Saglit lamang namalagi sa Pilipinas si Bimby Aquino matapos itong umuwi para mag-enroll.
Kaagad siyang bumalik sa California, USA, matapos makatanggap ng mensahe mula sa kanilang ina na si Kris Aquino.
Kasama ni Bimby na lumipad papuntang Amerika ang kapatid na si Joshua Aquino na matagal-tagal ding nakabase sa Pilipinas.
Read: Kris Aquino says son Bimby “needs to work” for her medical bills
"SAD BLOOD RESULTS"
Sa Instagram nitong nakaraang July 21, 2024, ibinahagi ni Dindo Balares ang ilang impormasyon nang muli silang magkita nina Bimby at Joshua.
Si Dindo ay entertainment editor at malapit na kaibigan ni Kris.
Bukod sa planong mag-enroll sa isang eskuwelahan dito sa Pilipinas, may mga inaayos na rin daw para sa showbiz career ni Bimby.
Lahad ni Dindo, "Marami ang nag-expect na magtatagal sa Pilipinas si Bimby, dahil nai-announce ito ng kanyang Mama Kris sa interview sa kanila ni Ogie Diaz sa kanilang bahay sa Orange County, California.
"Bukod sa paghahanda para sa papasukang school, may mga sinisimulan na rin kasing negotiations para sa career ni Bimb sa entertainment industry.
"Kaya maraming followers nila ang curious at nagtatanong kung bakit mabilisan lang ang pagdating at pananatili sa bansa at pagbabalik sa US ni Bimb with Kuya Josh.
"Masaya si Bimb sa Pilipinas, kitang-kita ito sa posts ng iba't ibang relatives and friends na personal niyang dinalaw para kumustahin.
"Katunayan, nang magkita kami, excited siyang nagtanong kung sino ang mga kaedad na posible niyang makasama o makatrabaho sa show business.
"Noon niya naitanong ang isang young actress, na masyadong delayed ang reaction ko!
"After two days! Hahahaha! 'Di ko man lang tuloy nabiro kung type, bet o crush ba niya. Super pretty naman kasi!"

Ayon pa kay Dindo, nais ni Kris na maranasan ni Bimby ang normal na pamumuhay.
Ngunit dahil sa isang maiksing mensahe mula kay Kris, kaagad bumalik sa California sina Bimby at Joshua para makapiling ang ina.

Pagpapatuloy ni Dindo, "Tama ang inisip ni Kris para kay Bimb, na maranasan din ang regular school at ang mas malawak pang mundo.
"Pero may message sa akin si Kris na sure akong naging cue ng mabilisang pagbabalik sa US ni Bimb.
“'I have sad blood results.', sabi niya.
"Masaya si Bimb sa Pilipinas. Nakakasama niya ang relatives and friends.
"Puwede nang umpisahan ang kanyang showbiz career. Pero inaalagaan at pinalalaki ni Krisy si Bimb first, upang maging guardian ni Kuya Josh; at pangalawa, upang maging maalaga, maalalahanin, at loving sa lahat.
"Pero, makakapaghintay ang anumang plano. Dahil, siyempre, si Mama Kris ang kanyang laging priority.
"Kaya niyaya si Kuya Josh, at agaran na silang lumipad."

KRIS AQUINO'S HEALTH ISSUES
Noong unang linggo ng Mayo 2024, ibinahagi rin ni Dindo ang usapan nila ni Kris ukol sa bagong karamdamang natuklasan sa TV host-actress.
Read: Kris Aquino pens thank-you messages on what could be her "last birthday"
Bukod sa problema sa kanyang puso, mataas din daw ang cholesterol level ni Kris.
Lahad ni Kris, "There's a problem with my heart, Kuya Dindo - genetics. Very high cholesterol and triglycerides that at this point can't be treated because I am underweight (91 lbs)."
Dagdag pa niya, "My BP (blood pressure) is misbehaving -I am normally 145/122 with heartrate of 110-130. It's the diastolic & heart rate na scary.
"Kuya Dindo let's focus on this. My autoimmune is finally responding to the methotrexate (my chemotherapy). Finally! And the good air quality in Newport Coast.
"Can you please thank everyone praying for me?
"Magaling talaga the combination of medicine I'm being given. It's just that after the Methotrexate & Dupixent I am super bagsak for four days. UCLA (University of California, Los Angeles) is very impressive. We don't have Dupixent at home."
Read: Kris Aquino emotional as son Bimby flies back home: "He deserves to enjoy being 16"
Sa bagong update ni Dindo noong May 15, 2024, napag-usapan nila ni Kris ang tungkol sa life span history ng mga kamag-anak ng TV host.
Kabilang dito ang maagang pagpanaw ng kanyang lolo, sakit ng amang si dating senador na si Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at kapatid na si former President Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III.
Sabi umano ni Kris, "My dad's dad died 55 years old from a massive heart attack.
"My dad had his heart attack and triple bypass at 47.
"Noy had an angioplasty 5 weeks before he die."
Read: Kris Aquino health update: "There's a problem with my heart."
Noong January 2024, sinabi ni Kris na masyado nang naging kumplikado ang usapin tungkol sa kanyang kalusugan.
Read: Kris Aquino says her health issue "has become more complex"
Sa panayam naman kay Kris sa Fast Talk With Boy Abunda noong February 14, 2024, mismong kaarawan niya, sinabi nitong patuloy siyang lalaban kahit may kaunting tsansa lamang ng kaligtasang nakikita ang kanyang mga doktor.
Read: Kris Aquino vows to fight despite slim chance of recovery: "I refuse to die."
