Itinanghal si Kathryn Bernardo bilang Most Influential Celebrity of the Year sa 11th EdukCircle Awards na ginanap sa GT-Toyota Asian Center Auditorium, sa UP Diliman, Quezon City, noong October 12, 2025.
Ang EdukCircle Awards, na unang itinaguyod noong 2011, ay nagbibigay-parangal sa mga natatanging personalidad sa larangan ng telebisyon at pelikula.
Kasama ni Kathryn sa mga pinarangalan bilang Most Influential Celebrities ngayong taon sina Anne Curtis, Marian Rivera, at Dingdong Dantes.
Read:
- PEP Most Influential 2024 Box-Office Royalty: Marian Rivera
- PEP Most Influential 2024 Box-Office Royalty: Dingdong Dantes
Sa acceptance speech ni Kathryn, pinasalamatan niya ang award-giving body sa pagkilalang natanggap.

Kalakip ang panawagan niya sa mga kabataan at estudyanteng naroon na patuloy na maninindigan para sa bayan.
Saad ni Kathryn: "Simula noong bata ako, lagi kong pinapaalala sa sarili ko na to do everything with good intentions and purpose, whether it's for a role or just being me behind the cameras.
"And ngayon na nakuha ko na naman itong [award na ito], na-consider ako to be one of the celebrities na may most influential, maraming-maraming salamat.
"You know, influence is both an honor and a responsibility. It's like a gift that should be used carefully.
"Always try to do what is right. Lalo na sa panahon ngayon, kailangan na kailangan nila yung kabataan para maging pag-asa nila.
"So, huwag kayong magsasawa na ipaglaban kung ano yung tama."
Dagdag pa niya, "Salamat sa lahat ng naniniwala. And sana magtulungan tayo para maging maganda ang kinabukasan ng Pilipinas."
Hindi ito ang unang pagkakataong nakatanggap ng parangal si Kathryn mula sa EdukCircle Awards.
Noong 2014 at 2015 ay kinilala siya bilang Most Influential Teen Actress of the Year; taong 2016, 2017, at 2018 naman nang hirangin siyang Most Influential Celebrity Endorser of the Year.
Pagdating ng 2019, Most Influential Film Actress of the Year ang ipinagkaloob sa Kapamilya actress, at noong 2020 bilang Most Influential Celebrity of the Decade.
Kathryn’s Influential Award draws mixed reactions online
Samantala, hindi lahat ng netizens ay kumbinsido sa natanggap na parangal ni Kathryn bilang Most Influential Celebrity of the Year.
Sa social media post ng ABS-CBN News, kunsaan iniulat ang tungkol dito, umani ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.
Ang iba'y pilit na kinukonekta ang natanggap na parangal ng aktres sa nangyayaring korapsyon sa bansa.
Marami sa mga ito ay binalikan ang hindi pagdalo at pagsasalita ni Kathryn sa naganap na malawakang anti-corruption rally noong September 21, 2025.
Read: Netizens ask amidst anti-corruption rally: Where’s Kathryn?
Tweet ng isang netizen (published as is): "'most influential' who doesn’t speak even once on the massive corruption of this country??? any any nalang teh better get that award back she’s out of touch."
Saad ng isa: "Been a fan of Kathryn for like a decade and this is the first time I will disagree with the award she received. Influential yet didn’t use her voice for what’s needed. You don’t deserve it, Kath."
Dismayadong sabi pa ng isa: "I’ll say it for the first time. She does not deserve any ounce of this award. I saw her acceptance speech on TikTok and she still hasn’t spoken about any issue this country faces right now. Nasa UPD ka pa man din, sis. Influence on things that really matter WHERE?!"
Dagdag ng isa: "The way her so-called 'influence' wasn’t seen or felt when it mattered most."
Ayon naman sa isa: "Not influential, she is actually one of the most silent celebrities regarding the issue ngayon sa bansa. I would be delighted pa kung kay vice yan napunta."
Ngunit marami sa mga tagahangang bumati kay Kathryn ang naniniwalang deserving ang aktres sa natanggap na parangal.
Pagbati ng isang fan: "Congratulations Kathryn! More blessings and awards to come!"
Sabi ng isa: "Congrats dear keep on thriving"
Bati naman ng isa: "Super galing naman talaga idol!!"
Binanggit pa ng isang fan ang pagpapadala ng tulong ni Kathryn sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu: "Congratulations Kath! And thank you for the help you sent to Cebu that was personally given by your family! You deserve all the blessings!"
Mensahe ng isa pang fan (published as is): "deserve, isa sa tunay na matulungin hindi mahilig ibandira kung paano siya tumutulong pero ang hindi nila alam ang daming naitulong sa mamayan"
Pinuna naman ng isang fan ang mga bumabatikos sa aktres (published as is): "Di prin ngbbgo ibang tao ang ppngit prin ng ugali khit ang dmi ng sakunang nangyyari sa mundo.. Db pwdeng maging msaya nlng kau sa tagumpay ng iba.. Haiiist"
Ayon pa sa isa: "Mga tao talaga hindi naman kayo inaano ng tao bat di nalang maging masaya kung ano mn meron sila wala nmn tau ambag"
Read: Janella Salvador prays for corruption-free future for son Jude
Where was Kathryn during the anti-corruption rally?
Hindi namataan si Kathryn sa Trillion Peso March sa EDSA at sa Rizal Park sa Maynila.
Wala ring nakitang post ang Kapamilya actress tungkol sa rally o tungkol sa mainit na issue ng flood control corruption sa kanyang mga social media account.
Ayon sa espekulasyon ng netizens, wala raw aksyon mula kay Kathryn dahil sa kanyang rumored partner na pulitiko.
Matagal nang usap-usapan na boyfriend na umano ng Kapamilya A-lister si Mark Alcala, alkalde ng Lucena City sa Quezon Province.
Read: Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa NAIA papuntang Australia
Depensa naman ng fans ni Kathryn, nagpadala ang young actress ng mga pagkain at bottled water para sa mga rallyista sa EDSA.
Naroon din daw mismo ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang ina, si Min Bernardo, na personal na namimigay ng pagkain at tubig.
Patunay lamang daw ito na pinili umano ni Kathryn na mag-work in silence.
Read: Celebrities spotted at September 21 protests in Luneta, EDSA
