Nagkaayos na ba sina Darren Espanto at Juan Karlos?
Ito ang tanong ng netizens sa natuklasan nilang larawan nina Darren at Juan Karlos kung saan tila nag-uusap sila.
Ang nasabing larawan ay kuha sa ABS-CBN Ball 2025 na ginanap sa Solaire Resort North, Quezon City, noong April 4, 2025.
Hindi sinasadyang nakunan ang dalawang singer-actors sa larawang ibinahagi ng TV Patrol anchor na si Karen Davila.
Kabilang sa carousel pictures na ibinahagi ni Karen ay isang larawan kung saan nahagip sa likuran sina Darren at Juan Karlos na tila nag-uusap.

May isa pang kausap sina Darren at Juan Karlos na nakatalikod sa kamera.

Hudyat kaya itong nagkaayos na ang dalawa?
Read: Darren Espanto claps back at basher calling him "bakla"
DARREN ESPANTO-JUAN KARLOS ISSUE
Nagkaroon ng iringan sa pagitan nina Darren at Juan Karlos dahil sa pagtukoy umano ni Juan Karlos kay Darren na "gayness" sa isang tweet noong 2018.
Nanindigan si Juan Karlos na hindi nanggaling sa kanya ang mapanirang tweet. Paliwanag niya, posible raw na na-hack ang kanyang Twitter (X) account.
Nag-ugat ang isyu sa tweet umano ni Juan Karlos na “@Espanto2001 gayness at its finest.”
Noong October 22, 2018, ibinahagi ni Darren ang screenshot ng tweet umano ni Juan Karlos na may petsang October 19.
Dito ay inihayag ni Darren na hindi siya naniniwala sa palusot ni Juan Karlos na “hacker” ang may kagagawan nito.
Galit na sabi ni Darren kay Juan Karlos: "Timing ‘no? Dinelete ng 'hacker' mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong BAKLA. @KarlosLabajo"
Naglabas din ng galit noon si Juan Karlos dahil isinapubliko pa raw ni Darren ang gusot sa pagitan nila, gayong sinubukan daw niyang linawin ang isyu sa pamamagitan ng palitan nila ng private messages.
Sina Darren at Juan Karlos, na parehong 17 years old noon, ay batchmates sa singing competition ng ABS-CBN na The Voice Kids noong 2014.
Read: Patutsadahan nina Darren Espanto at JK Labajo, aabot ba sa demandahan?
DARREN AND JUAN KARLOS PRIVATE EXHANGE
Kasunod nito ay ang pagsasapubliko ni Juan Karlos ng screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Darren.
Ayon kay Juan Karlos, may ibang tao umanong gumagamit ng kanyang Twitter account.
"just so you know hindi ako yun. ask mca if you dont believe me.
"someone else is using my twitter account.
"so you better tell your fans and/or family to calm the f*** down because the last thing i f****** want is to be accused of something i didnt f****** do. cheers."
Ang tinutukoy ni Juan Karlos na "mca" ay ang MCA Music Inc. na parehong record label nila ni Darren.
Depensa pa ni Juan Karlos, posible ring "edited" lang ang "gayness at its finest" tweet ng kung sinumang naninira kay Darren.
Buwelta naman ni Darren, sa panahon ngayon ay madali nang ma-detect kung totoong na-hack o may ibang gumamit ng isang Twitter account.
Hamon ni Daren kay Juan Karlos, “Prove it and man up! I am just here and ready to show the world who the real GAY one is.”
Makalipas ang ilang oras, binura na ni Juan Karlos ang tweets na ito dahil sa binitiwang cuss words sa gitna ng pagdepensa sa sarili.
Read: Darren Espanto, JK Labajo engage in word war over "gayness" tweet
DARREN ESPANTO CAMP FILES CYBERLIBEL against juan karlos
Sinampahan ng kasong cyberlibel si Juan Karlos ng ina ni Darren na si Marinel Gonzales-Espanto noong unang bahagi ng 2019.
Ayon sa ulat ng PEP Troika noong March 2019, galit daw ang magulang ni Darren sa mga ipinost noon ni Juan Karlos.
Hinintay lang daw nilang mag-18 si JK noong Pebrero 5, 2019 para puwede na itong sampahan ng reklamo.
Seventeen years old lang noon si Darren, kaya ang kanyang ina ang nagsampa ng reklamo laban kay Juan Karlos.
Read: JK Labajo, sinampahan ng kasong cyber libel ng ina ni Darren Espanto
Bali-balita namang na-dismiss ang reklamo pero walang pang kumpirmasyon ukol dito.
Sa ulat ng PEP Troika noong October 2024, si Juan Karlos na mismo ang tinanong nila ukol sa balita.
Saad niya: “A lot of things are definitely blown out of proportion. A lot of things are unnecessarily expounded into this massive thing that it shouldn’t have been in the first place.
“So, there’s a huge aspect of assumption and also this huge aspect of people publicly just buying and biting whatever they see first online without knowing the whole story, the whole context.
“Ako naman, in this point in my life, again, it wasn't like I've been also talking about the whole time. I can focus my energy on the things that I can control.
“Kung ano ang paniwalaan ng mga tao, or kung ano ang gustong isipin ng mga tao, I mean, I don’t care.
“Kasi, like, it’s out of my control. People’s opinions and emotions in whatever they wanna believe in is out of my control.”
Sinundan ng tanong si Juan Karlos kung kumusta na ba talaga sila ni Darren.
Sagot niya, "That’s something that I don’t wanna talk about, definitely. It’s not something that’s part of my day-to-day thoughts.
“Ako naman, on my end, without mentioning anybody, it’s really… we’re all grown-ups here.
"E, ako, more than anything, love is what matters most.
“So, alam mo yun, my door is open wide in terms of… dyusko naman! Talagang mag-stress pa tayo sa mga ganyan-ganyan na mga… ang dami kong drama sa buhay."
Read: JK Labajo, posible kayang maayos pa ang isyu kay Darren Espanto?
Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita pa si Darren ukol sa isyu nila ni Juan Karlos.
