PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JakBie relationship timeline: from how they met to their breakup

Barbie ends relationship with Jak after more than seven years.
Text: Nica Jose Additional text: Rachelle Siazon
Published Aug 13, 2023
Jak Roberto and Barbie Forteza in Bohol
On the second day of January 2025, Barbie Forteza announces split with boyfriend Jak Roberto after 7 years and 7 months of being in a relationship.
PHOTO/S: @jakroberto / @barbaraforteza on Instagram

Nauwi sa hiwalayan ang mahigit pitong taong relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Ngayong ikalawang araw ng Enero 2025, inanunsiyo ni Barbie ang pagtatapos ng kanilang pag-iibigan.

Bahagi ng malamang Instagram post ni Barbie: "Beautiful goodbye, @jakroberto

"Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself.

"May you find the love you deserve."

Inakalang matibay ang relasyon ng dalawa sa kabila ng blooming love team ni Barbie sa Kapuso actor na si David Licauco.

Read: Jak Roberto rides on 'anti-selos class' memes; Barbie Forteza reacts

Nagsimula ang unexpected love team nina Barbie at David sa top-rating GMA-7 historical fantasy series na Maria Clara at Ibarra, na umere mula October 2022 hanggang February 2023.

Dito nakilala ang tambalan nilang BarDa.

Read: Maria Clara at Ibarra: Anatomy of a history serye

Maraming saludo kay Jak dahil patuloy lang siyang chill at dedma sa mga intriga kahit ilang beses nang napabalita na on the rocks ang relasyon nila ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-viral pa ang reaksiyon ng netizens na gustong malaman ang sikreto sa "anti-selos" na disposisyon ni Jak.

Sumawsaw din si Jak sa anti-selos meme, na kinagiliwan ng masugid na tagasubaybay nila ni Barbie.

Tila nagsimulang mag-circulate ang “anti-selos” memes nang magkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng eksklusibong panayam kay Jak sa GMA Gala noong July 22, 2023.

Dito sinabi ni Jak na kailanman ay hindi niya pinagselosan si David Licauco, "Walang selos, go lang! Professional lang tayo, trabaho lang."

Pagkatapos ng GMA Gala, namataan pang magka-holding hands ang couple sa lobby ng hotel.

Paano nga ba nagsimula ang relasyon nina Barbie at Jak? Ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan?

Knowing more about JakBie: relationship timeline

How they met

Taong 2017 noong una silang magkasama sa romcom TV series na Meant to Be (2017). Isa si Jak sa mga naging ka-tandem ni Barbie sa show. Bumida si Barbie bilang Billie Bendiola, habang si Jak ay gumanap na Andoy dela Cruz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sina Addy Raj, Ivan Dorschner, at Ken Chan ang iba pang nakatambal ni Barbie rito.

After Meant to Be concluded, nagkaroon sila ng formal pair-up sa Kara Mia (2019). Dito na sila kinilala bilang JakBie.

Rumored romance

Hindi pa man natatapos ang Meant to Be, may usap-usapan na tungkol sa pagkakamabutihan ng dalawa.

July 30, 2017, nag-celebrate si Barbie ng kanyang birthday one day in advance sa Sunday PinaSaya.

Nag-guest rin si Jak sa episode na ito ng variety show kung saan naging tampulan ng tuksuhan si Barbie sa pangunguna ni Jose Manalo at kinatigan naman nina Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, at Marian Rivera.

Sabi ni Marian sa aktres, “Sa lahat ng achievement mo, alam namin na may inspirasyon ka talaga!”

Panunukso naman ni Jose, “May syota na!”

Tinanong ni Alden kung ano ang birthday wish ni Barbie. Pahiwatig ito na tungkol sa kanyang love life ang tanong.

Sagot naman ni Barbie, “Sana ano, tumagal! Ay, tumagal! Hahaha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong actual 20th birthday ni Barbie on July 31, 2017, nag-post siya sa kanyang Instagram account na naghahapunan.

Kasama sa post ang isang larawan ng mga kamay na magka-holding hands.

During this time, hindi pa confirmed kung sino ang mystery guy. May caption ang post na “Mas happy pa sa happy 20th!”

What fueled the speculation was Jak’s Instagram post on the same day in the same location.

