PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chito Miranda greets wife Neri Naig on 10th anniversary

Chito Miranda: "Happy Anniversary, Ms.Neri. I love you very very much."
by Arniel C. Serato
Published Dec 14, 2024
Chito Miranda greets wife Neri on anniversary
Chito Miranda to wife Neri Naig on their 10th wedding anniversary: "Sobrang blessed ng mga anak natin to have you as their mom, and sobrang swerte ako to have you in my life, and I have never been happier. I will always take care of you, protect you, and will always love you hanggang tumanda tayo."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Muling pinatunayan ni Chito Miranda na mahal na mahal talaga niya ang asawang si Neri Naig-Miranda.

Sa kanyang Instagram kagabi, December 13, 2025, nagbahagi ng kanyang anniversary message si Chito.

Ipinagdiwang kasi nila ni Neri ang kanilang sampung taong anibersaryo bilang mag-asawa.

Aniya, "Happy 10th Anniversary, asawa ko.

"After 10yrs of being married, masasabi ko talaga na mas mahal pa kita ngayon kesa nung una tayong nagmahalan.

"Sobrang nagpapasalamat ako kay God dahil bliness Nya ako with someone as wonderful and as loving and as sweet as you."

Dagdag pa ni Chito, si Neri raw ang buhay na patotoo ng isang taong kayang lampasan ang anumang pagsubok at mananatili pa ring mabait na nilalang.

Masuwerte raw ang mga anak nila dahil si Neri ang kanilang naging nanay at lalo na siya bilang kanyang asawa.

Saad niya, "You are living proof that one can go through hell and back and still choose to be kind.

"Sobrang blessed ng mga anak natin to have you as their mom, and sobrang swerte ako to have you in my life, and I have never been happier.

"I will always take care of you, protect you, and will always love you hanggang tumanda tayo.

"I will always be with you, through thick and thin, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part.

"Happy Anniversary, Ms.Neri. I love you very very much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami namang natuwang celebrities sa post na ito ni Chito.

Celebrities on Chito Miranda's post

Read: Get to know "Wais Na Misis" Neri Naig Miranda

WHY WAS NERI NAIG RELEASED?

Ang post ni Chito ay ibinahagi niya dalawang linggo lamang mula nang pansamantalang makalaya si Neri sa kulungan.

Nahuli ng pulisya at nakulong si Neri sa Pasay City Jail Female Dormintory ng halos dalawang linggo rin dahil sa kasong 14 counts of violation of Securities Regulation Code at syndicated estafa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: SPD releases actual video of “alias Erin” arrest

Pero, pinakawalan din si Neri ng korte dahil sa teknikalidad ayon kay Atty. Roberto Labe, abogado ng mga naghain ng kaso laban kay Neri sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112.

Sa panayam sa kanya nina Doris Bigornia at Alvin Elchico sa TeleRadyo Serbisyo noong December 5, 2024, nagbahagi ng kanyang reaksiyon ang abogado sa pansamantalang pagpapalaya kay Neri.

Read: BREAKING: Court orders release of Neri Naig from detention

Saad ni Labe, "Unang-una po ay kasama o kabahagi po yan ng proseso ng ating batas kaya po okey lang naman sa amin yung siya po ay pansamantalang nakawala."

Ano ang sabi ng kanyang mga kliyente?

"Ito po ay aking naipaliwanag naman sa kanila kung bakit po sa naging order ng ating korte sa Pasay City, malugod naman po nila itong naintindihan at tinanggap," tugon ng abogado.

Read: Pasay court grants Neri Naig’s motion to quash warrant of arrest

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naitanong din kay Atty. Labe kung bakit napalaya si Neri gayong non-bailable ang syndicated estafa case na kinakaharap nito.

Paliwanag ng abogado, "Ito po ay dahil sa proseso na diumano ay hindi po siya nakatanggap ng complaint at hindi siya nakapag-file ng kanyang counter-affidavit.

"Ito po ay constitutional right ng bawat akusado kung saan dapat po sila ay nakapag-participate sa level po ng piskalya.

"So, yun po ang idinidiin ng kanyang mga abogado.

"At dahil po dito ay nakita naman ito ng judge at nakita ko rin sa mga clients ko, na ayon sa mga documents na isinumite ng piskalya sa korte ay wala nga hong patunay na sila ay nakatanggap nung complaint-affidavit na yun yung finile namin sa kanila sa level ng piskalya

"So, naiintindihan naman po namin kung kaya ito po ay na-remand sa level ng piskal."

Nateknikal ba sila?

Pag-amin ni Labe, "Tama po kayo, yun po yung... yun po yung actually ang order ng korte."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: SEC official explains Neri Naig’s securities violations case

Samantala, umaasa naman ang abogado ni Neri na si Atty. Aureli Sinsuat na mabigyan sila ng patas na pagkakataon para sagutin ang lahat ng mga akusasyong ibinabato sa kanyang kliyente.

Bahagi ng kanilang pahayag, "The reinvestigation will provide an opportunity for Neri to respond to the allegations against her. We are hopeful that the reinvestigation will clear Neri of any wrongdoing in the Dermacare/Beyond Skin Care Solutions case.

"This development marks an important step toward resolving the matter fairly and justly."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chito Miranda to wife Neri Naig on their 10th wedding anniversary: "Sobrang blessed ng mga anak natin to have you as their mom, and sobrang swerte ako to have you in my life, and I have never been happier. I will always take care of you, protect you, and will always love you hanggang tumanda tayo."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results