Inulan ng papuri ang social media influencer at actress na si Mariel Pamintuan dahil sa ginawa niyang parody song na may pamagat na "Crocs' Den."
Hango sa kantang "Golden" ng Huntrix, tinatalakay sa kanta ang kasalukuyang isyu ng Pilipinas — ang maanomalyang flood control projects na kiansasangkutan ng contractors, congressmen, at DPWH officials.
Read: Malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon, nagsisimula na
Noong September 10, 2025, in-upload ni Mariel sa kanyang social media account ang nasabing parody song.
Mula sa lyrics at music video ay ipinakita ni Mariel kung gaano kaganid ang mga korap na opisyales ng gobyerno sa pagkamkam sa kaban ng bayan.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
Bukod pa rito ang "nepo babies" na panay-panay ang pagbalandra online ng kanilang lavish lifestyle, na pinapaniwalaang galing sa nakaw ng kanilang mga magulang.
Read: Bretman Rock calls out nepo babies with "ugly fashion choices"
Narito ang lyrics ng "Crocs' Den":
Project na-ghost na flood control, sa papel niya lang ginawa
Billion-billion nakurakot oh, nasaan na napunta baby
Kinubra ng mga crocodile, kaya baha sa aming place
Ginastos ng mga nepo child mga tax kami nagpe-pay
Mga putragis
Rolls-royce phantom na may payong, may wine glass din ito
Basketball court sa may kuwarto at room vault
We're going up up up mga corrupt-rup, panalo matic sa bidding
Basta may hati si bossing oh, up up up din ang baha
Buti pa sa ibang country, hindi tulad dito daming ganid oh
No more hiding now sa hearing, buking ka na, tange
Nag overtime, paycheck to paycheck for nepo baby
Daming questions tapos ending no kulong sa jail
Oh di papayag walang justice, Pinoys, make a stand
We're going up up up kung walang corrupt
Alisin peste sa country, maging wais tayo sa voting oh
Up up up ang kapal mukha
House tour from nakaw ni Mommy, unlimited ATM Daddy oh
Daming may kleptospirosis, get well soon bading
Oh ekis na sa magnanakaw, 2028
Oh gonna be gonna be Alden, gonna be gonna be
Gonna be gonna be Alden, gonna be gonna be
Daming may kleptospirosis, get well soon bading."
Read: Alden Richards' "kuracaught" post sparks online buzz
NETIZENS PRAISE MARIEL
Dahil sa napapanahong tema ng parody song ni Mariel ay maraming netizens ang natuwa at humanga sa kanya.

Saad ng isang netizen (published as is), "This is what we call an INFLUENCER Folks."
Pahayag pa ng isa (published as is), "Yung lines na 'Daming questions tapos ending, No kulong jail' really hits hard!!!
Sentimyento pa ng isa (published as is), "This is not just a parody... But a reality."
"Best content creator of the year goes to Mariel Pamintuan. Sana ganito rin kalakas ang loob ng ibang artista," komento ng isa.
Dagdag pa ng isa, "Tapang mo girl for this. Sana lahat ng influencer mag-speak din. Gamitin ang power at platform nila sa socmed for the sake of our kababayans."
Read: Vice Ganda slams corrupt government officials anew
Habang isinusulat ang artikulong ito ay kumalap na ng milyun-milyong views sa iba't ibang social media platforms ang parody song ni Mariel.
Mayroon na itong 7.1 million views sa Facebook, 1.6 million views sa TikTok, at 1,800 views sa YouTube.
Read: "Gala food reviewer” Mariel Pamintuan not invited to GMA Gala 2024
Samantala, bukod kay Mariel ay may iba pang celebrities na nagsalita, sa TV o online, para ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa nangyayaring korapsyon sa bansa.
Kabilang dito sina Vice Ganda, Alden Richards, Anne Curtis, Nadine Lustre, Bianca Gonzalez, Carla Abellana, Edu Manzano, Kaladkaren, at Elijah Canlas.
Read: Curlee Discaya claims politicians, 120 million Filipinos want them dead
