Nailipat sa mas maagang petsa ang arraignment at pre-trial ng mga kasong kinakaharap ni Neri Naig Miranda.
Mula sa original schedule na January 9, 2025 ay gaganapin na ito sa December 11, 2024.
Nahaharap si Neri sa patung-patong ng kaso: 14 counts of violation of Securities Regulation Code, estafa, at syndicated estafa.
Read: Pasay City Court moves Neri Naig’s arraignment to January 2025
Ngayong araw, December 3, sana gaganapin ang arraignment ni Neri sa Pasay City Regional Trial Court Branch 112 pero hindi ito natuloy.
Ayon sa ulat ng Frontline Express ng TV5 ngayong hapon ng Martes, hindi pa nakapagbibigay ang piskal ng kanyang komento sa motion to quash ng kampo ni Neri.
Dahil dito, nagbigay ng sampung araw na extension ang korte at ito'y inilipat sa December 11, 2024.
Kasalukuyang nasa ospital pa si Neri dahil sa ibinigay sa kanya ng korte na limang araw na medical furlough
Pero ibabalik na siya sa Pasay City Jail Female Dormitory bukas, December 4.
Read: Neri Naig taken to hospital after incarceration
Samantala, hinihintay naman daw ng RTC Branch 111 ang kusang pag-surrender ng comedienne na si Rufa Mae Quinto na nahaharap din sa 14 counts of violation of Securities Regulation Code.
Inaasahang maglalagak siya ng piyansa na nagkakahalaga ng PHP1.7 million at makakaalis din kaagad ito ng korte.
Nakapagpiyansa na rin si Neri ng ganoong halaga noong Sabado, November 30. Pero mananatili siya sa kulungan dahil sa mga kasong syndicated estafa na non-bailable.
Read: Rufa Mae Quinto breaks silence on estafa case
NETIZENS REACT TO NERI NAIG'S ARRAIGNMENT, PRE-TRIAL SCHEDULE
Sa YouTube post ng Frontline Express, nagpahayag ng pagtataka ang ilang netizens kung bakit napaaga ang pagdinig sa korte ng mga kaso ni Neri gayong sa mga unang lumabas na balita ay sa Enero 2025 pa ito nakatakda.
Read: Neri Naig, bakit kinasuhan ng syndicated estafa kahit endorser lang?
Sabi ng isang netizen, "when money speaks, everyone listens, iba talaga pag may salapi namamanipula ang gulong ng hustisya"

Saad ng isa pa, "ang lakas talaga ni neri naig"

Komento ng isa, "Mukhang money is working. Nakapag hospital ng five days at na advance ang pre trial so makakalabas before xmas. Wais nga."

Dagdag ng isa, "Kawawa pilipinas kriminal may special treatment. Money speaks everyone hear. Bin Philippine justices serve on behalf of rich people."

Ayon pa sa isa, "Wow mautak ayw tlaga mag pasko at new year sa kulungan.. Thx senator na connection... kawawang mga investors tnatawanan lang"

Maaring ang tinutukoy ng netizen na "senator" ay si former Senator Kiko Pangilinan, na tiyuhin ng asawa ni Neri na si Chito Miranda.
Kamakailan lang ay nagpahayag ng kanyang suporta si Kiko kina Neri at Chito sa pamamagitan ng Facebook post.
Read: Kiko Pangilinan naghayag ng suporta kina Neri Naig, Chito Miranda
Sabi ng isa, "Na move kasi may pera! Scammer na nga special treatment pa"

Pagsang-ayon ng isa, "Iba talaga pag may pera, mapapawalang bisa ka agad2x! Galawang scammer nga!"

Obserbasyon ng isa, "Wow nalipat Ng ibang date. Jan 2025 nalipat Ng Dec 11,2024. Bilis ha. Kung mahirap Lang Yan waley"

Komento ng isa pa, "ayan Dec 11 na hindi na umabot ng january"

Sa kabilang banda, may ilan ding natuwa sa paglipat sa mas maagang petsa ng pagdinig sa kaso ni Neri dahil naniniwala silang inosente ang dating aktres sa mga kasong ibinibintang dito.
Wala pang paliwanag ang korte o mga abogado ni Neri kung bakit napaaga ang kanyang arraignment at pre-trial.
Read: SEC official explains Neri Naig’s securities violations case
