May espesyal na ugnayan ba ang Kapamilya actress na si Jane de Leon at Kapuso actor na si Rob Gomez?
Ito ang katanungan ng ilang netizens matapos i-post ni Jane ang video niya kasama si Rob sa Taipei, Taiwan.
Nitong Linggo, June 30, 2024, ibinahagi ni Jane sa Instagram ang karanasan niyang kumain ng ichiran ramen sa nasabing bansa.
Bukod sa mga larawan, kapansin-pansin din ang ipinost ni Jane na video kunsaan makikita ang reaksiyon niya sa pagkain ng ramen.
Ang video niya ito ay nabalot ng kontrobersiya nang sa kalagitnaan ng pagkain ni Jane ng ramen ay biglang sumilip si Rob, na noong mga oras na iyon ay nasa tabi lamang ng aktres.

Walang sinabing rason si Jane kung bakit kasama niya si Rob, maliban sa caption niyang: "Finally! Had a chance to try ICHIRAN for the first time. It’s a 10 for me...#Ichiran #WheninTaiwan."
NETIZENS' REACTIONS
Dahil sa pagsasama nilang dalawa sa iisang lugar, marami sa fans ni Jane ang nagtanong kung ano ang tunay na ugnayan niya kay Rob.
May ilan ding umalma at tila pinangaralan ang aktres na huwag magdididikit kay Rob para hindi ito madawit sa nakaraang kontrobersiyang kinaharap ng aktor.
Komento ng isang netizen sa kanyang IG post, "Si Rob ba yon, anong meron sa inyo?"
Saad ng isa, "Nako Jane! Nako tlaga!! Umayos ka!"
Sabi pa ng isa (published as is), "juiceko jane d mo nmn cguro ka level c hipon para pumatol sa nambubugbog ng kalive no."
"Cancelledt na basta friend ni Rob Gomez," dagdag pa ng isa.
Read: Jane de Leon opens up about secret relationships with three actors
Samantala, hindi ito ang unang pagsasama nina Jane at Rob.
Noong 2023, lumabas na rin si Rob sa social media account ni Jane nang magkatrabaho sila sa pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme.
Read: Jane de Leon on absence of Shake, Rattle, & Roll: Extreme at MMFF 2023: "We already expected na."
ROB'S PREVIOUS CONTROVERSY
Noong December 2023, naging sentro ng usapan online si Rob dahil sa isyu ng diumano’y pangangaliwa nito sa dating partner niyang si Shaila Rebortera.
Dawit dito ang co-stars ni Rob sa Magandang Dilag na sina Herlene Budol at Bianca Manalo, na itinuturong naging kalandian noon ng aktor kaya't nasira ang relasyon nina Rob at Shaila.
Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”
Nagsimula ang lahat noong December 19, 2023, nang pagpiyestahan sa social media ang screenshot ng diumano'y private messages nina Bianca at Herlene kay Rob.
Read: Sherwin Gatchalian shrugs off “bashers, bitters, mariteses” amid Bianca Manalo-Rob Gomez issue
Lumabas ito sa mismong Instagram account ni Rob at pinapaniwalaang si Shaila mismo ang nag-upload.
Base sa screenshots, lihim na nakikipagkita si Rob kina Herlene at Bianca na hindi alam ni Shaila.
ROB ISSUES STATEMENT
Nagpadala ng opisyal na pahayag si Rob sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Disyembre 20, 2023, kaugnay ng unauthorized posts na inilagay ng kanyang estranged girlfriend na si Shaila sa Instagram account ng aktor.
Ani Rob, walang pahintulot na kinuha at ginamit ni Shaila ang kanyang cellphone at diumano'y nagpanggap bilang siya ang ina ng kanyang anak.
Pahayag ni Rob tungkol dito: “Please be advised that my phone was taken and used it without my consent on December 20, 2023 from 12:30 a.m. to 4 p.m.
“Worse is that the person who took my phone posted pictures of mine in my own social media account pretending that I posted it with the intention of destroying my reputation.
“The videos as shown were among my friends and co-stars who was trying to cheer me up when I was going through a lot of hurdles in my life."
Read: Rob Gomez, di pa nababawi ang cellphone kay Shaila Rebortera
Lumaki na ang hidwaan sa pagitan nina Rob at Shaila nang mag-umpisa nang sabihin ng aktor sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda noong Auguts 3, 2023, na single siya.
Read: Rob Gomez natuto na sa mga kontrobersiyang napasukan nung nakaraang taon
Lumalabas na hindi nagustuhan ni Shaila ang salitang binitiwan ni Rob sa national television dahil nagsasama na sila noon at may isa nang anak.
Read: Herlene Budol, sinakyan at ginawa pang kanta ang "Kain Tayo" controversy nila ni Rob Gomez
