PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano not closing doors on politics

Luis Manzano: "If I do run, it has to be about public service."
by Arniel C. Serato
Published Jul 8, 2024
Luis Manzano says politics is still an option for him in the coming years
Luis Manzano on politics: "Lahat tayo may obligation to serve. In what capacity? It depends kung ano yung binigay sa yo ng Diyos. Depends on the cards dealt. Did I ever say no to politics before? Sabi ko hindi pa, 'Hindi pa.' So hindi na lang magugulat kung tawagin ako ng public service itong darating na taon."
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi isinasara ng TV host na si Luis Manzano ang pagkakataong pasukin din niya ang pulitika o public service sa mga susunod na taon.

Naging mayor, kongresista, at gobernador ang ina niyang si Vilma Santos sa Batangas.

Naging vice-mayor naman ng Makati City ang ama niyang si Edu Manzano.

Nagsilbi ring senador ang stepfather ni Luis na si Finance Secretary Ralph Recto.

Kaya hindi maiwasang matanong si Luis tungkol sa pulitika.

Read: Luis Manzano has no interest in politics

LUIS MANZANO ON POLITICS

Sa presscon ni Luis matapos itong pumirma ng kontrata sa ABS-CBN noong Martes, July 2, 2024, nausisa ang Rainbow Rumble host tungkol dito.

Luis Manzano open to politics
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Luis, "Alam mo, siguro three admins ago pa lang, inaantay na ako.

"Nakakatawa in a sense na, pag filing na, or last day na ng filing, may magmi-message sa akin, 'O, nandito kami ngayon, anong oras ka darating?'''

Sagot daw niya, "'Ha? Bakit? Anong meron?'"

Nakarating daw sa mga itong maghahain siya ng kandidatura gayong nasa bahay lang siya at walang balak kumandidato.

Pagpapatuloy ni Luis, "At hindi siya nawawala every election.

"And even until now, kagaya I've answered this before, and I will answer it again, redundant man pakinggan, but it's my heartfelt answer.

"Lahat tayo may obligation to serve. In what capacity? It depends kung ano yung ibinigay sa yo ng Diyos. Depends on the cards dealt.

"Did I ever say no to politics before? Sabi ko, 'Hindi pa, hindi pa.'

"So, hindi na lang magugulat kung tawagin ako ng public service itong darating na taon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa isip talaga niyang darating ang araw na sasabak din siya sa pulitika?

Aniya, "Yes, I'm very much open to politics.

"Pero yun nga, ang gusto ko... kasi masyado natin iniisip na pulitika yan.

"If I do run, it has to be about public service."

Read: Is Luis Manzano planning to enter politics?

LUIS: "SIGURADUHIN MO NA MAGLILINGKOD KA TALAGA SA PUBLIKO."

Marami ang nagsasabing hinog na si Luis at puwedeng-puwede na niyang subukan ito ngayon.

Saad niya, "Like what I said, isipin mo yun, yung hihingi ka ng boto, o yung tao, willing ibigay sa yo, willing i-shade yung pangalan mo.

"That speaks volumes sa tiwala nila sa yo.

"At pag ginawa mo yun, pag hiningi mo ang boto ng tao, at binigay nila sa yo, siguraduhin mo na maglilingkod ka talaga sa publiko."

Ayon kay Luis, hindi nila ito pinag-usapan ng ina o sa loob ng kanilang pamilya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad niya, "To be fair, since unang takbo ni Mommy up to now that we're talking, pag nagdi-dinner kami, wala kaming usapang pulitika.

"May usapang pulitika sa mga nangyayari, but in terms of kung anong mangyayari, kung tatakbo ba, wala kaming usapang politika.

"Totoo. I think politics takes a backseat sa family namin pagka magkakasama kami."

Sa isang panayam, sinabi ni Secretary Recto na pinag-iisipan muli ng Star for All Seasons na si Vilma ang muling pagtakbo bilang gobernador ng Batangas.

Read: Ralph Recto says wife Vilma Santos might return to politics

Ano ang masasabi ni Luis dito?

Aniya, "Nakita naman natin how progressive yung Lipa.

"Nakita natin kung ano pinagbago ng Lipa nung naging mayor si Mommy, kung anong pinagbago ng Batangas nung siya ay naging governor, kahit nung siya ay naging congresswoman ng Lipa.

"So, si Mommy kasi, babalikan ko lang... Pag si mommy tumatakbo o si Tito Ralph tumatakbo, politics takes a backseat to public service.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I think that's what it's about.

"Kaya nami-miss na mga tao na si Mommy nandun dahil nararandaman na rin yung tunay na paglilingkod ni Mommy sa Batangas."

Read: Ralph Recto on son Ryan Christian joining showbiz, politics

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano on politics: "Lahat tayo may obligation to serve. In what capacity? It depends kung ano yung binigay sa yo ng Diyos. Depends on the cards dealt. Did I ever say no to politics before? Sabi ko hindi pa, 'Hindi pa.' So hindi na lang magugulat kung tawagin ako ng public service itong darating na taon."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results