Bumuhos ang kaliwa't kanang papuri ng netizens sa Kapamilya actor na si Donny Pangilinan matapos niyang makibahagi sa relief operations para sa mga sinalanta ng bagyong Kristine.
Sa Facebook post ng Angat Buhay Foundation, isang non-profit at non-governmental organization na binuo ni dating Vice-President Leni Robredo, makikita ang pagdating ni Donny sa kanilang opisina sa Quezon City dala-dala ang mga donasyon niyang relief goods.

Mababasa sa kanilang caption (published as is): "Heartfelt thanks to Donny Pangilinan for personally delivering relief goods at the Angat Buhay office!
"Maraming salamat sa walang sawang pakikipagbayanihan, Donny!"
Naglipana rin sa social media ang video ni Donny na tumutulong sa pagbubuhat ng karton-kartong relief goods na ipamamahagi sa Naga City at iba pang bayan sa Bicol region.

Read: Parokya ni Edgar stranded in Sorsogon due to typhoon Kristine
NETIZENS PRAISE DONNY
Dahil sa ginawang aksyon ni Donny, marami sa netizens ang bumilib sa pagmamalasakit at kabutihang loob ng binatang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.
Mababasa sa comments section ng Angat Buhay Foundation (published as is), "A person that is beautiful outside and beautiful inside. A true christian that will not hesitate to help...thumbs up to you Donny Pangilinan, your mom raised you to be a good person."
Papuri naman ng isang netizen, "Wow, ang bait naman ng sobrang guapo na bata na ito, thanks Donny Pangilinan for your service to the filipino people."
Read: Ilang showbiz events postponed dahil sa bagyong Kristine
Saad pa ng isa, "Donny sharing his blessings during difficult times. God bless you Donny and the Pangilinan."
Sabi ng isa, "Tama behavior always, Donny Pangilinan."
Komento pa ng isa, "Sana lahat ng artista tulad ni Donny, may malasakit sa kapwa Filipino in times of trials and calamities. God bless you Donny even more. God bless The Philippines. Thank God for EVERTHING! Our nation will survive thru your love and mercy. Amen."
"Good job, Donny. Once a kakampink. forever kakampink," dagdag pa ng isa.
Read: Donny Pangilinan focuses on investments, finances at 26
Hindi ito ang unang pagkakataong nakibahagi si Donny sa relief operations ng Angat Buhay Foundation.
Noong July 2024, isa rin siya sa daan-daang volunteers na tumulong sa mga apektadong Pilipino dahil sa bagyong Carina.

Read: Luigi Villafuerte addresses "fake news" about Siargao trip