Kalakip pa ng post ang larawan ni Barbie with the caption “Happy birthday @barbaraforteza”

Barbie Forteza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Confirmed romance

Pinaugong muli ni Barbie ang Instagram noong August 21, 2017 dahil sa kanyang birthday-related post habang naka-stay sa America.

Sa naturang post, makikita ang larawan ng dalagang magpapalipad ng isang candle balloon sa Shine Festival na ginanap sa Renssalaer, Indiana, USA.

Isa sa mga pamahiin na maiuugnay sa candle balloons ang paniniwalang kapag sinulat mo ang kahilingan mo rito, matutupad ito.

Isinulat ni Barbie ang wish na “Monay at Pandesal sana magtagal (three heart emojis)”

“Monay” ang tawag ni Barbie sa sarili dahil sa bilugan niyang mukha.

“Pandesal” naman ang bansag kay Jak dahil sa kanyang abs.

Kagaya ng bagong lutong monay at pandesal, mainit ang naging pagtanggap ng mga netizens sa rebelasyong ito.

Kalaunan, inamin na Barbie at Jak na opisyal na naging magkasintahan sila noong May 19, 2018, o isang buwan bago natapos sa ere ang Meant To Be.

Paborito nilang bonding ang kape at ramen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinagiliwan ng kanilang fans ang smooth-sailing relationship nila, ang pagiging malapit nila sa kani-kanilang pamilya, pati na rin collabs nila na pranks sa vlogs.

Agreement before getting married

Sa panayam ng PEP kay Barbie via email interview noong March 8, 2021, natanong ang dalaga kung may usapan na ba sila ni Jak tungkol sa pagpapakasal.

"Well, nothing’s final, but we speak about it from time to time," sagot ng aktres.

Dugtong pa niya, “We both agreed that we would save and prepare for it financially first before we really start planning.”

Seafood for 4th anniversary, “The One”

May 19, 2021, nang ipinagdiwang ng magsing-irog ang ika-apat na taon ng kanilang pagmamahalan.

Dahil kasagsagan pa ito ng pandemic, nagpalitan ng regalong seafood ang dalawa at sabay na kumain via video chat.

So masasabing nag-virtual date ang dalawa para sa kanilang fourth anniversary.

Sa araw na ito, nag-post din ang Pambansang Abs ng litrato sa Instagram;

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption niya: “Too many to mention mahal ko. Pero lahat ng trip natin pareho, kaya siguro umabot din tayo ng apat na taon, at hanggang ngayon wala akong masabi kundi ikaw ang THE ONE, salamat sa lahat ng binibigay mo saking suporta, mapatrabaho man yan o kung ano mang mga plano ko satin! Mahal na mahal po kita Madam! Happy 4th Anniversary!”

Sa panayam ng PEP kay Barbie, tinanong ang dalaga kung ano ang masasabi niya sa post ng nobyo.

Mabilis niyang tugon, “Sobrang na-touch ako. Kasi kami ni Jak, sobrang lagi kaming nagbibiruan lang naman. Palagi kaming naglolokohan lang, ganyan.

“Pero for him to really claim na ako iyong the one and to even post that in social media, na talagang proud to be my boyfriend, sobrang nakaka-touch.”

Bohol trip for 5th anniversary

They spent their time sa Bohol noong fifth anniversary nila.

Sa panayam ni Jak sa PEP noong May 2022, binansagan ng binata ang nobya bilang “Madam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kami naman ni Madam, five years na. So tingin ko, yung similarity namin parehas kaming mapagmahal. Saka parehas kaming mabait,” paglalarawan ni Jak na pagkukumpara nila as a couple with Johann Gonzales Chua at Geona Kristine Gregorio.

Sa isang Magpakailanman episode, ginampanan ni Jak ang karakter ni Johann.

Ano naman ang masasabi ni Jak sa kanyang kasintahan?

“Sa bawat project na ginagampanan ko, lagi siyang nakasuporta. At saka chini-cheer up niya ako palagi kapagka may doubt ako sa sarili ko, ganun.

“And tulungan din kami na mag-grow. So kung kailangan niya rin ng help ko, tinutulungan ko rin siya, ganun rin siya sa akin. So tulungan lang.”

They shared their pictures on Instagram with Barbie in a two-piece printed bikini while Jak showed off his abs. The photos were shot at The Bellevue Resort in Panglao, Bohol.

