Unti-unti nang umiinit ang labanan sa Miss Universe Philippines 2025.
Nagsimula na rin ang botohan sa pamamagitan ng pagbili ng produktong pampaganda bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang mga pambato sa national beauty pageant.
Sa Instagram, hinikayat nina Miss Quezon Province Ahtisa Manalo at Miss Muntinlupa Winwyn Marquez na iboto sila ng kanilang followers.
Pero may pakiusap ang dalawa: bumoto kung meron lamang silang sobrang pera.
Alam daw nilang may kamahalan ang mga produkto ng Pina Beauty products na kapartner ng Miss Universe Philippines (MUPH).
Ang piso ay katumbas ng isang boto.
Halimbawang isang libong piso ang presyo ng produkto, ibig sabihin nito ay may isang libong boto para sa kandidata.

Ang Top 3 sa botohan ay makakapasok sa semifinals.
Ang Top 1 at Top 2 ay makaka-advance sa gown competition.
At ang may pinakamataas na boto pagkasara ng botohan ay makakapasok sa finals.

View this post on Instagram
Read: Chanel Olive Thomas, 34, married, kasali sa Miss Universe PH 2025
AHTISA MANALO: "please walang mangungutang para dito!"
Sa kani-kanilang Instagram Broadcast Channels, may pakiusap sina Ahtisa at Winwyn sa kanilang mga tagasuporta.
Hinikayat nila ang mga itong bumoto kung mayroon lamang silang sobrang pera.
Bawal daw mangutang.
Sabi ni Ahtisa, "Hi my loves! Reminder please walang mangungutang para dito!"

Naalala raw ni Ahtisa noong botohan para sa Miss Universe Philippines 2024, kung saan siya hinirang na second runner-up at Miss Cosmo International Philippines.
Read: Ahtisa Manalo, Alexie Brooks also win titles at MUPH 2024
Aniya: "Naalala ko last year meron daw mga nangutang para maka vote, gastusin niyo na lang sa mga pangangailangan niyo please. As a matipid myself ako naloloka sa inyo."

Read: Ahtisa Manalo congratulates MUPH 2024 Chelsea Manalo
WINWYN MARQUEZ: "please please only vote if you have extra."
Ganito rin ang pakiusap ni Winwyn sa kanyang mga tagasuporta.
Mas maraming bagay raw kasi ang kailangang unahin kesa ang pagboto sa kanila.
At mahirap ding kumita ng pera ngayon.
Saad niya: "Guyysss Yes there is a voting system that gives a chance to enter the final round on coronation night... But please please only vote if you have extra.
"I know there are more important things to prioritize, and this involves spending your hard earned money.
"This is not mandatory:) there's absolutely no pressure to vote ah. Your support.. in any form, already means so much. Love you all!!"

Read: Winwyn Marquez is Miss Universe Philippines-Muntinlupa 2025
MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2025: THE PUKSAAN EDITION
"Puksaan Edition" kung ituring ang Miss Universe Philippines 2025.
Bukod kina Ahtisa at Winwyn, sasabak din sa pageant si Yllana Maria Aduana, na kinatawan ng Siniloan, Laguna. Hinirang siyang Miss Earth Air 2023 sa Vietnam.
Pasok din sa pageant si Chelsea Fernandez ng Sultan Kudarat na nagwaging Bb. Pilipinas Globe 2022.
Sasabak din si Ma. Katrina llegado ng Taguig City. Siya ang nagrepresenta sa Pilipinas sa Reina Hispanoamerica 2019, kunsaan niya naiuwi ang fifth runner-up.
Read: Ahtisa, Winwyn, Yllana, Chelsea among aspirants of MUPH 2025
