PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ivana Alawi bids goodbye to FPJ's Batang Quiapo

Ivana Alawi: "Ito yung show na kahit pagtanda ko, mapa-proud ako."
by Arniel C. Serato
Published Aug 1, 2024
Ivana Alawi bids goodbye to Batang Quiapo
Actress Ivana Alawi on one-year stint in FPJ's Batang Quiapo: "It's something that I'll treasure for a long time because it's the first project na parang lumabas ako sa shell ko and I got to do a lot of things, which is action."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Dreamscape Entertainment on Facebook

Namaalam na ang karakter ni Ivana Alawi na si "Bubbles" sa Kapamilya primetime series na FPJ's Batang Quiapo noong isang gabi, July 30, 2024.

Pero mariing itinanggi ni Ivana ang alegasyong pag-a-atittude umano niya sa set ang dahilan kung bakit pinatay na ang kanyang karakter sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa exclusive interview sa kanya ni MJ Felipe na umere sa TV Patrol, Miyerkules ng gabi, July 31, 2024, sinabi ni Ivana na may iba pa siyang importanteng gagawin kaya nagpaalam na siya sa Batang Quiapo.

Sandaling appearance lamang daw noon ang inakala niyang pagtatampukan niya sa teleserye, lalo na nung ikinasal si Lovi Poe, isa sa mga bida ng Batang Quiapo.

Lahad ni Ivana, "Unang-una, tawag po sa akin si Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN executive] at sila Direk Coco na sabi nila may project, itong Batang Quiapo.

"This was during the time nung ikinasal si Lovi. Sabi ko, 'Okay po, how long?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi hindi ko kayang matagal. Because first of all, I have other work.

"I have my vlog. I have other commitments also abroad."

Pero inabot siya ng halos isang taon sa top-rating program.

Dagdag niya, "Mag-one year na. Oh my God!

"So, nag-click siya and mag-one year na.

"So, nag-catch up lahat ng commitments ko, as in nahuhuli na ako.

"So, nagpaalam ako nang maayos. Sabi ko, 'Hindi na talaga kaya.'"

Hindi raw makakalimutan ni Ivana ang naging experience niya sa teleserye.

Saad niya, "It's one for the books.

"It's something that I'll treasure for a long time because it's the first project na parang lumabas ako sa shell ko and I got to do a lot of things, which is action."

Dito rin daw niya nasabing isa na siyang ganap na aktres.

Aniya, "Yes, I've grown and I've learned a lot. And siguro ito yung show na kahit pagtanda ko, mapa-proud ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ivana Alawi on love life: “My heart is happy.”

IVANA ALAWI: "ATTITUDE FACE."

Kasunod nito ay pinabulaanan ni Ivana ang mga isyung ibinabato sa kanya.

Isa na rito ay ang pag-alis daw niya sa set kahit hindi pa tapos ang taping.

Saad ni Ivana, "Kasi sinasabi na umaalis ako, na hindi pa tapos yung taping.

"I've never done that. Unang-una, alam ko malaki ang cost ng production.

"So, kahit lumampas ako ng oras, wala akong commercial the next day, walang problema."

Ikalawa, may attitude problem daw ito.

Natatawang sagot niya, "Attitude problem? Hindi ko alam, e.

"Alam mo kasi, isa sa mga problem, yung face ko.

"Ito yung normal, ah, pag hindi ako naka-smile."

Kapag hindi daw siya nakangiti ay parang suplada ang dating ng kanyang mukha.

Kaya akala raw ng iba ay nag-a-attitude siya.

Biro na lamang niya, "I was born with an attitude face siguro."

Read: Goodbye Ivana Alawi, hello Kim Domingo sa Batang Quiapo?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

IVANA ALAWI: "BUBBLES SIGNING OFF"

Matapos ang record-breaking episode noong July 30, isang appreciation post ang ibinahagi ni Ivana sa Instagram.

Ivana Alawi poster
Photo/s: Courtesy: Dreamscape Entertainment on Facebook

Sabi niya (published as is), "Nung unang inalok sa akin ang Batang Quiapo, isang malaking tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit ako? Kaya ko ba ito? Deserve ko ba?

"Pero dala na ng aking tiwala sa ABSCBN lalo na kay Tita Cory, Direk Coco, at sa panalangin ko din, tinanggap ko siya ng buong puso. At sobrang proud ako sa show na ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Coco, nagpasalamat din si Ivana sa buong produksiyon at sa lahat ng mga nakasama niya sa show.

Sabi niya, "Kaya naman gusto ko magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Batang Quiapo. Mula kay Direk Coco, hanggang sa lahat ng mga artistang nakasama ko, technical staff, production staff, at sa mga utilities… Salamat sa pag aalaga ninyo sa akin.

"At ngayong tapos na ang isang chapter ng buhay ko sa Batang Quiapo, babaunin ko lahat ng natutunan ko.

"From the bottom of my heart maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong walang sawang pagtanggap sa akin gabi-gabi, sa pagmamahal niyo kay Bubbles. Salamat po ng marami at sana patuloy niyo parin supportahan ang Batang Quiapo.

"Hanggang sa muli,
"Bubbles signing off"

View this post on Instagram

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Read: Ivana Alawi and her rise to stardom

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ivana Alawi on one-year stint in FPJ's Batang Quiapo: "It's something that I'll treasure for a long time because it's the first project na parang lumabas ako sa shell ko and I got to do a lot of things, which is action."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Dreamscape Entertainment on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results