PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez laughs off JakBie breakup rumors

Sanya: "Support ako sa BarDa, kinikilig din ako sa BarDa..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 23, 2024
Sanya Lopez reacts on Jak Roberto and Barbie Forteza breakup rumors
Sanya Lopez (left) on Jak Roberto and Barbie Forteza (right) breakup rumors: "Hindi totoo kasi masaya sila. Ang nakakatuwa pa, parehas silang naggu-grow at nagsusuportahan sila sa isa't isa."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Jak Roberto Instagram

Pinagtatawanan lang ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang hindi mamatay-matay na isyung, diumano, hiwalay na ang nakatatanda niyang kapatid na si Jak Roberto at long-time girlfriend nitong si Barbie Forteza.

Makailang beses nang naisyu ang relasyon nina Barbie at Jak o JakBie, lalo na nang magkaroon ng ka-loveteam si Barbie sa katauhan ni David Licauco.

Read: Barbie Forteza-Jak Roberto breakup rumor, fake news

Nagsimula ito nang kahumalingan ng publiko ang tambalan nina Barbie at David, o mas kilala ngayon bilang BarDa, nang magkapareha sila sa Maria Clara at Ibarra, ang defunct top-rating primetime series ng GMA-7.

Read: Most-talked about moments in Maria Clara at Ibarra

Simula nito, nagsunud-sunod na ang mga proyekto nilang magkasama, kabilang na rito ang defunct limited series na Maging Sino Ka Man at ang upcoming movie nilang That Kind of Love at teleseryeng Pulang Araw.

Dahil sa mas madalas nilang pagsasama, may ilang espekulasyon ang lumutang na si Barbie ay hiwalay na kay Jak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 8 most painful breakups of reel-and-real couples in showbiz

Bagay na paulit-ulit naman nang sinasagot ni Barbie na masaya sila ni Jake at maayos ang kanilang pagsasama.

Read: Jak Roberto "touchy" kay Vivamax star Ava Mendez? Barbie Forteza, no comment sa showbiz breakups ng 2023

SANYA REACTS TO BREAKUP RUMORS OF BARBIE AND JAK

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sanya sa Genson's Distribution Inc. 20th anniversary noong June 7, 2024, nahingan siya ng reaksiyon tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu sa hiwalayang Barbie at Jak.

Diin ni Sanya, "Hindi totoo kasi masaya sila."

Read: Jak Roberto on Barbie Forteza's love team David Licauco: "Walang selos, go lang!"

Kung tutuusin, natutuwa raw si Sanya sa relasyon ng dalawa dahil nakikita niya kung paano magtulungan ang dalawa na palaguin ang kanilang magkahiwalay na karera.

Aniya, "Ang nakakatuwa pa, parehas silang naggu-grow at nagsusuportahan sila sa isa't isa.

"Maganda yon kasi parehas silang nagbibigayan. Pero ayun nga, okay na okay sila."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Barbie Forteza, sawa nang sagutin kung nagseselos si Jak Roberto sa love team nila ni David Licauco

SANYA FULL SUPPORT TO BARDA

Aware si Sanya na maraming fans sina Barbie at David na pilit silang pinagsi-ship.

Pag-amin pa niya, maging siya ay tagahanga ng dalawa at kinikilig sa chemistry nila on-screen.

Kaya naman ikina-excite at ikinatuwa niyang makakasama ang mga ito sa Pulang Araw.

Read: Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco headline historical action-drama Pulang Araw

Bukod sa kanilang tatlo, kasama rin sa cast ng Pulang Araw sina Alden Richards at Dennis Trillo.

Pulang Araw cast
(L-R) Sanya Lopez, David Licauco, Barbie Forteza, Alden Richards, and Dennis Trillo lead the powerhouse cast of the upcoming GMA-7 historical action-drama Pulang Araw.
Photo/s: Screengrab @Netflix YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Sanya, "Support ako sa BarDa, kinikilig din ako sa BarDa kung tutuusin, e.

"And magkakasama kaming apat—si Barbie, David, ako, and si Alden so walang problema."

Read: Pulang Araw ng GMA-7, unang mapapanood sa Netflix

Kumusta naman katrabaho ang nobya ng kanyang kapatid?

Sagot ni Sanya, "Same pa rin kung paano kami ni Barbie off-cam. Kahit ito nga lang na Pulang Araw, seryoso yung ginagawa namin, but still, Barbie is Barbie pa rin.

"Kalog pa rin and sweet pa rin. At the same time, parang sister ko na siya, di ba, kung tutuusin. So, ganun pa rin siya as kapatid sa akin."

Read: David Licauco on possible romance with Barbie Forteza: "What if?"

JAK AND BARBIE CELEBRATE 7th anniversary

Sa likod ng intriga sa kanilang pagmamahalan, going strong ang relasyon nina Jak at Barbie.

Noong May 19, 2024, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikapitong anibersaryo bilang magkasintahan.

Read: David Licauco on Barbie Forteza: "Close friends kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kani-kanilang Instagram, nag-post ang magkasintahan ng mga larawang kuha sa kanilang date sa isang ramen house sa Alfonso, Cavite.

barbie forteza and real-life boyfriend jak roberto
Photo/s: @barbaraforteza on Instagram

Mensahe ni Barbie, hindi pa rin siya makapaniwalang ganoon na katagal ang relasyon nila ni Jak.

Nilagpasan daw ni Jak ang kanyang expectations noon sa magiging samahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong mensahe ni Barbie para sa boyfriend: "Happy 7th anniversary, Mahal! @jakroberto (heart emoji).

"You never fail to treat me the way you promised my family you would. Lastly, you love and care for my family more than you should.

"You have raised the bar, my love. I’m so grateful for you.

"Mahal na mahal kita."

Sa comments section ng post ni Barbie aynag komento si Jak.

Aniya, "Happy 7 years mahal ko! I love you so much (hearts emojis)"

Mabilis itong nireplayan ni Barbie ng, "@jakroberto kung may forever naman, bat di natin subukan (heart emoji) #TeamAndoy"

Read: Jak Roberto rides on 'anti-selos class' memes; Barbie Forteza reacts

Samantala, sa hiwalay na Instagram post ni Jake ay ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman. Hindi raw siya makapaniwalang pitong taon na ang itinatagal ng relasyon nila ni Barbie.

Pakiramdam daw kasi ay unang anibersaryo lamang nila dahil walang pagbabago si Barbie sa ugali nito mula noon hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Jak sa kanyang post, "Happy 7 Years Mahal ko! Pakiramdam ko 1st anniversary parin natin, still the same kung gaano ka ka-sweet and loving sakin!

"Nakapagcelebrate din tayo sa wakas at sobrang enjoy talaga palagi pag kasama ka! I love you so much (hearts emojis) More travels and food trip to us!!!"

Read: Barbie Forteza, Jak Roberto celebrate 7th anniversary

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez (left) on Jak Roberto and Barbie Forteza (right) breakup rumors: "Hindi totoo kasi masaya sila. Ang nakakatuwa pa, parehas silang naggu-grow at nagsusuportahan sila sa isa't isa."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Jak Roberto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results