PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim, Zsa Zsa, Melai extend help to earthquake victims in Cebu

BINI Aiah, Vina Morales, Manilyn Reyes join celebs sending prayers for quake victims.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 2, 2025
Kim Chiu, Zsa Zsa Padilla, Melai Cantiveros extend help to earthquake victims in Cebu
Kapamilya stars (L-R) Kim Chiu, Zsa Zsa Padilla, and Melai Cantiveros extend aid to earthquake victims in Cebu, offering support to affected families.
PHOTO/S: Kim Chiu/Zsa Zsa Padilla/Melai Cantiveros on Instagram

Mabilis na umaksyon sina Kim Chiu, Zsa Zsa Padilla, at Melai Cantiveros para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Cebu.

Noong September 30, 2025, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Bogo City.

Bukod sa Bogo, nakaramdaman din ng pagyanig ang mga karatig-probinsya nito gaya ng Northern Samar, Northern Leyte, Bohol, at ilang bahagi ng Bicol.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng Cebu Province, as of 7 A.M. ngayong Miyerkules, October 2, tinatayang nasa 170,000 sa Central Visayas ang apektado ng lindol.

72 na ang nasawi at nasa 300 ang sugatan.

Pagdating sa casualties, pinakamarami ang naitala sa Bogo City na epicenter ng lindol.

Inaasahan pang madadagdagan ito dahil sa aftershocks na nangyayari pa rin sa ilang bahagi ng Central Visayas.

Dahil dito, isinailalim na sa state of calamity of buong probinsya ng Cebu.

Read: Lindol sa Cebu at pagputok ng Taal Volcano, yumanig sa Pilipinas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIM CHIU buys construction materials for Cebu earthquake victims

Kaliwa't kanang tulong ang ipinapaabot ngayon sa mga lugar na napinsala ng lindol mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan at charity organizations, bukod pa rito ang mga indibidwal at grupo.

Kabilang sa mabilis na umaksyon at nagbigay ng tulong ang Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu.

Tubong Cebu si Kim kaya ganoon na lamang ang kanyang pag-aalala sa kanyang mga kababayan.

Sa X (dating Twitter), ibinahagi ng ASAP Official ng mga larawan ng aktres na personal na nag-asikaso ng mga ipamimigay niyang construction material para sa mga nawalan o nasiraan ng bahay.

"In the midst of her taping in Cebu, Kim Chiu took time to personally buy materials for those affected by the recent earthquake in Bogo City and San Remigio. Queen move, indeed!" mababasang caption sa post.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasalukuyang nasa Cebu si Kim para sa taping ng The Alibi, ang proyektong pagsasamahan nilang muli ni Paulo Avelino.

Read: Divine Lee, other celebrities mobilize relief operations in Cebu

ZSA ZSA PADILLA donates food packs for earthquake victims

Katulad ni Kim, mabilis din ang pag-aksyon ng Kapamilya singer-actress na si Zsa Zsa Padilla.

Sa Facebook post ng Cebu Province, makikita ang mga larawan ni Zsa Zsa na personal na nagtungo sa mismong Capitol Command Center ng probinsya upang ipaabot ang mga inihanda niyang food packs para sa mga apektadong pamilya.

Saad nila sa caption: "Veteran actress Zsa Zsa Padilla visited the Capitol command center this afternoon to donate ready-to-eat food packs and monetary aid for the victims of the 6.9 magnitude earthquake.

"The actress's donations show solidarity with the Cebuano people during difficult times and hardships."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Arron Villaflor removes "pray for Cebu" post amid criticisms

Melai Cantiveros donates PHP100K for earthquake aid

Nagbigay naman ng PHP100,000 ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sa isang grupo sa Cebu na naglunsad ng fundrasing project.

Isang netizen na kabilang sa nasabing fundraising project ang nag-post sa Facebook ng naging pag-uusap nila ni Melai at pagdu-donate nito.

Read: Thomas Markle, itinangging na-trap dahil sa lindol sa Cebu

Mababasa sa post (published as is): "MOMSHIE MELAI DONATED 100k sa ating FUNDRAISING. Yes! ang pambansang "KUANtie!" magagalit pa naman ito kapag pinu-post kasi ayaw niyang mabulgar ang tulong niya.

"Sobrang humble at generous simula dati pa sa mga pandemic relief operations ko. (for transparency lang kaya ko pinost).

"Pakiusap lang sa ibang nag pa-fundraising, SOBRANG IMPORTANTE NG TRANSPARENCY kasi hindi natin ito pera, huwag niyo na sana dagdagan ang KORAP NA MGA POLITIKO! I'll post receipts sa mga mabibili natin gamit ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming salamat din sa mga followers na nagpadala ng tulog, kahit maliliit na halaga pero MALAKING TULOG na to kung tinipon. Thank you talaga! Sa mga gustong tumulong."

CELEBRITIES ask for prayers after Cebu quake

Nanawagan din ng dasal ang ilang celebrities gaya nina BINI Aiah, Vina Morales, at Manilyn Reynes para sa mga naapektuhan ng lindol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram Stories ni Aiah nitong Miyerkules, October 2, ni-repost niya ang isang post ng ABS-CBN News tungkol sa naganap na lindol.

Kalakip nito ang panalangin niyang sana'y nasa maayos na kalagayan ang kanyang pamilya, kaibigan, at kanyang mga kababayan.

Ani Aiah, "To my family, friends, and everyone in Cebu, I hope you are all safe! I may not be in Cebu right now but my heart goes out for the people who are affected."

CELEBRITIES ask for prayers after Cebu quake
Photo/s: Screengrab BINI Aiah on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpu-post din sa Instagram idinaan ni Vina Morales ang kanyang paghingi ng tulong at panalangin sa mga kababayan niya sa Cebu.

Mababasa sa post ni Vina (published as is): "Lord, we pray for everyone affected by the earthquake in Cebu. Cover them with Your protection and embrace them with Your love.

"Strengthen their hearts in this time of trial and grant them courage, resilience and hope. I lift up my hometown, keep everyone safe and surround them with Your comfort and peace. Amen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Manilyn Reyes, na nagmula rin sa Cebu, ay nanawagan ng dasal para sa kanyang mga kababayan.

Post niya sa Instagram Stories: "Dear God, palihug, tabangi intawon ang tanan. Daghang salamat"

O sa English translation ay "Dear God, please help everyone. Thank you very much."

CELEBRITIES ask for prayers after Cebu quake
Photo/s: Screengrab Manilyn Reynes on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya stars (L-R) Kim Chiu, Zsa Zsa Padilla, and Melai Cantiveros extend aid to earthquake victims in Cebu, offering support to affected families.
PHOTO/S: Kim Chiu/Zsa Zsa Padilla/Melai Cantiveros on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results