Aminado si Dustin Yu na may pagkakataong nagselos siya kay Will Ashley sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house.
Ito'y dahil sa pagiging bukas ni Will na sabihing may nakaraan sila ng ka-duo at ka-loveteam ni Dustin na si Bianca de Vera at nais pa nitong mas kilalanin ang Kapamilya actress.
Sina Dustin, Will, at Bianca ay housemates sa PBB: Celebrity Collab Edition.
Read: PBB Celebrity Collab: BreKa completes Big 4; DusBi evicted
Evicted na sina Dustin at Bianca.
Si Will naman ay nananatiling nasa loob ng Bahay Ni Kuya dahil pasok sila ng ka-duo niyang si Ralph de Leon sa Big 4.
Read: RaWi claims second spot in Big 4 of PBB Celebrity Collab
Sa panayam ng DusBi (portmanteau o pinagsamang pangalan nina Dustin at Bianca) sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, July 2, 2025, diretsahang tinanong ng host na si Boy Abunda si Dustin kung nagselos ba siya kay Will dahil sa pagiging malapit nito kay Bianca.

Sagot ni Dustin, "Noong hindi pa sa akin clear kung ano man yung meron sila sa past, yung medyo magulo pa, of course, nagselos ako, naguguluhan ako."
Bagamat noong una ay nakaramdam ng selos, unti-unti raw itong nawala nang magkausap sila nang masinsinan ni Will, at iparamdam ni Bianca sa kanyang wala siyang dapat ipangamba.
Pahayag ng Kapuso actor: "Noong nag-usap na kami ni Will, and nag-usap na rin kami ni Bianca na wala naman ako dapat pagselosan or intindihin or isipin or i-worry, of course, hindi ko na yun [selos] pinairal, naintindihan ko na yun."
BIANCA AND WILL'S PAST
Sa episode ng PBB: Celebrity Collab Edition noong April 9, lakas-loob hinarap at ipinagtapat ni Will kay Bianca ang kanyang nararamdaman at panghihinayang sa naudlot nilang pagkakaibigan ng Kapamilya actress, dalawang taon na ang nakakaraan.
Taong 2023 nang nakilala nina Bianca at Will ang isa't isa nang magtambal sila sa unang collab drama series ng ABS-CBN at GMA-7, ang Unbreak My Heart.
Makalipas ang dalawang taon, nagtagpo muli ang kanilang landas nang kapwa sila maging housemates sa PBB Celebrity Collab Edition.
Habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya, napag-usapan nina Will at Bianca ang pagiging close nila noon, ngunit hindi napunta sa puntong nagkaaminan sa tunay nilang nararamdaman.

Read: AC Bonifacio addresses "backstabber, manipulative" labels
Matapos daw kasi ang taping at pag-ere ng Unbreak My Heart ay unti-unti ring nanlamig at nawala ang komunikasyon at pagiging malapit nina Bianca at Will, dulot na rin ng magkaiba nilang network at magkahiwalay na projects.
Dito rin nanggaling ang tawagan nilang "taping friends" sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Read: Kapuso Ashley and Kapamilya Bianca Love Team?
Bianca and Dustin's relationship inside the PBB house
Kung sa PBB house nangyari ang reunion nina Bianca at Will, dito rin nabuo at nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Bianca at Dustin.
Nakabuo ng loveteam sina Bianca at Dustin sa loob ng Bahay Ni Kuya dahil sa pagiging bukas nilang sabihing gusto nila ang isa't isa.
Hanggang sa makalabas sa outside world, nananatili ang samahan ng dalawa na lalong kinakiligan ng kanilang mga tagahanga.
Read: Dustin Yu, may nakaabang nang projects paglabas sa PBB
Other netizens express support for a Bianca and Will pairing
Samantala, kung maraming solidong fans sina Bianca at Dustin, mayroon ding umaasang mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang tambalan nina Bianca at Will sa outside world.
Sa guesting nina Bianca at Dustin sa Unang Hirit nitong July 2, nabanggit ng mga host ng programa kay Bianca ang pagsi-ship sa kanya at kay Will.
Tinanong sa kanya kung kumusta ba ang relasyon nila ni Will noong siya ay nasa loob pa ng PBB house.
Saad ni Bianca: "Okay rin naman po. We started off by wanting to reconnect.
"Ngayon, I'm glad to say na mas naging deeper na rin ang connection namin.
"I mean, araw-araw kasi kami lahat ng housemates nagkikita, so ayun."
Ayon pa kay Bianca, proud sila ni Dustin kung nasaan man ngayon si Will dahil sa dedikasyon nitong maabot ang pangarap na mapasama sa Big 4.
Manalo man o matalo, isa raw ang sinisiguro ni Bianca — mananatili silang magkaibigan ni Will.
Sabi niya: "Kami po [ni Dustin], we're very, very proud of him. Pangarap po niya itong mapasama sa Big 4.
"We're rooting for him and all of them na nandoon sa Bahay Ni Kuya.
"And, yeah, we're still friends."
