PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Alcasid on daughter Leila's engagement, marriage to Regine

Ogie Alcasid ready to be called as lolo after Leila Alcasid's engagement.
by Arniel C. Serato
Published Oct 18, 2024
Ogie Alcasid reaction on Leila's engagement, separation rumors with wife Regine
Ogie Alcasid very happy for daughter Leila Alcasid's engagement (left); addresses separation rumors with wife Regine Velasquez (right).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Masaya si Ogie Alcasid na engaged na ang panganay niyang anak na si Leila Alcasid sa boyfriend nito, ang singer-rapper na si Mito Fabie o mas kilala bilang Curtismith.

Si Leila ay anak ni Ogie sa unang asawa nitong si Michelle Van Eimeren. Ang isa pa nilang anak ay si Sarah Alcasid.

Si Ogie naman ay may isang anak na lalaki sa wife nito ngayong si Regine Velasquez, si Nate.

Read: Ogie Alcasid's daughter Leila now engaged to BF Curtismith

OGIE ON LEILA'S ENGAGEMENT

Sa launching ng bago niyang endorsement na Sendwave nitong nakaraang Martes, October 15, 2024, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie tungkol sa engagement ni Leila.

Ogie Alcasid at Sendwave launching
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkatampuhan noon sina Ogie at Leila at lipas na daw ito at naplantsa na.

Saad niya, "Yes, I'm so happy for her and of course her fiancé, si Mito.

"So kami ni Michelle, nag-usap and we're, you know... what is the expression, over the moon?

"We're so happy for them. Sabi ko nga sa kanya, 'Alam mo, hindi maalis sa isip ng isang tatay na ang tingin mo sa anak mo baby pa, e, di ba?

"'Ang tingin mo sa panganay mo, kahit dalaga na yun, baby pa rin ang tingin mo sa kanya.'

"So, you know, and it just felt like it was just yesterday. She was born in 1996.

"E, ano na ngayon? 2024, di ba?

"Yung parang, ang iksi talaga, ang iksi ng... ang bilis ng panahon.

"I don't wanna say ang iksi ng buhay pero ang bilis ng panahon.

"So, all in all, it's a blessing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm happy that they are taking their relationship to another level.

"I'm happy that they're being very responsible about their choices.

"I gave them a few advice and I hope they listen to me."

Read: Ogie Alcasid tells daughter Leila that success is not privilege: Kailangan mong i-earn iyan!

Handa na ba siyang maging lolo?

Nakangiting sagot ng singer-songwriter, "Oo naman.

"Alam mo, halos... well sa amin, sa ASAP, si Gary [Valenciano], si Martin [Nievera], si Zsaching [Zsa Zsa Padilla], sila yung may mga apo, e.

"Kami ni Regine wala pa, e. Ako wala pa. Of course, kami ni Regine, matagal pa yun.

"Batang-bata pa si Nate. But ako, wala pa.

"But when I see it, it's, ah, hindi na sa inggit, pero talagang, 'Sarap 'no?'"

Read: Ogie Alcasid, tutol sa pakikipag-live-in ng anak na si Leila sa rapper na si Curtismith

OGIE ON SEPARATION RUMORS WITH WIFE REGINE

Nitong nakaraang Agosto lamang, kumalat sa X ang tsismis na diumano'y nakaambang maghiwalay sina Ogie at Regine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Third party raw ang dahilan ng anila'y pagdi-divorce nina Ogie at Regine.

Kaagad itong pinabulaanan ni Ogie noon.

Read: Ogie Alcasid shuts down fake news about his marriage to Regine

Sa bagong panayam ni Ogie ay muli siyang nausisa tungkol dito.

Saad niya: "Feeling ko, alam mo yung mga yan, mga website or mga Facebook pages na, ewan ko, nung kabataan ko kasi, mayroong mga tsismis magazines na sobrang mabenta.

"Ewan ko, panahon, Tiger Beat, yung mga ganyan. Bibilhin mo, di ba?

"And then, of course, nung naging artista na ako, there was the tabloids and all of that.

"But that was all fun, di ba? Ngayon, iba na kasi it's viral and parang pag tiningnan mo, parang totoo.

"And it's dangerous. It's that sad.

"Ang hirap minsan, pag ni-report mo, parang the action, ang tagal."

Wala ba siyang balak magsampa ng reklamo laban sa mga gumagawa ng fake news sa kanila ni Regine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Ogie, "E, ako pa naman, pag sa mga aspetong ganyan, bago ako actually, 'Sige na nga, mag-file tayo ng case.'

"It takes so long for me to do that, because, first of all, hassle siya, hassle at hirap.

"At siniisip ko rin, 'Kawawa rin naman.'

"But sabi nga ng iba, 'Kailangan matuto sila, dahil andiyan ang mga batas, andiyan naman, e.'

"So, I have yet to get to that point."

Sa panig naman ni Regine, nilinaw na rin niya ito sa kanyang guesting sa It's Showtime noong 57th birthday ni Ogie noong August 24, 2024.

Saad niya: "By the way, gusto ko lang semplakin yung nagsasabi na naghiwalay kami. Maghintay ka diyan, ha. Maghintay ka.

"Kasi alam niyo, mga kaibigan, marriage is difficult. Marriage is already difficult the way it is.

"Pero meron pang mga tao na, who's trying to make it more difficult for us, hindi po yun maganda. Parang pinapanalangin niyo na magkahiwalay kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po kami maghihiwalay, ever, because we love each other."

Read: Regine Velasquez denies Ogie Alcasid divorce rumors

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid very happy for daughter Leila Alcasid's engagement (left); addresses separation rumors with wife Regine Velasquez (right).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results