Bagamat nagdadalamhati pa rin ay tila gumagaan na kahit papaano ang pakiramdam ni Lotlot de Leon matapos ang magkasunod na pagpanaw ng dalawang mahalagang tao sa kanyang buhay.
Naunang pumanaw ang dati niyang mother-in-law na si Asia's Queen of Songs Pilita Corrales noong April 12, 2025.
Pumanaw si Pilita sa edad na 87.
Si Pilita ang ina ni Ramon Christopher "Monching" Gutierrez, dating asawa ni Lotlot.
Read: Pilita Corrales dies at 87
Makalipas lamang ang apat na araw, noong April 16, ang adoptive mother naman ni Lotlot na si National Artist at Superstar Nora Aunor ang pumanaw.
Si Nora ay pumanaw sa edad na 71.
Read: Nora Aunor dead at 71
Sa Instagram ngayong Martes, April 29, nagbahagi si Lotlot ng lumang larawan kung saan kasama niya sa entablado sina Nora at Pilita.

Tila kuha ang larawan sa isang malaking konsiyerto dahil merong banda sa kanilang likuran.
Parehong mang-aawit sina Nora at Pilita.
Caption ni Lotlot sa kanyang post (published as is): "Both of you must be singing your hearts out..Enjoy heaven [heart emoji] Mommy & Mamita [dizzy emoji]"
View this post on Instagram
Read: Janine Gutierrez mourns death of two lolas, Pilita and Nora
LOTLOT'S PROMISE to NORA
Noong April 25, isang mahaba-habang mensahe ang ibinahagi ni Lotlot sa Instagram para sa namayapang inang si Nora.
Muli siyang nangako at tiniyak na lahat ng bilin nito ay masusunod.
Mensahe ni Lotlot (published as is): "Hi ma..
"Ma, alam mo po I find myself talking to you everyday.. at alam ko nakikinig ka.
"Nasabi ko na din naman sayo lahat mommy.. at alam ko din na ang bilin mo sa akin ay ang mga kapatid ko at mga apo mo."
"Yung tinuro mo sa akin na maging matatag sinusubukan ko po talagang gawin."
Ipinaalam din ni Lotlot sa namayapang ina kung gaano ito kamahal ng publiko at mga kasamahan sa industriya.
Saad ni Lotlot: "Ma, maraming nagmamahal sayo. Sobra! Sana nakikita nyo po yun.
"They all showed up for you and our family and kame na mga anak mo sobrang grateful po. Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako."
Hiniling din niya sa yumaong ina na lagi silang gabayan nito.
Tiniyak din niya kay Nora na aalagaan nilang magkakapatid ang naiwang legasiya ng Superstar.
Pagtatapos ni Lotlot: "Basta look after us always ma.. alam ko hindi mo kame pababayaan sa bawat desision na gagawin naming magkakapatid.
"At lalo pa kame nagkakaisa dahil sayo. And we promise to take care of your legacy, Ma, kame ng mga kapatid ko.
"Rest easy ma..
"Your daughter forever,
"Lot"
View this post on Instagram
Sa Libingan ng mga Bayani ang huling hantugan ni Nora dahil siya ay hinirang na National Artist for Film and Broadcast Arts ng gobyerno ng Pilipinas.
Read: National Artist Nora Aunor, hinatid na sa Libingan Ng Mga Bayani
