Trigger warning: Mention of rape and domestic abuse
Inanunsyo ng Eraserheads frontman na si Ely Buendia na hindi muna makakasama ang lead guitarist ng banda na si Marcus Adoro sa kanilang upcoming concert and project dahil sa kinakaharap nitong bagong kontrobersiya.
Ngayong Linggo, April 6, 2025, nag-post si Ely sa kanyang X (dating Twitter) account para isapubliko ang pansamantalang paglayo ni Marcus sa kanilang banda habang inaayos nito ang kinasasangkutang isyu.
Mababasa sa tweet ni Ely (published as is): "We acknowledge the recent allegations that have surfaced online.
"As proponents of justice, we unequivocally condemn all criminal acts and stand against abuse of any form. Above all, we seek the truth.
"As Marcus makes time to address the matter at hand, he will be stepping back from the upcoming project.
"We move forward with humility and deep respect for the truth and social responsibility."

sexual allegations against Marcus ADORO
Bagamat hindi mismo sinabi ni Ely kung ano ang "recent allegations" na tinutukoy niya sa kanyang post, mahihinuha na patungkol ito sa alegasyong rape ng isang netizen kay Marcus.
Noong March 30 isang netizen ang nag-post sa Reddit para ibunyag na diumano'y pinagsamantalahan siya ni Marcus noong siya ay high school.
Gustuhin man daw niyang kalimutan ang lahat ng trauma, hindi raw niya maatim na makita ang mga larawan ni Marcus sa social media.
Lalo na ngayon na nagpu-promote ang kinabibilangan nitong banda na Eraserheads para sa Electric Fun Music Festival concert nito sa darating na May 31.
Saad ng nasabing netizen: "Marcus Adoro raped me when I was in high school and now I have to see his face all over the news and social media because of the Eraserheads reunion.
"F*ck this guy for telling me masuwerte ako na hindi niya na all-the-way dahil lang nagpupumiglas ako.
"Every time I see his face, I fall into despair because of how unfair it is that people can forgive and forget so easily."
Rebelasyon pa nito, hindi lang siya ang pinagsamantalahan ni Marcus.
Marami raw silang babaeng diumano'y magpapatunay kung paano sila ni-rape ng kilalang gitarista.
Pahayag pa nito, "He is a known and recorded abuser of women. He beat Barbara Ruaro. He abused his own child - going as far as telling Syd that she will be raped.
"He raped me and countless other women - tried to rape one acquaintance of mine, as well."
Si Barbara Ruaro ang indie film actress na dating kasintahan ni Marcus na nagsampa ng reklamo ng pang-aabuso at pananakit laban dito noong 2019.
Nang mag-post ito sa social media na sinaktan daw siya ng hindi niya pinangalanan noon na indibiduwal, sumunod na nag-post naman ang anak ni Marcus na si Syd Hartha ng pang-aabusong ginawa diumano sa kanya ni Marcus noong nasa poder siya nito.
Read: Barbara Ruaro condemns "fake news" about Eheads guitarist Marcus Adoro’s alleged drug use
Marcus's alleged rape victim criticizes Eraserheads and Diane Ventura
Bukod kay Marcus, nagpupuyos din sa galit ang netizen na diumano'y rape victim sa ibang miyembro ng Eraserheads at kay Diane Ventura, ang direktor sa ilalabas na documentary film ng grupo na Eraserheads: Combo On The Run.
Maliban sa pagiging direktor, kilala rin si Diane bilang dating asawa ng lead vocalist ng banda na si Ely.
Sinisisi ng netizen si Diane at Eraserheads members na sina Ely, Buddy Zabala, at Raimund Marasigan na aniya'y mga walang prinsipyo.
"Diane Ventura should be ashamed of herself, too. She is helping Marcus Adoro wipe his disgusting history clean so she can profit from the band.
"It’s also saddening - but not surprising - to see that Ely Buendia, Buddy Zabala, and Raimund Marasigan have no principles.
"They previously stated that they did not condone abuse. Pera lang pala ang katapat ninyo. Pa-Spolarium Spolarium pa kayo, mga ipokrito."

MARCUS ADORO PREVIOUS ISSUE
Hindi ito ang unang beses na nasangkot sa kontrobersiya si Marcus.
Matatandaang noong 2019 ay inakusahan din siya ng kanyang anak, ang singer na si Syd Hartha, ng physical at emotional abuse.
Read: Raymund Marasigan comments on Marcus Adoro's domestic abuse issue
Maging ang aktres at dating kasintahan ni Marcus na si Barbara Ruaro ay nakaranas din diumano ng pang-aabuso sa kamay ng ex-Eraserheads guitarist.
Nag-post pa si Barbara ng larawan sa social media na nagpapakita ng kanyang pasa at sugat sa mukha.
Read: Indie actress Barbara Ruaro reveals being a victim of physical abuse
Hanggang noong September 26, 2022, humingi ng paumanhin si Marcus sa anak niyang si Syd sa nagawa nitong pananakit noon.
Post nito noon (published as is): "I’ve lost contact with my daughter for years now.
"Recently, I’ve tried to reach out to her through her manager, but I’m not sure if my messages are getting through. So, I’m making this post.
"Syd, san ka man, I hope you’re doing well.
"As you already know, I’m far from perfect kaya normal if you want nothing to do with me."
Pagsusumamo pa ni Marcus kay Syd, "Sana lang magkaroon ng second chance for redemption."
Read: Eraserheads guitarist Marcus Adoro apologizes to daughter on IG
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag si Marcus tungkol sa rape allegation na ibinabato sa kanya.
