngangalang Jho Cayabyab Trinidad ang nag-post sa Facebook upang ibahagi ang kanyang pagkadismaya sa dami ng kababayan niyang hindi raw naabutan ng tulong nina Rosmar at Rendon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa post ni Trinidad, tila ginamit lang nina Rosmar at Rendon ang mga residente ng Coron para sa kani-kanilang social media content.

Nang malaman ito, dali-daling sumugod ang grupo nina Rosmar at Rendon sa munisipyo para kumprontahin ang anila’y ginawang paninira sa kanila ni Trinidad sa social media.

Vloggers Rosmar Tan, Rendon Labador face potential ban in Coron, Palawan
Social media personalities Rendon Labador (left) and Rosmar (right) confronting a staff of the Mayor in Coron, Palawan
Photo/s: Screengrab @Rendon Labador Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nasabing insidente ay mabilis na nakarating sa Coron Municipal Council, dahilan para hindi palampasin ni City Councilor John Patrick Mata, na may pangalang Juan Patricio Eyes sa Facebook.

Sa Facebook post ni Mata nitong Linggo, June 15, sinabi nitong nakahanda na ang ihahain niyang resolusyon na magtatakda kina Rosmar at Rendon na persona non grata sa kanilang lugar.

Hindi raw niya ito mapalalampas lalo na’t ang ginawa ng dalawang vloggers ay nagdulot ng kahihiyan sa kanilang tauhan maging sa kanilang bayan.

Maging ang alkalde ng Coron, Palawan, na si Mario Reyes Jr., ay umaksiyon na rin para paimbestigahan ang nangyari sa mismong opisina niya at mapanagot ang tunay na may kasalanan.

Read: Vloggers Rosmar and Rendon face potential ban in Coron

TEAM MALAKAS ISSUES PUBLIC APOLOGY

Nitong Lunes, June 17, nag-public apology sina Rosmar at Rendon, kasama ang isa pang vlogger na si Marki, at ang lahat ng miyembro ng kanilang grupo na kilala sa tawag na Team Malakas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pamamagitan ng isang video sa Facebook, emosyunal na pinangunahan nina Rosmar, Rendon, at Marki ang paghingi nila ng tawad sa lahat ng taong nasaktan at nadawit sa kanilang ginawa.

Vloggers Rosmar and Rendon apologize after Coron mishap
Photo/s: Screengrab @Rosmar Tan Fcaebook

Panimula ni Marki: "Nandito po kaming lahat para humingi ng dispensa sa nangyari.

"Alam po namin, mali po yung ginawa namin. Sumobra po kami sa actions na nagawa namin and humihingi po kami ng dispensa gawa ng nagpadaan kami sa emosyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tao lang din po kami, nagkakamali po kami and ina-admit din po namin ang pagkakamali namin."

ROSMAR: "Nagpadala po ako sa bugso ng damdamin."

Depensa naman ni Rosmar, dahil sa bugso ng damdamin kaya nila nagawang sugurin, sigawan, at duruin si Trinidad.

Gayunpaman, hiningi niya ito ng tawad.

Alam daw niyang hindi sila agad-agad mapapatawad sa kanilang nagawa. Kung ang pagdedeklara sa kanila bilang persona non grata sa bayan ng Coron ang sagot para sila ay mapanagot, malugod daw nila itong tatanggapin.

Saad ni Rosmar: "Pasensiya na po kay Ma'am Jho, sa munisipyo, lalung-lalo na kay Mayor at siyempre sa bayan ng Coron, Palawan.

"Sorry po talaga na parang pinost ko na 'Never Again Coron.' Hindi ko po sinasadya na i-generalize po kayo.

"Nagpadala po ako sa bugso ng damdamin, at yon po ang pinakamaling nagawa ko at humihingi po ako ng tawad. Alam ko pong pagkakamali ko po yon. Sana po mapatawad niyo po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tungkol naman po doon sa sinasabi na gusto raw po kami i-persona non grata sa Coron, Palawan, Mayor, kung iyon po ang tingin niyo pong magiging patas na desisyon para sa nangyari at kung yun po ang parusa sa nagawa namin, humihingi po kami talaga ng tawad.

"Pero kung tingin niyo po na ayun talaga, maluwag po naming tatanggapin yung parusa niyo po na yon."

RENDON: "Ako na po ang bigyan niyo ng persona non grata."

Diin naman ni Rendon, maganda ang intensiyon nila nang magpunta sa Coron — ang magbigay saya at tulong sa mga tao na tagaroon.

Hindi raw nila ginusto ang nangyaring komosyon kaya anuman ang kahihinatnan nito ay magiging aral daw sa kanila ito.

Ani Rendon: "Gusto ko pong linawin na pumunta kami sa munisipyo, hindi bilang celebrity, hindi bilang isang influencer.

"Pumunta po kami doon bilang isang Pilipino, simpleng tao na nasaktan sa nangyari dahil sa isang comment ng public servant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kami po ay nagpapakababa sa inyong lahat na susubukan po naming baguhin kung ano man po ang pagkakamali namin.

"Tingin po namin na ito po ay magiging lesson sa amin as a team. We will be better. Babawi po kami.

"Hindi po ito magiging hadlang sa advocacy namin na makatulong at makapagbigay ng inspirasyon sa mga taong nangangailangan."

Read: Netizens call out content creator Rendon Labador for calling comedian Michael V "laos"

Dagdag pa niya, "Bottom line po, Ma'am Jho, pasensiya na kung naging ganun ang aming naging aksyon, kung napasobra man.

"Yung mga tao sa munisipyo, kung naramdaman niyo po na na-disrespect ko po kayo, lalung-lalo na po sa mahal nating mayor."

May mensahe at pakiusap ring iniwan si Rendon sa alkalde ng Coron.

Aniya: "Mayor, wala po akong masamang intensiyon para kayo po ay i-disrespect. Nirerespeto ko po kayo bilang lider ng Coron.

"Mayor, sana kung makakarating man po sa inyo itong video na ito, ako na lang po sana ang tatanggap ng persona non grata, dahil nakita ko po ang sinseridad ng mag-asawang Nathan at Rosmar sa pagtulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako na po ang bigyan niyo ng persona non grata. Hiling ko po na kung ito man po ay matutuloy, gusto ko pong hilingin sa inyo, Mayor, na sana bigyan niyo pa po ako ng huling pagkakataon na makadalaw sa Coron, dahil napangako ko po sa pamilya ko na ipapasyal ko sila sa Coron, para makita ko po silang maging masaya sila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosmar Tan (front, center) and Rendon Labador (front, rightmost) issue public apology amid calls for them to be declared persona non grata in the municipality of Coron, Palawan.
PHOTO/S: Screengrab @Rosmar Tan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results