Base sa mga pahayag ni Rayver Cruz, 35, determinado na siyang ang nobyang si Julie Anne San Jose, 30, ang gusto niyang makasama habambuhay.
Sa presscon ng pelikulang Sinagtala noong nakaraang linggo, muling inulit ng Kapuso actor ang kanyang pahayag na nakikita niya ang sariling tatanda kasama ang singer-actress.
Sabi ni Rayver, "That's one thing that I'm proud to say, and I always say naman sa mga tao, na si Julie Anne na talaga ang pakakasalan ko."
Read: Rayver Cruz feels sure that he wants to marry Julie Anne San Jose
JULIE ANNE SAN JOSE ALSO FEELS THE SAME
Sa presscon naman ng Slay, ang upcoming murder-mystery series ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Julie Anne, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso singer-actress tungkol sa naging pahayag ni Rayver.
Ginanap ang presscon noong Miyerkules, March 19, 2025, sa Luxent Hotel, Quezon City.

Ano ang masasabi ni Julie Anne tungkol sa binanggit ni Rayver?
Saad niya: "No, of course, kinikilig.
"And ako naman, ako din, I also feel the same.
"Kasi, wala, everybody's getting old, and parang nasa point na rin kami na parang anytime, puwede na mag-settle.
"And, of course, we always talk about that naman."
Napag-uusapan na nilang lumagay na sa tahimik?
"We always talk about that," pag-ulit ni Julie Anne.
"And kami naman, yung dalawa, sobrang happy kami, sobrang secure namin sa bawat isa.
"We just don't know when that's gonna happen, but eventually it will happen in God's time."
JULIE ANNE SAN JOSE: MARRIAGE FIRST BEFORE BABY
Puwede ba sa kanya ang magka-anak muna bago ang kasal?
Mariing sabi ni Julie Anne: "Kasal muna.
"Because, traditional po kasi kami ng family.
"So, I always believe that marriage is a sacred thing. And having kids is also a sacred thing, di ba?
"Uhm, parang... actually, napag-usapan na lang naman yan ng maraming tao, di ba?
"So, it's also something that, you know, it's also something to consider.
"Pero for me, parang hindi, parang kasal po muna talaga."
Handa na ba siya kung sakaling biglang mag-propose sa kanya si Rayver?
"Oo," walang paliguy-ligoy na sagot ng singer-actress.
Dagdag pa niya: "I think I want to be, I want to be ready.
"Parang hindi naman na rin ako bumabata.
"So, kahit na ako, marami pa akong gusto gawin for myself, we want to do it together."
Wala bang hadlang na mga kontrata sakaling bigla silang ma-engage?
Tugon ni Julie Anne: "Parang ako kasi, parang nasa phase na kasi ako ng buhay ko na talagang gusto ko na lang i-enjoy yung buhay.
"Because you know, life is short, anything can happen.
"Parang, nasa point na rin kasi ako na, alam mo yun, ito, parang... yung hindi naman forever kailangan ako laging may pinapatunayan.
"So, parang ako, I'm just very happy and content with everything that I have now.
"I have a good career, I have work, I have job, I have my family with me, which is very, very important.
"I have Ray in my life. So, what more can I ask for?
"Sobrang, ako, okay now."
Anong edad ba niya nakikita ang sariling magpakasal?
Ayon kay Julie Anne, "Ano siguro... actually, hindi ko alam kung when exactly, but siguro hindi na lalampas ng 35.
"Kasi I'm 30, turning 31 this year. Maraming pa pong mangyayari."
Read: Julie Anne at Gabbi, proud girlfriends kina Rayver at Khalil
Sa Slay, ginagampanan ni Julie Anne ang papel bilang Liv, isa sa apat na babaeng magiging suspek sa mysterious death ng fitness influencer na si Coach Zach, played by Derrick Monasterio.
Ang tatlo pang babaeng bida sa Slay ay sina Gabbi Garcia as Amelie, Mikee Quintos as Sugar, at Ysabel Ortega as Yana.
Mapapanood ito sa GMA Prime simula March 24, 9:25 P.M.
Read: Derrick Monasterio emotional after being praised for his acting
