Pinuna ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang testimonya ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya kaugnay pa rin sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Sina Curlee at Sarah ang nagmamay-ari ng Alpha & Omega Gen. Contractor & Dev’t Corporation at St. Timothy Construction Corporation.
Kabilang ang dalawang kompanya sa listahan ng mga pinangalanan ni President Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng malaking porsyento sa flood control projects sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa ikalawang araw ng pagharap ng mga Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry nitong Lunes, September 8, 2025, isa-isa nilang pinangalanan ang government officials, na karamihan ay mga congressmen, na humingi at binigyan diumano nila ng porsyento sa mga nakuha nilang flood control projects mula sa DPWH.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
Kasunod ito ng paghingi nila ng tulong para sa proteksiyon ng kanilang pamilya, kalakip ang pangakong handa silang tumestigo at maging state witness para ibunyag ang kanilang nalalaman sa malawakang katiwalian sa pamahalaan.

Bagay na kinuwestiyon ni Mayor Vico.
Naniniwala ang alkalde ng Pasig na nagsisinungaling ang mga Discaya nang sabihin nila sa Senado na biktima lamang sila ng talamak na kalakaran ng korapsyon sa pagkuha ng mga proyekto sa DPWH.
Read: Maine Mendoza stands by Arjo Atayde amid Discaya allegation
Bahagi ng sworn statement na binasa ng mag-asawang Discaya: "Hindi namin ginusto kailanman na mapasama sa ganitong sistema, pero kailangan naming magpatuloy para sa pamilya at mga empleyado.
"Dahil naiipit na ang aming negosyo, lumulubog na kami sa lumalaking utang ng kumpanya, at peligro sa buhay ng aking pamilya, napilitan kaming makisama sa kalakaran kahit labag sa aming kalooban.
"Paulit-ulit kaming ginamit ng mga nasa puwesto sa sistemang ito. Wala kaming nagawa dahil kung hindi kami makikisama, gagawan nila ng problema ang project na na-award sa amin…"
Read: Zaldy Co, Martin Romualdez deny kickback claims by the Discayas
Obserbasyon dito ni Vico, bagamat totoong may mga tiwaling kongresista, opisyal ng DPWH, at kontratista, halata umanong nagprisinta ang mag-asawa na maging state witness para hindi makasuhan at makulong.
Post ng alkalde sa kanyang Facebook account (published as is): "Obviously there are congressmen, DPWH officials, and contractors who are guilty. But the Spouses Discaya are clearly angling to become STATE WITNESS.
"Para di sila makulong. We know they are capable of lying (just go back to their campaign period videos and posts)."
Read: Mayor Vico Sotto nag-react sa pagharap ni Sarah Discaya sa Senado
MAYOR VICO hits DiscayaS' "inconsistencies, paawa effect"
Nakitaan din ni Vico ng "inconsistencies" ang naging pahayag ng mag-asawa tungkol sa nakukuha nilang porsyento kada proyekto na ibinibigay sa kanila ng DPWH.
Ayon kay Curlee, around two to three percent — or up to five percent lamang mula sa contract cost — ang napupunta sa kanila sa dami ng binabayaran nilang mambabatas at opisyal ng DPWH.
Ani Vico (published as is): "Today in the Senate hearing, I noticed many inconsistencies in their statement. Yung pinaka obvious na lang munang halimbawa ng kasinungalingan.
"Sabi ni Mistermind Curlee "2-3% lang" ng contract cost ang kita nila kada project.. "swerte na" daw kung 5%. Sa ibang project lugi pa daw sila (wow).
"Taliwas ito sa statement nila sa isang interview, kung saan sinabi nilang bilyonaryo sila at nasa "11 digits" na daw ang pera nila. Meaning AT LEAST PHP10 BILLION...
"Dahil PAANO KA MAGIGING BILYONARYO NA GANUN SA 2-3% PROFIT.
"Presidente na mismo ang nakakita sa ghost project nila. Sinong gagawa ng ganun kalaking krimen para sa 2-3% na kita?"
Read: Vico Sotto, nag-react sa pagkawala ng luxury cars ng mga Discaya
Sa huli, pinaalalahanan ni Vico ang publiko na huwag papadala sa aniya'y "paawa effect" ng mag-asawang Discaya at iba pang tiwali sa gobyerno na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Saad niya: "Wag tayong magpauto sa mga paawa effect nila... Wala daw silang magawa??
"The challenge is now how to sift through the half-truths and attempts to mislead us, not only of the spouses Discaya but of everyone involved.
"May we be vigilant and discerning."
MAYOR VICO'S FACEBOOK THAT STARTED IT ALL
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na malaki ang kinalaman at kontribusyon ni Mayor Vico sa pagkakabulgar ng mga kuwestiyonableng transaksiyon ng mga construction company ng mga Discaya sa DPWH.
Read: Vico Sotto: Contractors’ kin’s display of wealth not inspiring
Nagsimula ito sa kanyang social media post tungkol sa magkahiwalay na panayam nina Julius Babao at Korina Sanchez kina Sarah at Curlee na ipinagmamalaki ang kanilang mga iniingatang kayamanan at luxury cars.
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews
Nakalaban ni Vico si Sarah sa mayoralty race sa Pasig City noong May 2025 elections, kunsaan siya ang nanalo.
