Sinagot ng mag-asawang Cong TV at Viy Cortez ang netizens na kumukuyog sa kanila online, matapos nilang makiisa sa Trillion Peso March kontra korapsyon nitong Linggo, September 21, 2025, sa iba't ibang panig ng Pilipinas.
Kabilang sina Cong at Viy sa mga kilalang personalidad na nagpunta sa People Power Monument sa may EDSA, Quezon City, para magpahayag ng kanilang suporta sa panawagan ng taong-bayang wakasan na ang laganap na korapsyon sa bansa.
Read: Celebrities spotted at September 21 protests in Luneta, EDSA
Halos magkasunod na nag-post ang mag-asawang content creators sa kanila-kanilang social media accounts ng mga kuha nilang litrato sa naganap na malawakang protesta.
Caption ni Cong sa kanyang post: "Magnanakaw ka tapos gusto mo walang sisita? Hahaha G*go ka ba?"

Mababasang caption naman ni Viy: "P*TANG I*A NAKAW PA!"

Read: Celebrities make their voices heard at nationwide protest rally
NETIZENS CALL OUT CONG AND VIY
Ngunit imbes na katuwaan, katakut-takot na pamba-bash ang inabot ng mag-asawa mula sa maraming netizens.
Binalikan ng netizens ang pagsuporta ni Viy kay Camille Villar nang tumakbo itong senador at ni Cong sa Solid North partylist noong 2025 national elections.
Nasungkit ni Villar, na anak nina Manny at Cynthia Villar, ang ika-sampung puwesto sa pagkasenador.
Nakakuha naman ng one seat sa House of Representatives ang Solid North sa pangunguna ng kanilang first nominee na si Congresswoman Ching Bernos.
Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"
Noong March 11, naharap sa reklamong vote buying si Bernos nang idulog ng isang residente ng Abra sa Comelec (Commission on Elections) ang umano'y pamumudmod ng kongresista ng tumbler na may lamang pera.
Nangyari umano ang insidente sa isang event sa Abra noong February, tatlong buwan bago ang eleksyon.
Makaraang dumugin ng negatibong komento ang post nina Cong at Viy ay nilimitahan nila ang maaaring mag-comment sa Facebook.
In-off naman nila ang comments section sa Instagram.
Read: SB19 Josh Cullen curses at corrupt officials; replies to netizens
Ganunpaman, hindi nagpatinag ang netizens sa pagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa mag-asawang vlogger.
Tweet ng isang netizen sa X (published as is): "It’s good these Cong & Viy are out protesting now, but can’t ignore the irony they once endorsed the same crooks they’re calling out. Accountability should come before activism, clowns. It’s giving ‘we lit the fire, now we’re mad it’s burning.' Performative shtzzzz."
Saad ng isa (published as is): "Si Viy Cortez na for the clout na kala mo di nag endorse ng mga magnanakaw."
Sabi naman ng isa (published as is): "Wow himala Cong Velasquez and Viy Cortez sa rally!? Sana naman magising na kayo at napagsisihan nyo na ang pag endorso sa mga trapo!"
Read: Netizens ask amidst anti-corruption rally: Where’s Kathryn?
CONG DEFENDS HIMSELF AGAINST CRITICS
Dahil sa natatanggap na pambabatikos, minarapat nina Cong at Viy na magsalita para depensahan ang mga sarili.
Sa comments section ng protest post ni Cong ay inihayag niya ang saloobin sa pagsama niya sa rally.
Ayon sa YouTube vlogger, bagamat hindi sang-ayon ang iba sa sinuportahan niyang kandidato noong nagdaang eleksyon, hindi raw ito magiging rason para hindi siya magsalita ngayon sa nangyayaring korapsyon sa bansa, partikular na sa flood control projects ng pamahalaan.
Read: Angel Locsin breaks socmed silence again; supports protest action
Depensa niya (published as is): "Pag ba magkaiba ba tayo ng sinuportahan nung eleksyon wala ng karapatang magalit sa mga nangyayari sa bansa? Sabihin niyo na gusto niyong sabihin.
"Pare-pareho lang tayong ninanakawan. mas nakakahiyang manahimik kesa hindi bumoses."

Viy says speaking up matters despite backlash
Katulad ni Cong, nanindigan din si Viy na walang masama sa pagsasalita ngayon sa kabila ng pagsuporta niya noon kay Camille Villar.
Pag-amin ni Viy, bago pa sila mag-post ni Cong ay nakaramdam na sila ng takot sa maaaring sabihin ng iba.
Sa kabila nito, mas hindi raw nila kayang magsawalang-kibo na lang sa nangyayaring korapsyon sa bansa.
Kahit masakit, maluwag daw sa loob nilang tinatanggap ang galit at panlalait ng mga taong hindi matanggap ang kanilang sinuportahan.
Pahayag ni Viy: "Sa totoo lang natatakot kami mag asawa mag post dahil alam namin na mababalik lahat ng galit sa amin.
"Pero mas okay na magsalita kesa manahimik! Tatanggapin ko lahat ng panlalait mura at kung ano ano pa. Kung yun ang ikagagaan ng nararamdaman niyo.
"Basta pare parehas tayo ng gusto. matupad ang birthday wish ni Ms. Kara David!
"Hinding hindi ako mag sisisi na sa wakas nagamit ko tong fb ko ng tama! Hindi ko pagsisisihan na nasabi kong P*TANG I*A NAKAW PA!"
Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda, Cardinal David's views on death penalty
Dagdag pa niya: "Ang pananahimik ay patuloy na pagsuporta sa mga buwaya at sa korapsyon!
"Tapos sabihin nyo manahimik nalang ako. No.
"Okay lang murahin nyo ako magalit kayo. Basta ako mag dada ako dto sa fb! Habang nag aaway tayo ngayon, nandun sila nakain pa ata ng steak."

Sa isa pang hiwalay na post sa Facebook ni Viy, sinabi niyang naba-bash na siya noon kaya hindi na bago sa kanya ang pagtuligsa ng netizens.
Read: Marian, Sarah, other celebs show online support for protest
Ang pinagkaiba lang daw, alam na ni Viy ang nagawang pagkakamali noon, at unti-unti na niya itong itinatama ngayon.
Saad niya (published as is): "Nababash ako noon, At ngayon nanaman ulit.
"Tanggap ko ng buong puso dahil alam ko san ako nagkamali.
"Ang pinagkaiba lang ngayon mas malaya sa pakiramdam. Tuloy ang buhay."
Read: Ilang taga-showbiz sangkot sa anomalya sa flood control projects?
