Pasasalamat ang nararamdaman ng magkakapatid na sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon kay Nora Aunor, ang kinikilala nilang ina.
Lima ang anak ni Nora at ng ex-husband niyang si Christopher de Leon.
Ang tanging biological child nila ay si Ian, habang adopted kids naman sina Lotlot, Matet, Kenneth, at Kiko.
Magkakaiba mang ina ang nagluwal sa kanila, kailanman ay hindi raw naramdaman ng apat na hindi sila bahagi ng pamilya o may kakulangan sa pagkatao nila.
Read: National Artist Nora Aunor: "a soul of a nation"
Ito ang ibinahagi ng limang magkakapatid sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) nitong Linggo, April 20, 2025.
Nangyari ang panayam noong April 18, sa gitna ng kanilang pagluluksa sa pagkamatay ng tinaguriang Superstar ng Philippine entertainment industry at National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts.
Read: Nora Aunor: Fast facts about Philippine cinema's Superstar
Binawian ng buhay si Nora sa The Medical City, Pasig City, noong Miyerkules ng gabi, April 16, 2025.
Siya ay 71 years old.

Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments
NORA AUNOR on ADOPTIVE KIDS
Isang lumang interbyu ni Nora sa KMJS ang binalikan ng host ng programa na si Jessica Soho.
Sa nasabing interbyu, ipinaliwanag ni Nora ang dahilan kung bakit marami siyang adoptive kids.
Pahayag niya noon: "Dinadala po sila sa bahay. Yung mga tao, lalung-lalo na yung mga bata na dinadala sa iyo, magi-guilty ka kung hindi mo tatanggapin.
"Kasi kung mabalitaan, kunwari, hindi mo tinanggap, at nabalitaan mo na hindi maganda yung nangyari sa mga bata, para bang konsensiya mo na bakit hindi mo tinanggap, na kahit papaano ay makakatulong ka nang malaki para sa kanila."
Read: Nora Aunor's kids take to social media to honor their mom
MATET, LOTLOT, KENNETH, AND KIKO Open Up About Discovering They Were Adopted
Hiningi ni Jessica ang reaksiyon ng magkakapatid sa sinabi ni Nora.
Simula ni Matet, "Sa mga mahilig na tumawag sa amin ng 'ampon.'"
Hirit ni Lotlot, "Ampon ba tayo? Hindi naman, ah. Si Ian ang ampon."
Dugtong ni Matet: "Ayaw na ayaw po niya [na sinasabihan kaming ampon]. Never po niyang ipinaramdam sa amin iyan.
"Nalaman po kasi naming ampon kami from the helpers.
"Twelve [years old] po ako non. 'Matet,' pinatawag ako, 'Si Kuya [Ian], anak ni Mommy, pero tayo [Lotlot, Kiko, Kenneth] ay anak niya sa heart.
"Pasalamat ako kay Mommy kasi kung hindi ho sa kanya, hindi ko sila kapatid."
Read: Matet de Leon on mom Nora Aunor's death: "Parang tumigil yung mundo namin."
Sa kaso naman ni Lotlot, noong nalaman niyang hindi si Nora ang nagluwal sa kanya ay mismong siya raw ang nagtanong sa namayapang singer-actress.
Ang natatandaang tanong ni Lotlot sa mommy niya: "Bakit si Ian lang ang galing sa tiyan mo? Bakit ako hindi? Gusto ko, ako din."
Ang sagot daw ni Nora sa kanya: "Ikaw, galing ka sa Panginoon, bigay ka sa akin. Si Ian, siya lang yung pinagbuntis ko."
Ramdam naman ni Lotlot na pantay-pantay ang pagtingin sa kanila, "...mommy kasi never treated us any differently from Ian."
Read: Lotlot de Leon reveals mom Nora Aunor's bilin, last text message
Hindi rin nagtanim ng hinanakit si Kenneth nung nalamang adopted child siya ni Nora.
Sa katunayan, sa tuwing tinatawag at kinikilala raw siyang anak ni Nora ay wala siyang ibang nararamdaman kundi pasasalamat.
Aniya, "Ang unang pumapasok sa akin, e, blessings, God's gift na siya ang mommy ko.
"We're blessed because of mom.
"And the one thing na natutunan ko po sa kanya is always give respect."
Read: Nora Aunor's PA in the '70s recalls patintero days with Superstar
Maging si Kiko ay wala raw masabing masama sa kanyang nakagisnang ina dahil sa pagmamahal na ibinigay nito sa kanilang magkakapatid.
Ang mangiyak-ngiyak na sabi niya, "Ma, kung nasaan ka man, sana sa susunod na mundo, Superstar ka pa rin.
"Sana, nanay ka pa rin namin."
Read: Nora Aunor, gagawaran ng state necrological service sa MET
IAN ON HAVING FOUR SIBLINGS
Bagamat si Ian lang ang tanging biological child ni Nora, kailanman ay hindi raw niya kinuwestiyon kung bakit nag-ampon pa ang kanyang ina.
Ang tanging tanong lang daw niya noon ay kung bakit magkakaiba sila ng magulang.
Read: Ian de Leon reveals cause of death of Nora Aunor
Kung si Ian daw kasi ang papipiliin, gustung-gusto niyang magkakaparehas silang ipinagbuntis at iniluwal ni Nora.
Sabi niya: "Ako naman, nasaktan, 'Bakit hindi tayo pare-pareho?'
"Kasi love na love ko Ate [Lotlot] ko, e. Talagang siya yung laging kadikit ko.
"So kinimkim ko iyon, pero parang there was parang lingering feeling na I'm very thankful na naging ate ko siya."
Masayang-masaya raw si Ian na binigyan siya ng mga kapatid ni Nora.
Hindi man niya kadugo, alam daw niya sa kanyang puso't isipan na sila'y itinadhana na magkasama-sama para maging isang pamilya.
"Matet came along, Kiko, and Kenneth. Dumarami kami, may mga kalaro na ako.
"May nabu-bully na ako, may napagti-trip-an na ako," ang biro ni Ian.
Dagdag niya, "Pero hindi, sobrang thankful ako kay God na naging part ako ng mga buhay nila through our mom."
Sa huli, may mensaheng iniwan si Ian sa kanyang pinakamamahal na ina.
Aniya, "Ma, till we meet again. I love you and always remember this is not a loss for everyone but a gain in heaven."
Read: Ian de Leon denies operation caused Nora Aunor’s death
