PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Min Bernardo says Kathryn has many suitors but remains single

Min Bernardo: "Ang panget ba naman ng anak ko kung walang manliligaw, hindi ba?"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 1, 2025
Min Bernardo reveals daughter Kathryn has many suitors but remains single
Min Bernardo (right) on daugther Kathryn Bernardo's (left) lovelife: "Hinahayaan ko lang siya pero nandiyan pa rin ako sa side na bumubulong..."
PHOTO/S: Min Bernardo on Instagram

Maraming nagpaparamdam ngayon para manligaw sa Kapamilya A-lister na si Kathryn Bernardo.

Ito ang kinumpirma mismo ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa eksklusibong panayam sa kanya ni MJ Felipe sa On Cue ng ABS-CBN News noong March 29, 2025.

Diretsahang tanong ni MJ kay Mommy Min, "May nanliligaw [kay Kathryn]? Marami?"

Mabilis ang pagtango ni Mommy Min sabay sabing, "Siyempre naman. Ang panget ba naman ng anak ko kung walang manliligaw, hindi ba?"

Dugtong ni MJ, "Tsaka single naman siya, single naman si Kath."

Pagsang-ayon ni Mommy Min, "Oo, [single naman siya]."

Read: Kathryn Bernardo's mother warns fans against "fake news"

MIN BERNARDO ON KATHRYN'S LOVELIFE

Sa usapin pa ring lovelife, tinanong si Mommy Min kung suportado ba niya ang anak pagdating sa pagpili nito ng mamahalin.

Ayon sa ina ng aktres, noon pa man ay malaki na ang tiwala niya kay Kathryn sa mga desisyong ginagawa nito sa buhay, lalo na pagdating sa lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinahayaan daw niya ang aktres mamili at magdesisyon kung sino ang kanyang gugustuhin at mamahalin.

Ngunit hindi naman daw ibig sabihin nitong hindi na siya makikialam kung saka-sakaling may makita siyang mali sa mga desisyon ng anak.

Read: Min Bernardo flaunts bonding moment with Alden Richards

Saad ni Mommy Min: "Hinahayaan ko lang siya pero nandiyan pa rin ako sa side na bumubulong, ‘Hindi tama yan, hindi okay yan’ — mga ganun.

"Pero at the end of the day, mahirap kasi sa isang nanay na may sinasabi ka [pero] hindi ka pinakikinggan.

"Ngayon, ina-accept ko na lang na, 'Sige na nga, matanda ka na, ikaw na magdesisyon by your own. Pero sana isipin mo hundred times kung sino man yan, ano man yan, kasi mahirap magkamali.'

"Especially sa stature niya ngayon, maraming naghihintay na magkamali siya."

Read: Kathryn Bernardo admits to experiencing quarter-life crisis

MIN talks about CHILDREN'S MARRIAGE

Kung saka-sakaling magkanobyo ulit si Kathryn at magdesisyon itong magpakasal, handa na kaya si Mommy Min?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya: "Yung wala pang artista sa mga anak ko, ang gusto ko, lagi kong sinasabi, 'At the age of twenty-five dapat mag-asawa na kayo.'

"Kasi ako, nineteen akong nag-asawa. Siguro lang din pinalad ako na kahit papaano naging successful yung marriage ko.

"Pero ayun nga, walang nag-asawa ng twenty-five."

Min Bernardo denies Kathryn Bernardo's rumored network transfer
Amid speculations about Kathryn Bernardo’s (left) relationship status, her mother Min Bernardo (right) sets the record straight by saying that while the actress has many suitors, she is single at the moment.
Photo/s: Kathryn Bernardo Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gustuhin man daw ni Mommy Min na maikasal na si Kathryn bago ito mag-trenta ay hindi raw niya madidiktahan ang anak dahil habang tumatagal ay pausod daw nang pausod ang edad na sinasabi ng aktres kung kailan nito gustong magpakasal.

Noong March 26, 2025 ay nagdiwang si Kathryn ng kanyang ika-29 kaarawan.

Ani Mommy Min: "Si Kath, sabi niya last year siguro mga thirty-three, tapos pausod nang pausod.

"Nung isang araw narinig ko nga, thirty-four daw.

"Sabi ko nga sa kanya, may expiration ang babae hindi sila katulad ng lalaki."

Read: Kathryn Bernardo admits to experiencing quarter-life crisis

KATHRYN'S RUMORED SUITORS

Matagal nang bulung-bulungan ang mga lalaking nanliligaw umano kay Kathryn makaraan nitong mahiwalay sa longtime boyfriend niyang si Daniel Padilla.

Read: Karla Estrada hurt by harsh words vs Daniel after KathNiel split

Kabilang na rito ang Kapuso actor na si Alden Richards at si Lucena City Mayor Mark Alcala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Wala pang kumpirmasyon kung totoo ito at kung may pinayagan si Kathryn sa dalawa na ligawan siya.

Sa kabila ito ng pag-aming handang-handa na siyang pumasok sa isang relasyon kung sakaling dumating ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso.

Sinabi ito ni Kathryn sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa GMA-7 talk show na Fast Talk With Boy Abunda noong October 28, 2024.

Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards weigh in on second chances

Diretsahang tanong sa kanya noon ni Boy, "Kathryn, yes or no, are you ready to fall in love again?"

Mabilis na sagot ni Kathryn, "Yes!"

Diin pa niya "Kahapon pa. Reding-ready na, yes."

Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards weigh in on second chances

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Min Bernardo (right) on daugther Kathryn Bernardo's (left) lovelife: "Hinahayaan ko lang siya pero nandiyan pa rin ako sa side na bumubulong..."
PHOTO/S: Min Bernardo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results