PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco

Maris Racal: "Rico and I, our universe was so beautiful, it was full of love..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 12, 2024
Maris Racal confirms breakup with boyfriend Rico Blanco
Maris Racal on breakup with Rico Blanco: "Rico and I, our universe was so beautiful, it was full of love, laughter, music, everything. Sa five years namin together, we were always on the same page. I don't know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life."
PHOTO/S: @Maris Racal Instagram

Kinumpirma ng Kapamilya actress-singer na si Maris Racal, 26, na hiwalay na sila ng Rivermaya vocalist na si Rico Blanco, 51, pagkatapos ng limang taong relasyon.

Sa Star Magic presscon ngayong Biyernes, July 12, 2024, tinanong si Maris kung saka-sakaling alukin siya ng kasal ni Rico ay papayag ba siya gayong nasa peak siya ngayon ng kanyang showbiz career.

"Focus muna po ako sa career," sagot ni Maris.

Read: Is Maris Racal ready to tie the knot with Rico Blanco?

Sundot na tanong sa kanya, "Pero do you see yourself ending with Rico?"

Sa puntong ito ay makikita na ang pagiging tahimik at emosyunal ni Maris.

Kasunod ng rebelasyong hindi na niya kailanman masasagot ang tanong na ito dahil hiwalay na sila ni Rico.

Saad ni Maris, "I'm so scared. I'm really scared, ang dami kasing tanong about him and I am tired of smiling and nodding.

"I'm so scared because if I announce it that is real... but, yeah, Rico and I are over."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Rico Blanco and Maris Racal duet
Photo/s: Maris Racal YouTube

Nang tanungin kung kailan pa sila nag-break, ang naging sagot ng aktres, "It's fresh. It's been weeks, loneliest and emptiest weeks I've ever experienced in my life."

Hindi raw agad naisapubliko ni Maris ang kinahantungan ng relasyon nila dahil maging siya ay hindi pa rin makapaniwalang nagtapos na ang pagmamahalan nila ni Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, "Hindi ko rin siya malabas na isang statement lang kasi hindi siya ganon kadali, sobrang complicated yung situation."

MARIS ASSUMES HER RELATIONSHIP WITH RICO WILL NEVER END

Sa loob ng limang taon nilang pagiging magkasintahan, hindi raw sumagi sa isipan ni Maris na darating ang araw na maghihiwalay sila ni Rico.

Masaya at kuntento daw kasi sila sa isa't isa.

Emosyunal na pahayag ni Maris, "Rico and I, our universe was so beautiful. It was full of love, laughter, music, everything.

"Sa five years namin together, we were always on the same page."

Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila nag-iiba raw ang gusto at prayoridad na gawin ni Maris, bagay na agad niyang sinabi kay Rico

Aniya: "I don't know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life. I had visions of who I want to become, and how I want to evolve.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I'm so curious about the world and the truth is, I am going through changes.

"And alam naman natin yung change is either good or bad. But what I hate about change is it's inevitable.

"Hindi mo siya matatakasan. Wala ka nang puwedeng ibang gawin but to confront it and face it.

"So, yeah, I told Rico about it. I told him my problems and my issues.

"And he took it like a man. He took it like a man."

Nang makapag-usap, nagdesisyon daw sila ni Rico na tuluyan nang maghiwalay at iprayoridad ni Maris ang mga gusto niyang gawin na wala na ang musikero sa kanyang tabi.

Mahirap man ang kanilang naging desisyon, mas nanaig daw hanggang sa huli ang pagmamahal at respeto nila sa isa't isa.

Ani Maris: "It was a very difficult talk, cause I love him so much and he loves me.

"But I have so many questions about my life and how will I go on in life with him, and I have so many questions about me and my sense of self.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It was very difficult but a very polite separation.

"Up to the very end of the relationship, it was still full of love and understanding.

"And Rico is one of a kind. If only I could skip through my 20s, you know, but I can't

"I have to face it, I have to sit with my feelings and acknowledge my changes."

Maris reveals manifesting boyfriend Rico

Matatandaang sa vlog sa YouTube ni Dra. Vicki Belo noong Febuary 19, 2024, ikinuwento ni Maris kung paano nagsimula ang love story nila ni Rico — mula sa pagpapansin niya sa musikero sa pamamagitan ng pagpu-post sa kanyang social media accounts.

Lahad ni Maris: "Bata pa lang ako, idol ko na si Rico Blanco.

"May band kasi yung kuya ko na super fan siya ni Rico. Then yung mga ate ko, super fan [din]. So ako, nakiki-fan na din.

"Then, noong nag-artista na ako, siguro mga ilang taon na rin ako sa showbiz nun, may nagtanong sa akin, 'Anong type mo sa lalaki?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"[Sagot daw niya] 'Ewan ko, pero parang gusto ko yung Rico Blanco na look tapos gusto ko na mahilig siya sa music.'

"Actually, gusto ko ng younger version ni Rico."

