Usap-usapan ngayon online kung may namamagitan sa Kapuso actress na si Barbie Forteza at Kapamilya actor na si Jameson Blake.
Ito'y matapos kumalat ang mga litrato nilang magka-holding hands habang may fans na nagpapa-picture sa kanila.

Base sa pagsisiyasat ng netizens, kuha ang mga litrato sa Cabalen Half Marathon na ginanap sa Clark Parade Grounds sa Pampanga, nitong Linggo, June 29, 2025.
Parehas na participants sina Barbie at Jameson sa nasabing fun run.
NETIZENS REACTION
Dahil sa viral pictures ng dalawa, hindi mapigilang magtanong ng netizens kung ano nga ba ang tunay na relasyon ng dalawa.
Post ng isang netizen sa Facebook, "Barbie at Jameson holding hands sa isang fun run, sila na nga ba?"
Saad pa ng isa, "Barbie Forteza and Jameson Blake? Bagay na bagay naman din eh may pa holding hands pa."
Dagdag pa ng isa, "Hala nakikita niyo ba nakikita ko? Ayoko na lang mag-talk. Kung saan masaya ah."
BARBIE-JAMESON SPOTTED TOGETHER
Hindi ito ang unang beses na makita ang pagiging malapit sa isa't isa nina Barbie at Jameson.
Noong May 11, agaw-eksena rin ang candid moments nila sa fun run na inorganisa ng kapwa Kapuso star ni Barbie na si Alden Richards.
Marami mang lumahok na Kapamilya at Kapuso celebrities, ang tambalan nina Barbie at Jameson ang mas pinag-ukulan ng pansin ng nakararaming netizens.
Co-stars sila sa upcoming Netflix movie na Kontrabida Academy.
Sa Instagram Story noon ni Barbie, ipinakita niya ang selfie nila ni Jameson matapos ang fun run.
"Soooo proud of you @jmsnblake first run 16K agad! Super appreciate you for running with me," caption ng Kapuso actress.
Maliban dito, may mga kumalat din sa social media na videos nilang dalawa.
Isa rito ay iyong nagwa-warm up si Barbie at nasa isang tabi si Jameson na naghihintay sa dalaga.

Pagkatapos ay inabot ni Jameson kay Barbie ang pinahawak nitong mga gamit.
Nagpasalamat naman si Barbie sabay umakbay sila sa isa't isa habang naglalakad.

May isang eksena rin na si Jameson naman ang kumuha ng selfie nila ni Barbie.
Read: Netizens react to Barbie Forteza-Jameson Blake viral videos
Kinakiligan ito ng netizens na nagsabing "bagay" sina Barbie at Jameson at hindi imposibleng magkagustuhan, dahil parehas naman daw na single ang dalawa.
Si Barbie ay halos anim na buwan nang single makaraan niyang isapubliko noong January 2 ang hiwalayan nila ng longtime boyfriend na si Jak Roberto.
Read:
- JakBie relationship timeline: how they met, milestones, and more
- Barbie Forteza ready to face ex Jak Roberto if they cross paths
Habang si Jameson naman ay matagal na ring walang napapabalitang karelasyon, matapos niyang ma-link kay Elisse Joson na ngayo'y partner na ni McCoy de Leon.
Read: Did Elisse Joson "friend zone" Jameson Blake?
IS BARBIE READY TO FALL IN LOVE AGAIN?
Samantala, sa panayam ng PEP Troika kay Barbie noong June 21, sinabi nitong wala pa siyang manliligaw sa ngayon, matapos siyang tanungin kung handa na ba siyang muling mag-entertain ng bagong mamahalin.
“Honestly, wala po talaga. Totoo po yun, walang echos yun. Walang nanliligaw,” diin ni Barbie.
Sinundan ito ng tanong kung bukas na ba siya sa panibagong relasyon sakaling meron nang magpursiging manligaw sa kanya.
Aniya: “I am still enjoying my time. But, I am open to meet people.
"Kasi ano naman, e, ang saya kaya. Ang saya pala maging ano, maging outgoing, di ba?
"To be more out there, ang sarap tumakbo sa labas.”
Ang tinutukoy ni Barbie ay ang pagiging aktibo niya sa mga fun run.
Read: Barbie Forteza, hindi pa tumatanggap ng bagong manliligaw
