Ipinag-utos ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 ang agarang pagpapalaya sa aktres at negosyanteng si Neri Naig Miranda.
Ayon sa lumabas na mga balita, pirmado ang utos ni Pasay City RTC Branch 112 Presiding Judge Gina Bibat Palamos.
Pahayag ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera sa GMA News, "The BJMP received the court order issued today by RTC [Regional Trial Court Branch] 112 ordering the release of Nerizza Miranda."
Read: SPD releases actual video of “alias Erin” arrest
Taliwas ito sa mga unang haka-haka ng netizens na baka mag-Pasko at mag-Bagong Taon si Neri sa kulungan dahil non-bailable ang kinahaharap nitong syndicated estafa cases.
Read: Neri Naig, bakit kinasuhan ng syndicated estafa kahit endorser lang?
Nakapagpiyansa na si Neri sa kinahaharap na 14 counts of violation of Securities Regulation Code sa halagang PHP1.7M noong Sabado, November 30, 2024.
Read: Chito Miranda defends wife Neri Naig; confirms Neri now in jail
NERI NAIG'S ARRAIGNMENT, PRE-TRIAL SCHEDULED ON DECEMBER 11
Lumabas naman sa mga ulat kahapon, December 3, 2024, na mas pinaaga ang arraignment at pre-trial ni Neri.

Itinakda ito sa December 11, 2024, mula sa original schedule na January 9, 2025.
Read: Neri Naig’s arraignment, pre-trial moved to an earlier date
Magkakaroon dapat kahapon ng arraignment ni Neri sa Pasay RTC Branch 112, pero hindi ito natuloy.
Ayon sa ulat ng Frontline Express ng TV5, hindi pa nakapagbibigay ang piskal ng kanyang komento sa motion to quash ng kampo ni Neri.
Dahil dito, nagbigay ng sampung araw na extension ang korte at ito'y inilipat sa December 11, 2024.
Kagabi ay nasa ospital pa si Neri dahil sa ibinigay sa kanya ng korte na limang araw na medical furlough
Pero ibabalik siya dapat sa Pasay City Jail Female Dormitory ngayong araw, December 4.
Ayon sa BJMP spokesperson, hindi na siya ibabalik sa kulungan at sa ospital na lamang daw ipoproseso ang mga kailangang papeles upang siya ay makalaya na.
Read: SEC official explains Neri Naig’s securities violations case