Maris Racal recalls manifesting for boyfriend Rico Blanco
Photo/s: Rico Blanco Facebook

Hindi raw sukat-akalain ni Maris na diringgin ng Diyos ang kanyang hiling na mapansin ni Rico, na noon ay bahagi lang ng kanyang paniniwala sa manifestion at law of attraction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay ang konsepto na nata-translate sa realidad ang mga bagay na madalas tinututukan ng pag-iisip at pakiramdam ng isang tao.

Lahad ng aktres, "I kept posting on my private Facebook na, 'Lord, bigyan mo naman ako ng younger version ni Rico.'

"Super crush ko talaga siya.

"Hindi ko naman in-expect na siya yung ibibigay ni Lord, hindi yung younger version!"

Ayon kay Maris, December 7, 2018 nang mag-tweet siya tungkol sa paghahanap ng makaka-collaborate sa isinulat niyang kanta.

Marami naman daw musicians ang kumontak sa kanya, ngunit ang gusto raw talaga niyang maka-collab noong mga panahong iyon ay ang ultimate crush niyang si Rico.

Lahad ni Maris, "When I was 21, mga ganon, I was really planning na to take music seriously na talaga.

"May mga songs na rin akong nasulat at that time, and I really want to collaborate with somebody.

"Dati pa lang, whenever I'm writing songs, kapag natapos ko siya, parang sabi ko, 'Oh, my God, magugustuhan to ni Rico!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang kapal talaga ng mukha ko, kasi feeling ko talaga ayun yung mga tipong music na magugustuhan ni Rico. Kaya nag-tweet talaga ako.

"May mga ilang musicians na nag-reply, pero ang target ko talaga, e, si Rico.

"Tapos my fans know na idol ko si Rico. Tinag nila si Rico, and then Rico replied.

"So, ako talaga, napaka, 'Oh my God! Totoo ba to?!'

"And yun na, nag-set kami ng date para mag-meet para ma-play ko sa kanya yung music.

"Doon na ako tumalun-talon on the way to his house... sa studio niya."

Read: Maris Racal on working with Rico Blanco: "Amazing is an understatement."

Nang sa wakas ay makita niya nang malapitan at personal si Rico, animo'y nag-slow mo raw ang mundo ni Maris.

Paglalarawan niya, "Para siyang nakaka-tense na situation, as in para siyang movie.

"Pagpasok talaga [ni Rico] sa room, parang nag-slow mo talaga yung mundo ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagulat ako kasi akala ko si Rico, astig na brusko, akala ko talaga bad boy siya.

"Pagpasok niya, sabi niya agad, 'Hi!' And ako, ganun pala siya magsalita, malumanay and very conyo.

"Pero kasi at that time, hindi ko naramdaman yung super crush thing. Parang more on fangirling, tapos I was earger to play my music in front of him.

"When I played the song naman, nagustuhan niya."

Read: Maris Racal reveals manifesting boyfriend Rico Blanco: "Actually, gusto ko ng younger version ni Rico."

MARIS-RICO'S FIRST COLLAB

Nagtuluy-tuloy raw ang usapan nina Maris at Rico, at dito na nila napagdesisyunang gawin ang kaunaha-unahan nilang collab — ang kantang "Abot Langit."

Nang matapos daw nila ang project, doon na siya niyaya ni Rico lumabas na sila lang dalawa.

Ngunit pag-amin ni Maris, wala siya noong ine-expect na magugustuhan siya ni Rico. Ang tanging alam lang daw ng aktres noon ay masaya siyang kasama ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maris Racal reveals how she and Rico Blanco settle misunderstandings

PRIVATE RELATIONSHIP

Pag-amin din ni Maris, halos dalawang taon nilang itinago sa publiko ang relasyon nila ni Rico.

Natakot daw kasi sila sa sasabihin ng iba dahil sa magkalayong agwat ng kanilang edad.

Noong mga panahong iyon ay 21 si Maris, habang si Rico naman ay 45.

Read: Maris Racal not bothered by comments about age gap with boyfriend Rico Blanco

"Yung quiet two years na yon, it was one of the happiest two years na na-experience ko. Kasi totoo lang siya, there was no pretention, masaya lang kami," saad ni Maris.

March 2020, unang umugong ang balitang may namamagitan sa kanila dahil sa ipinost ng dalaga na duet nila ni Rico sa Instagram.

Nasundan pa ito noong March 17, 2021, nang batiin ni Maris si Rico nang nagdiwang ito ng 48th birthday.

Ani Maris, marami siyang na-realize noong kasagsagan ng pandemic, na nagtulak sa kanya para isapubliko ang pagmamahalan nila ni Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "Nung nagka-pandemic, nagka-lockdown, and then ang daming nangyayari sa mundo, it was a very sad moment sa mundo.

"Doon ko na-realize, ang nagma-matter ay yung mga taong mahal mo talaga.

"It's not your career or whatever worldly possessions you have—it's the people you love.

"Tapos sabi ko, I don't wanna keep on hiding. I don't want to leave this world na itinatago ko yung mahal ko."

Read: Maris Racal reveals relationship with Rico Blanco started before pandemic

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal on breakup with Rico Blanco: "Rico and I, our universe was so beautiful, it was full of love, laughter, music, everything. Sa five years namin together, we were always on the same page. I don't know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life."
PHOTO/S: @Maris Racal Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results