Simula na ng road to forever ni Leila Alcasid at ng singer-rapper na si Mito Fabie, o mas kilala bilang Curtismith, matapos nilang ikasal ngayong Huwebes, May 29, 2025.
Naganap ang intimate garden wedding sa Sydney, Australia, base sa Instagram post ng ama ni Leila na si Ogie Alcasid.
Sa magkakasunod na posts ni Ogie, makikita ang ilang kaganapan sa kasal nina Leila at Curtismith.
Kabilang na rito ang kuhang larawan ng bagong kasal sa reception ng kasal.
Mababasang caption ni Ogie (published as is): "Pag ibig. Pagmamahalang walang patid. Kami ay nagbubunyi. We love you @curtismito and @leilalcasid The Lord bless you both!"
Ini-upload din ni Ogie ang larawan ng sabay na paglalakad nila ni Mark Morrow, ang stepfather ni Leila, para ihatid si Leila sa podium.
"Fatherhood [pray and red heart emoji]," caption dito ni Ogie.
Si Leila ang panganay sa dalawang anak ni Ogie sa una niyang asawa, si former Miss Australia Michelle Van Eimeren, na dumalo rin siyempre sa kasal.
Present din sa kasal ang nakababatang kapatid ni Leila na si Sarah Alcasid.
Sa Australia nakatira sina Michelle at Mark, kasama si Sarah.
Lumipad din patungong Australia ang stepmother ni Leila na si Regine Velasquez-Alcasid, kasama si Nate, ang anak nila ni Ogie.
Read: Ogie Alcasid, Regine Velasquez reunite with Michelle van Eimeren “after 3 long years”
LEILA-CURTISMITH RELATIONSHIP
March 2019, isinapubliko nina Leila at Curtismith ang kanilang espesyal na relasyon bilang magkasintahan.
Kasagsagan ng COVID-19 pandemic, noong 2020, nang magdesisyon silang mag-live-in.
Sa panayam ni Ogie sa PEP Troika noong September 2023, inamin nitong hindi niya nagustuhan ang desisyon ng anak na magsama na sila ni Curtismith sa iisang bubong.
Read: Ogie Alcasid, tutol sa pakikipag-live-in ng anak na si Leila sa rapper na si Curtismith
Twenty-five years old na noon si Leila at nasa tamang edad na, kaya wala raw naman siyang magagawa sa desisyon nito, lalo na sa relasyon nito sa nobyo.
Pahayag noon ni Ogie: "I said, 'You know, I didn't like what you did. Because, that's something that I wished you talk to me about.’
"However, nandiyan na yan, e, ginawa niya na yan. So, you want to be an adult, so you face life as an adult.
"And I'm proud that she didn't ask money from me at all."
January 2024, muling nakausap ng PEP Troika si Ogie. Kapansin-pansing nag-iba na ang pananaw ng singer-TV host sa relasyon nina Leila at Curtismith.
Tinanong ang OPM singer-songwriter kung handa na ba siya saka-sakaling magpaalam sina Leila at Curtismith na magpakasal.
Sagot ni Ogie: "I’m ready for anything.
“She has a promise ring, meron na palang ganun ngayon? Promise ring… I don’t know what that means.
“Lagi naman niya suot yun. I can see that my daughter is very happy. That’s enough for me.
“They’re good for each other. I can see that, and I can safely say that they are very supportive with each other.”
Read: Ogie Alcasid, handa na kung magpapakasal ang anak na si Leila?
Noong September 29, 2024, inanunsiyo nina Leila at Curtismith ang kanilang engagement, makaraan ang halos limang taong pagiging magkasintahan.
Read: Ogie Alcasid's daughter Leila now engaged to BF Curtismith
