PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ivana Alawi grateful for second life after hospitalization

Ivana Alawi: "Feeling ko nagpaalam pa nga ako sa mama ko..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 9, 2024
Ivana Alawi grateful for second life after hospitalization
Ivana Alawi reveals reason for her recent hospitalization: "Mayroon akong problem sa ovaries and that’s how it started, and I also have PCOS doon siya nagsimula."
PHOTO/S: Screengrab @IvanaAlawi on YouTube

Pangalawang buhay na kung ituring ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ang pagkakaligtas niya sa pagkakaroon ng tubig sa kanyang tiyan at baga.

Sa vlog sa YouTube na in-upload ni Ivana nitong Biyernes, November 8, 2024, ibinahagi niya ang pinagdaanan nang halos isang linggo siyang manatili sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan.

Ivana Alawi grateful for second life after hospitalization

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Photo/s: Screengrab @IvanaAlawi on YouTube

May mga pagkatataon din daw na maging sa paghinga ay nahihirapan siya kaya nagdesisyon siyang magpasugod at magpa-confine na sa ospital.

Read: Ivana Alawi, di pumapasok sa relasyon dahil sa materyal na bagay

Saad niya sa kanyang vlog: "Ipapakita ko sa inyo ang isa sa pinakamahirap na journey sa buhay ko.

"Feeling ko nagpaalam pa nga ako sa mama ko. Feeling ko talaga it’s really my second life.

"I-share ko lang din sa inyo na mayroon akong problem sa ovaries and that’s how it started, and I also have PCOS [polycystic ovary syndrome], doon siya nagsimula.

"Siguro kung hindi ako pumunta ng ospital, feeling ko wala na talaga ako ganung level. Nagpapunta na lang ako ng ospital noong hindi ko na kaya."

Pagpapatuloy ni Ivana, nang makarating siya sa ospital ay agad siyang sumalang sa iba't ibang medical tests, hanggang sa madiskubre ng mga doktor ang matigas at malaki na niya noong tiyan, dahil punung-puno ito ng fluid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ivana Alawi grateful for second life after hospitalization
Photo/s: Screengrab @IvanaAlawi on YouTube

Pagbabahagi ng Kapamilya actress: "I got fluid in my stomach na sobrang napuno na siya. Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat yung fluid sa tiyan ko, mukha akong five months pregnant.

"Ang laki niya and it grew day by day, tapos patigas na siya nang patigas... tapos yung sakit, hindi na ako makahinga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Konting lakad ko lang parang hihimatayin ako, nanlalamig na yung buong body ko tapos tumitirik daw yung eyes ko, ganun.

"Noong pinunta ako sa hospital, nakita nila na ang daming tubig. They started injecting me painkillers.

"Nag-panic na yung mga doctors kasi parang humihina na yung pulse ko, they kept saying na, 'Huwag kang pipikit.' So, pina-confine ako pero hindi ako gumagaling. Parang ang tigas at hirap na hirap akong huminga."

Read: Ivana Alawi on love life: “My heart is happy.”

Habang tumatakbo raw ang oras at araw ay mas lalong nagiging kumplikado ang lagay at pakiramdam ni Ivana kaya nagdesisyon siyang ipatanggal na nang tuluyan ang tubig na nasa kanyang tiyan.

Pagbabalik-tanaw niya: "Naalala ko yung last time na parang sabi ko, hindi ko na kayang huminga, kasi feeling ko kada hinga ko, para akong nalulunod.

"I felt like the liquid was already getting into my lungs. Tas parang sabi ko, 'Butasan niyo na ako, kahit saan, matanggal lang tong sakit.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So yun, pinasok nila yung tube and then they started to drain. Tapos meron daw two liters [na] pinu-push na daw yung lungs ko that’s why nahirapan ako.

"Three days akong nakahiga, as in walang tayuan... Pati yung bladder ko wala nang lumalabas na ihi. And then yung heart ko, masyado nang mabilis yung tibok. Hindi na din ako nakaka-poops. Wala, lahat naiiipit na sa body ko.

"So nagkaroon ako ng doktor sa puso, sa lungs, sa gastro, doktor sa nephro. Lahat na ng doktor dinadalaw ako nang dinadalaw."

Read: Melissa Gohing defends women with PCOS gaining weight

Nang matanggal ang ilang litrong fluid sa kanyang tiyan ay gumaan daw ang pakiramdam ni Ivana at ngayon ay nagpapagaling na siya.

Aniya, "I’m still recovering; hindi pa one hundred percent okay."

IVANA TO DONATE MONEY TO A HOSPITAL

Sa huli, pinasalamatan ni Ivana ang lahat ng nag-alaga at nagdasal para sa kanyang agarang paggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ivana Alawi grateful for second life after hospitalization
Photo/s: Screengrab @IvanaAlawi on YouTube

Nabanggit din ni Ivana na ang kikitain sa kanyang latest vlog ay ido-donate niya sa isang national hospital bilang pambayad ng mga taong hindi kayang magbayad ng medical bills.

Pahayag ni Ivana: "Sa lahat ng nag-message at nag-pray for me, thank you so much, guys. I think malaking parte talaga kayo kung bakit ako gumaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"To all the nurses and doctors, maraming-maraming salamat sa inyo. Kayo ang mga superhero ko. They really dedicate their life to saving people and to helping people get better.

"I know na yung iba hindi naman nila naa-afford yung hospital, medicine, and all, that's why ginawa ko itong vlog na to also help out in our own small way, without being a politician."

Read: Winwyn Marquez reveals PCOS is partly to blame for weight gain

Pinaalalahanan din niya ang kanyang mga tagahanga na laging unahin ang kalusugan.

Kung may nararamdamang sakit ay mas mabuti raw agad magpakonsulta para hindi na lumala.

Mensahe ni Ivana, "Guys, kapag may naramdaman kayong sakit or kunwari sa buhay niyo mayroon kayong tinitiis na sakit na [sinasabi niyong] 'Ah, okay lang to magiging okay din,' magpa-check up kayo agad. Huwag niyo na hintaying lumala... the earlier, the better."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivana Alawi reveals reason for her recent hospitalization: "Mayroon akong problem sa ovaries and that’s how it started, and I also have PCOS doon siya nagsimula."
PHOTO/S: Screengrab @IvanaAlawi on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results