PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Ashley reflects on his PBB Celebrity Collab journey

Will Ashley admits his PBB journey was challenging.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 7, 2025
Will Ashley reflects on his PBB journey
Will Ashley on his PBB journey: "My journey inside the house was rough. I went through a lot of ups and downs. But thank God. I managed to get through everything."
PHOTO/S: Sparkle GMA Artist Center on Instagram

Punung-puno ng pasasalamat ang Kapuso actor na si Will Ashley sa lahat ng taong sumuporta at naging bahagi ng kanyang Pinoy Big Brother (PBB) journey.

Si Will at ang ka-duo niyang si Ralph de Leon — o mas kilala sa kanilang duo name na RaWi — ang hinirang na Second Big Placer sa katatapos lamang na PBB: Celebrity Collab Edition.

Will Ashley reflects on his PBB journey reflects on his PBB journey
"Ang Dutiful Judo-Son ng Cavite" Ralph de Leon (left) and "Ang Mama’s Dreambae ng Cavite" Will Ashley (right), collectively known as RaWi, finish PBB Celebrity Collab Edition as Second Big Placer Duo.
Photo/s: Sparkle GMA Artist Center on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB Celebrity Collab Edition

Isang araw matapos ang Big Night noong Sabado, July 5, 2025, nag-post si Will sa kanyang Instagram account para isa-isahing pasalamatan ang mga taong tumulong at sumuporta sa kanya.

Kalakip nito ang mga natutunan niyang aral sa pagpasok niya sa Bahay Ni Kuya na tumagal ng 119 days.

Read: PBB: Celebrity Collab Big Night highlights

Ayon kay Will, hindi naging madali ang pakikipagsapalaran niya sa PBB house, ngunit sa tulong ng kanyang co-housemates ay matagumpay niya itong nalampasan.

Mababasa sa kanyang caption (published as is): "Lumaban at Kinaya, Hey Outside World! Maraming maraming salamat po!

"My journey inside the house was rough. I went through a lot of ups and downs. But thank God. I managed to get through everything.

"Sobrang pasasalamat sa mga HOUSEMATES na nakasama ko sa loob ng bahay na talagang minahal at sinuportahan ako. I’m grateful for yall!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dustin Yu admits he was jealous of Will Ashley

Will ASHLEY shows appreciation to his supporters

Bukod sa co-housemates niya, malaki rin ang pasasalamat ni Will sa kanyang fans.

Hindi raw niya sukat-akalaing aabot hanggang sa Big Night ang kanyang PBB journey.

Pahayag niya: "Maraming salamat po sa walang sawang pag mamahal at suportang ibinigay niyo sa akin. Hindi ko man po kayo nakita sa loob ng 4 na buwan, naramdaman ko po ng sobra yung pag-mamahal ninyo.

"Maraming salamat po sa pag laban niyo sa akin. Never kong na expect na makakaabot ako sa ganitong punto ng aking PBB JOURNEY.

"Napakalaking parte ninyo sa aking journey. Kayo ang dahilan bakit nilaban ko ang hamon na ito.

"Sobra-sobrang pasasalamat, now na andito na po ako sa outside world. Sama-sama tayong lumaban sa mga magiging hamon sa labas ng BNK.

"Maraming salamat din po sa pag mamahal niyo sa amin ni @ralph_dl , Ang laban na pong ito ay para sa inyo. Sobrang out of words pa din ako. But isa lang ang masasabi ko. Mahal na mahal na mahal ko kayong lahat. With all my heart."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: RaWi claims second spot in Big 4 of PBB Celebrity Collab

WILL EXPRESSES GRATITUDE TO GMA-7 AND ABS-CBN

Hindi rin nakaligtaang pasalamatan at bigyang-pugay ni Will ang mga boss ng ABS-CBN at Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA-7, na nagtiwala at nagbigay sa kanya ng oportunidad na maging official housemate ng PBB: Celebrity Collab Edition.

Saad ng 22-year-old actor: "To my GMA family @tracymgarcia, @annettegonzonvaldes, @joymarcelo1115, @tenorexplorer. Maraming salamat po sa tiwala, pag mamahal at oportunidad na ibinigay ninyo sa akin.

"To ABS-CBN FAM! Maraming salamat po sa panibagong opportunity na ito."

Pinasalamatan din ni Will si Big Brother pati na ang mga tao sa likod at harap ng kamera sa edisyon ngayon ng PBB.

Mensahe niya: "To PBB Team! I labyu ol! Maraming salamat po sa alaga.

"To my favorite human being, KUYA. I LOVE U SO MUCH. SALAMAT PO SA MAGAGANDANG MEMORIES. Salamat po sa pag-aalaga at pag-guide sa loob ng apat na buwan. Sobrang grateful po ako sa inyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, sinabi ni Will na dadalhin niya sa pagharap sa hamon ng buhay ang mga aral na natutunan niya sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Sabi niya, "Umpisa palang po ito, lalaban tayo."

Samantala, bilang patunay ng kasikatang tinatamasa ngayon ni Will paglabas niya ng Bahay Ni Kuya ay umabot na sa 1 million ang followers niya sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ashley on his PBB journey: "My journey inside the house was rough. I went through a lot of ups and downs. But thank God. I managed to get through everything."
PHOTO/S: Sparkle GMA Artist Center on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results