Going solo on GMA Gala 2023

Ginanap ang GMA Gala Night 2023 sa Marriott Hotel, Pasay City noong July 22, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Days before this event, binanggit ni Barbie na hindi pa siya sure kung makakarating siya noong tanungin ng mga netizens kung sino ang ka-date niya sa gabing iyon.

Some fans were speculating it was either her reel-to-real boyfriend,or David Licauco, her love interest noon sa nagtapos na show, Maria Clara at Ibarra.

Barbie, Jak, and David ended up going solo sa event. (Photo below shows the three of them at the event with Joshua Garcia)

Barbie Forteza reacts to interviews of Jak Roberto, David Licauco, Joshua Garcia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Breakup rumors

Hindi naman nakaiwas sa mangilan-ngilang breakup rumors ang dalawa. Sa kabila ng mga controversies na umiikot sa relasyon ng dalawa, thankful si Barbie na hindi seloso ang kanyang kasintahan.

“Actually, bigla akong napaisip kasi oo nga, I never needed to assure him. Parang ever since, malaki naman talaga ang tiwala sa akin ni Jak pagdating sa mga ganyang bagay.

“Hindi ko kinailangan na parang patunayan na pagkatiwalaan mo ako. He just understands everything.

“Very patient… naiintindihan kasi ni Jak yung trabaho kasi ganito rin ang trabaho niya, so I’m just lucky to have him,” ang naging tugon ng aktres sa panayam sa kanya ng Cabinet Files noong January 26, 2023.

Nag-repost si Barbie ng fake news sa Twitter noong July 29, 2021 at binilugan pa ang mga detalyeng nagsasaad ng engagement sa post na fake news.

“125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting... To whoever made this, you’re welcome,” ang simple ngunit makahulugang caption ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patungkol ang fake news diumano’y nag-break na ang dalawa after their four-year relationship.

Muli na namang naging laman ng balita ang dalawa dahil sa umiikot na rumors na break “na naman” sila.

This time, it was Jak who disproved the fake news on October 24, 2021 sa kanyang panayam with PEP.

Aniya, “Kahit saan siguro ko mag-guest, kahit dumaan lang ako, naku, napaka-supportive po ni Barbs, ng mahal ko na iyan.

“Talagang siya mismo ang nagpu-post, siya mismo ang nagku-congratulate sa akin. Lahat ng ginawa kong project simula nung maging kami, sobrang supportive niya and even ako, nagda-doubt na talaga ko minsan kung hindi ba siya nagseselos.”

“Minsan tinatanong ko siya, ‘Okay lang ba sa iyo? Puwede ko namang i-avoid. Puwede ko namang hindi pirmahan yung waiver ng mga kissing scenes.'

“So, alam mo yun? Trabaho lang, at yun ang isa sa magandang bagay na parehas kaming artista, naiintindihan namin ang trabaho namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And even siya rin naman, tinanong niya ako sa vlog niya na it’s about time na magpakita... sabi ko, ‘Ikaw, actress ka naman. Best actress ka naman, e.

“Do what you want,” pagkukuwento ni Jak.

Sa kabila ng mga intriga about their relationship, nabanggit ni Jak na walang selosang nagaganap.

“Wala, wala naman,” sabi ng aktor.

“Minsan for fun, ginagawa na lang naming katatawanan,” dagdag pa niya.

September 22, 2022, noong magkaroon na naman ng isang chismis na hiwalay “na naman” sila Barbie at Jak.

Kasagsagan ito ng series na Maria Clara at Ibarra, kung saan ka-tandem ng aktres si David Licauco.

“Break na kami?" natatawang pahayag ni Barbiie sa panayam niya with PEP.

"Diyos ko, tatawagan ko! Hindi kasi namin alam! I-inform ko siya para alam niya.

“Last time I checked, wala namang nababanggit sa akin si Jak.

"Magkasama kami kanina, hinatid namin ang kapatid ko at yung pamangkin ko pabalik ng Amerika, hinatid namin sila sa airport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Very hands-on ninong siya sa pamangkin. Very touching for me, kasi naunang umuwi yung kapatid ko from the US bago ako nakapag-leave sa trabaho.

“So, habang wala ako, siya talaga yung naging hands-on. Siya talaga yung nag-asikaso sa kapatid ko, sa buong family ko while I’m gone.

