Curious ang maraming netizens kung sino ang batang babaeng kasama ng magkasintahang sina Aljur Abrenica at AJ Raval sa kumalat na video kamakailan.
Sa Facebook Reel nitong nakaraang Hunyo, nag-upload ang isang content creator ng video kung saan magkasamang dumalo sa isang event ang magkasintahan sa Subic, Zambales.
Grand opening ito ng isang aesthetics company kung saan pareho silang endrosers.
Mas naging kapansin-pansin ang video dahil kasama nina Aljur at AJ na naglalakad ang isang batang babae na naka-face mask.
Nakahawak sa kamay ni AJ ang bata.

WHO IS THE BABY GIRL WITH ALJUR, AJ?
Marami sa netizens ang nagtatanong kung sino ang batang babaeng kasama nina Aljur at AJ.
May ilang nagsabing anak daw nila ito.
Ayon sa isang netizen, "Anak nila yng Bata kasama nila"

Saad ng isa, "Deny na my anak lumalabas din katotohanan"

Litanya pa ng isang netizen, "Deny deny pa nung una, lalabas din ang totoo. Mga artista talaga oh, ginagawang katatawanan mga sarili nla"

May nagsasabi namang anak daw ito AJ sa dating karelasyon nito.
Komento ng netizen, "mukang yan yung anak ni aj sa pagka dalaga"

Sabi ng isa, parang nagpakaama si Aljur sa umano'y baby ni AJ gayong may dalawa itong anak kay Kylie Padilla na sina Alas at Axl.
Ayon sa netizen, "Yong iniwan mo mga anak mo Peru nag paka ama ka sa anak Ng ibang tao"

Meron namang nagsabing baka hindi ito anak ng dalawa dahil medyo malaki na ang bata.
Aniya, "D po ata anak ni Aljur ung bata...dapat mga 2 or 3 years old lang kung anak nila ni AJ."

Read: AJ Raval reveals convo with Aljur Abrenica before they became a couple
AJ RAVAL RUMORED PREGNANCY
Unang na-link sina Aljur at AJ taong 2021 nang magkasama sila sa pelikulang Nerisa.
Read: AJ Raval reveals convo with Aljur Abrenica before they became a couple
Mula noon ay nanligaw na raw si Aljur sa kanya, at July 2022 opisyal na naging sila.
Kasunod nito ang sunud-sunod na panahong nagkaroon ng espekulasyon tungkol sa diumano'y pagbubuntis ni AJ.
April 2022 nang maiulat ang pag-back out ni AJ sa pelikulang Scorpio Nights 3, sa dahilang nais niyang magpokus sa pag-aaral.
Read: AJ Raval, titigil na sa pagpapaseksi kaya umatras sa Scorpio Nights 3?
July 2022 naiulat na na-pack up ang pelikulang Us X Her. Sinasabing si AJ umano ang nagpa-pack up, at kasabay nito umugong ang katanungan kung buntis ba ang aktres.
Read: Balitang buntis si AJ Raval, confirmed nga ba? Shooting ng Us X Her, na-pack up dahil kay AJ?
August 2022 nang nasilayan si AJ sa isang mediacon sa gitna ng pregnancy rumor na idinidikit sa kanya.
Kasama ni AJ noon ang ama niyang si Jeric Raval, na mariing pinabulaanan ang intriga tungkol sa anak.
Read: AJ Raval makes first public appearance amid pregnancy rumor
December 2022, muling nasilayan ng publiko matapos mapabalitang nanganak na umano ito sa anak nila ni Aljur.
Pero, tikom pa rin ang bibig ng dalawa ukol dito.
Mula noon, bibihira na lamang tumanggap ng proyekto at mas piniling hindi na maging aktibo sa showbiz ni AJ.
