PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Borres defends brother from critics after her revelation

Bea Borres: "Everything is well and forgiven..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 28, 2024
Bea Borres defends brother from critics
Bea Borres to brother's bashers after her sexual-exploitation revelation: "I've faced so much backlash already, so l'm not one to say 'stop bashing me,' but I hope we can stop tormenting my brother. Mabuting tao ang kuya ko, he did his part and helped his self."
PHOTO/S: Screengrab on Toni Gonzaga Studio YouTube

Trigger Warning: Mention of sexual exploitation, bipolar disorder, depression

Nanawagan sa publiko si Bea Borres, 21, na tigilan na ang pamba-bash sa nakatatanda niyang kapatid na lalaki matapos ang rebelasyon ng YouTuber-actress.

Kaliwa't kanang batikos ang ipinupukol ngayon ng netizens sa kuya ni Bea nang isiwalat mismo ng aktres sa Toni Talks, noong August 25, 2024, na nakaranas siya ng sexual harassment mula sa sariling kapatid.

Nadiskubre raw kasi niyang lihim siyang kinukunan ng video ng kanyang kuya habang naliligo si Bea nang hubo’t hubad.

Ang masaklap pa rito, ipinadala raw ng kanyang kuya ang video sa mga kaibigan niya kapalit ng pera.

Kuwento ni Bea: “So, binidyuhan niya ako while taking a bath, na naked.

“I think I was thirteen, fourteen.

“Hindi ko po alam [na binibidyuhan niya ako]. And then he took a video of me, and then he sent it to his friends for, I don't know, for money, for... hindi ko alam, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakita ko na habang kinakalikot ko yung phone niya. Sabi ko, 'Kuya, borrow phone,’ kasi may mga games siya.

"Then, nag-open ako ng messenger ta's nakita ko, ayaw ko pa po maniwala, pero 'CR namin ‘to ah.'

“Tapos nakita ko, 'My God, katawan ko!'

"Sabi ko, 'Kuya, what's this?' Tapos hindi siya makasalita.

“Sabi niya, 'I'm sorry. I'm sorry, Bea.'”

Bukod sa pagbibidyo sa kanya habang naliligo, makailang beses din umano siyang hinipuan ng kanyang kuya habang siya ay natutulog.

Pahayag ni Bea: “Actually, parang ayun na yung last. Pero before that, I saw the signs na dine-deny ko lang and my mom knew it.

“She didn’t tolerate it kasi pinapalayo na niya ako kay kuya. Parang sinasabi [ng mommy ko] na, ‘Huwag kang mag-shorts, huwag kang mag-skirt.’

“Kasi, every time na nagsusuot ako ng maikli, pinipiktyuran ni Kuya pakunwari.

“Tapos kapag tulog ako, hinahawakan niya ako [inappropriately]. Nagigising na lang ako na, 'Oh my God!' Nagagalit ako at sinasabi ko sa kanya na, ‘Don’t do that.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Palaban din po kasi ako, sumisigaw talaga ako to the point na parang may mga makakarinig sa amin.”

Read: Bea Borres reveals sexual exploitation by own brother

Naisumbong naman daw ni Bea sa kanyang pamilya ang ginagawa noon sa kanya ng kapatid.

Imbes na kunsintihin, hindi raw nag-atubiling gumawa ng aksyon ang mga ito para kastiguhin at bigyan ng leksyon ang kuya niya.

Read: Bea Borres tells KathNiel fans: "Wala kayong makukuha sa akin."

Ngunit sa halip na ipakulong, mas inintindi raw ni Bea ang taglay umanong sakit ng kuya niya, ang bipolar disorder, kaya mas pinili na lang niya itong patawarin.

Ayon sa National Institute of Mental Health, ang bipolar disorder—na kilala noon sa tawag na manic-depressive illness o manic depression—ay isang uri ng mental illness "that causes unusual shifts in a person's mood, energy, activity levels, and concentration."

Bea Borres reveals being sexually exploited by own brother
Photo/s: Screengrab on Toni Gonzaga Studio YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Bea: “Actually ngayon, okay na ako. Kasi sobrang nangingibabaw yung love and forgiveness ko.

“Si Kuya kasi, growing up, he was lonely din. He was depressed.

“Parang lalaki, e, parang nagke-crave din siya ng female validation siguro. So, parang feeling ko, nilalabas niya sa akin yon."

Read: Ricci Rivero responds to Bea Borres "hanggang hard launch nag mamalinis" cryptic tweet

NETIZENS REACTION

Dahil sa naging rebelasyon ni Bea, marami sa mga netizen ang ngayo'y kinakastigo ang kanyang kapatid.

Ilan sa mga ito ang inakusahang baka lulong sa droga ang kanyang kuya kaya niya ito nagawa kay Bea.

Komento ng isang netizen (published as is) "Baka adik ung kuya nya...hindi nman nya magagawa yan kung nasa matino syang pag iisip.

Sabi pa ng isa, "Kasuhan na sa korte.....Para mabigyan ng hustisya...matagal na ito sa senado...parang ibang ang pinang tutuunan...."

"Sinong kapatid nito? Sana makarma sya ng malala," dagdag pa ng isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gerald Santos speaks up about "sexual harassment" at 15

May ilan ding kinuwestiyon ang naging desisyon ni Bea na isiwalat sa publiko ang ginawa sa kanya ng kapatid, at patawarin ito kesa ipakulong.

Diin ng isang netizen, "Di ka dapat dito mag rant or kahit saang showbiz website. Dapat dumerecho ka sa pulis para makasuhan."

Sabi pa ng isa kay Bea, "May problema din tong babaeng ito dapat nya din mag patingin sa doctor, dapat pinakulong niya."

Read: Sandro Muhlach speaks up about sexual abuse

BEA DEFENDS BROTHER

Dahil sa natatanggap na batikos online, minarapat ni Bea na muling magsalita para pakiusapan ang netizens na tigilan na ang pamba-bash sa kanila ng kanyang kapatid.

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, August 26, 2024, sinabi ni Bea na matagal na niyang napatawad ang kapatid kaya naging kumportable siya sa pagkukuwento sa nagawa nito sa kanya noon.

Dahilan para mag-overshare raw siya na ngayo'y minamasama naman ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa kanyang post (published as is): "Maybe I did overshare, but my past experiences have shaped me into the person I am today.

"Everything is well and forgiven, which is why I was comfortable enough to share my story.

"I've faced so much backlash already, so l'm not one to say 'stop bashing me,' but I hope we can stop tormenting my brother."

Nang mangyari raw ang insidente, agad daw ipinatingin sa espesyalista ang kapatid ni Bea para magamot ang kundisyon nito.

Bea Borres defends brother from critics
Photo/s: Screengrab on Bea Borres Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labis din daw nagsisi ang kanyang kuya at nangakong hindi na muling uulitin pa.

Kaya imbes na pagtuunan ng pansin ang naging kasalanan ng kuya niya, mas mabuti raw na tingnan na lang kung ano ang naging leksiyon nito sa kanila.

Ani Bea: "He has been getting professional help & has learned a lot. We have witnessed his change and growth.

"I love him and have already forgiven him a long time ago.

"There is so much more to the interview than just the title. Please set your biases aside and watch the entire thing."

Diin pa niya, "Mabuting tao ang kuya ko, he did his part and helped his self."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Borres to brother's bashers after her sexual-exploitation revelation: "I've faced so much backlash already, so l'm not one to say 'stop bashing me,' but I hope we can stop tormenting my brother. Mabuting tao ang kuya ko, he did his part and helped his self."
PHOTO/S: Screengrab on Toni Gonzaga Studio YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results