PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bretman Rock calls out nepo babies with "ugly fashion choices"

Social media abuzz over lavish lifestyle of politicians’ and contractors' kids.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 4, 2025
Bretman Rock calls out nepo babies with "ugly fashion choices"
Bretman Rock: "I would be mad too if I was funding these motherf*cking nepo babies' life and they're buying ugly things. I would be mad..."
PHOTO/S: Bretman Rock on Instagram

Hindi na rin nagpapigil ang Filipino-American content creator na si Bretman Rock na patutsadahan ang "nepo babies" na gumagamit daw ng pera ng taong-bayan para tustusan ang kanilang mga luho sa buhay.

Sa gitna ito ng usapin tungkol sa pagbabalandra ng ilang social media influencers at anak ng politiko ng kanilang lavish lifestyle online.

Read: Anne, Nadine, Bianca slam blatant corruption in government

Sa pamamagitan ng Instagram Stories nitong Miyerkules, September 3, 2025, nag-post si Bretman ng video niya habang nagsasalita ng tatlong lengguwahe—English, Tagalog, at Ilocano.

Bretman Rock Palawan trip
Bretman Rock is a proud Ilocano, born in Sanchez-Mira, Cagayan.
Photo/s: Screengrab from Instagram | @bretmanrock
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa video, hinimok niya ang kanyang followers na ikomento ng mga ito kung saang lengguwahe siya nababagay sa pagsasalita.

Ngunit imbes sagot sa tanong ni Bretman, ang kanyang nakuha ay ilang katanungan kung ano ba ang pagkakaiba ng "language" at "dialect."

Agad naman itong sinagot ni Bretman sa isang hiwalay na video.

Aniya, anuman ito ay ayaw na niyang makipagtalo lalo pa't may mas mahalaga raw dapat talakayin at pagtuunan ng pansin sa Pilipinas.

Read: Bretman Rock announces breakup with Justice Fester

Dito na pumasok ang pagbanggit ni Bretman sa "nepo babies" o mga taong nakakakuha ng oportunidad o kasikatan dahil sa mga magulang at kamag-anak nilang sikat o makapangyarihan.

Giit dito ng sikat na content creator, marami siyang nakikita online na nepo babies na maluho nga sa gamit ngunit kuwestiyonable naman ang "fashion choices."

Malaking sampal daw ito sa taong-bayang ninakawan nila kung mapupunta lang sa wala ang mga pinambibili ng mga gamit ng nepo babies na hindi naman bumabagay sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Bretman sa video: "I'm not gonna be arguing if it's a dialect or a language. It is what it is.

"I called it a language before and you all came for me calling it's a dialect... I don't care. All I know is I know how to speak both, girl.

"There are bigger fishes to motherf*cking fry, especially in the Philippines right now.

"Like these motherf*cking nepo babies using up people's money to buy and fund their lavish lifestyle and some of their questionable, ugly fashion choices.

"I saw this video the other day where I'm, like, 'Girl,' where she was like they really need to invest on a stylist before they invest on these motherf*cking fashion stuff, because I agree."

Sarkastikong sabi pa niya: "I would be mad too if I was funding these motherf*cking nepo babies' life and they're buying ugly things. I would be mad, trust."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, walang binanggit na pangalan si Bretman kung sino ang kanyang tinutukoy.

NETIZENS CALL out lavish lifestyle of KIN of CONTRACTORS, AND corrupt officials

Ilang linggo nang usap-usapan online ang tungkol sa marangyang buhay ng mga anak ng opisyal ng gobyerno at private contractors na bilyun-bilyong halaga umano ang kinukurakot sa kaban ng bayan dahil sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Kabilang sa ngayo'y binabatikos ang singer at lifestyle vlogger na si Claudine Co.

Si Claudine ay anak ni Christopher Co, co-founder ng Hi-Tone Construction and Development Corporation.

Tiyuhin naman niya si Zaldy Co, chief executive officer ng Sunwest Group of Companies.

Read: Camille Co cries foul after being tagged in "nepo baby" issue

Kabilang din ang content creator na si Jammy Cruz sa pinuputakti ngayon ng batikos.

Si Jammy ay anak ni Noel Cruz, ang general manager ng Sto. Cristo Construction and Trading Inc.

Kapwa kabilang ang mga kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya nina Claudine at Jammy sa nangungunang 15 construction companies sa listahang inilabas ni President Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha umano ng kontrata mula sa DPWH (Department of Public Works and Highways) para sa mga iba't ibang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jessica Soho, pinupuri dahil sa pagtalakay sa isyu ng flood control projects

Maging ang Enciso sisters na sina Verniece at Vern ay damay rin sa galit ng netizens.

Sina Verniece at Vern ay parehong content creator na anak ng dating Bureau of Customs director na si Verne Enciso.

Read: Tax evasion, ikakaso sa mga nagbabalandra ng lavish lifestyle

At ang content creator-actress na si Gela Alonte.

Si Gela ay anak ni Biñan, Laguna Mayor Angelo "Gel" Alonte, kapatid ni dating deputy speaker at Biñan Mayor Marlyn "Len" Alonte Naguiat.

Sina Mayor Gel at Len ay mga anak ng unang Alonte na namuno sa Biñan noong 1987—si former Biñan Mayor Bayani Alonte.

Read: Gela Alonte reposts "hating me is okay" quote amid backlash

Kinukuwestiyon ngayon ng publiko ang marangyang pamumuhay na ipinakita ng mga ito sa social media.

Read: Neil Arce defends Gela Alonte amid online hate on "nepo babies"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang na rito ang madalas nilang pagbabakasyon sa iba’t ibang bansa, pagsusuot ng designer clothes, at paggamit ng branded bags na umaabot sa milyun-milyon ang halaga.

Read: Nepo Babies, Disney Princesses puwedeng magsampa ng cyber libel

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bretman Rock: "I would be mad too if I was funding these motherf*cking nepo babies' life and they're buying ugly things. I would be mad..."
PHOTO/S: Bretman Rock on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results