“Lagi siya nagpupunta sa bahay to check on my parents, yung mga tsikiting naming mga aso sa bahay, yun.

“Nagulat naman ako. Break na naman kami?!? Nag-break na kami dati, a.”

Jak Roberto “anti-silos” academy

Dahil sa tila unbothered na take ni Jak sa hiwalayan and other rumors na patungkol sa kanilang dalawa, nag-circulate ang "anti-silos" memes about Jak noong August 10, 2023.

Pabirong napabalita na nga ang binata na may paaralan siyang known as JRU (Jak Roberto University) kung saan may course na BS Anti-Silos.

Nag-upload pa ng video ang aktor kung saan umaarte siya bilang isang gurong nagbibigay ng payo tungkol sa love problems ng kanyang mga "estudyante."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilang netizens pang sumali sa katuwaan at ginawan pa si Jak ng mock promotional posters para sa enrollment. May iba naman who took it to the next level at bumuo pa ng Google Form para sa interesadong "mag-enrol" sa naturang unibersidad.

Hindi naman nagpahuli ang kasintahan niyang si Barbie sa pakiki-ride at pagbibigay ng reaksiyon sa katatawanang ito.

Jak Roberto rides on the 'Anti-selos class'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RUMORED BREAKUP AGAIN

Pagsapit ng taong 2024, may mga pagkakataong nababalitang nagkakalabuan sina Barbie at Jak.

May nagsasabi pa na pilit na lang umanong sinasalba ng couple ang kanilang relasyon, kahit matagal na umanong may problema.

Bandang June 2024, natanong ang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez tungkol sa isyung hiwalay na ang aktor at si Barbie.

Diin noon ni Sanya, "Hindi totoo kasi masaya sila."

"Ang nakakatuwa pa, parehas silang naggu-grow at nagsusuportahan sila sa isa't isa."

Co-stars sina Sanya at Barbie sa Kapuso prime-time series na Pulang Araw, kunsaan kasama rin si David.

BARBIE ON RELATIONSHIP WITH JAK

Ratsada si Barbie sa showbiz career dahil taong 2024 din nang pagtambalan nila ni David ang una nilang pelikula na That Kind of Love.

Ganunpaman, bukas si Barbie sa relasyon nila ni Jak.

Sa guest appearance nina Barbie at David sa PEP Live noong July 2024, sinabi ni Barbie na hindi na siya naghahanap ng bagong pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "I am not looking anymore. I just want what I have now to last."

Sinabi rin ni Barbie sa panayam na iyon na hindi applicable sa kanya ang kasabihang "Love is blind."

Siya raw kasi iyong tipong bukas ang mata at aminado sa kung anuman ang kahinaan ng partner, pero pinipiling mahalin ito.

LAST HAPPY MOMENTS TOGETHER

Pinatunayan pa nina Barbie at Jak na going strong sila dahil noong November 19, 2024 ay nagdiwang pa sila ng kanilang monthsary.

Ibinahagi ni Jak ang litrato ni Barbie habang may hawak na kape ang huli.

Mensahe ni Jak: "Happy monthsary mahal ko!"

Sagot ni Barbie, "i love you."

At noong December 2, 2024, magkasama rin silang nag-celebrate ng 31st birthday ni Jak.

Si Barbie ang nag-post ng pictures nila kalakip ng sweet message para sa nobyo.

"Happy birthday, mahal ko @jakroberto [heart emoji]

"I am so proud of all your accomplishments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I remember we’d always talk about your dreams of having your own house and managing your own business. Ngayon, unti unti mong tinutupad ang mga pangarap mong yon and I am so happy to have witnessed it myself.

"Today, we celebrate you. Cheers, mahal. I love you."

Bago mag-mid December, magkasama ring dumalo sina Barbie at Jak sa Christmas party ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7.

Hanggang sa nito ngang January 2, 2024, ibinalita ni Barbie na wala na sila ni Jak.

Jak Roberto celebrated monthsary with Barbie Forteza on November 19, 2024.
Jak and Barbie's monthsary celebration in November 2024
Photo/s: @jakroberto Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On the second day of January 2025, Barbie Forteza announces split with boyfriend Jak Roberto after 7 years and 7 months of being in a relationship.
PHOTO/S: @jakroberto / @barbaraforteza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results