Trigger warning: Mention of physical and sexual abuse
Binalaan ni Estrella "Inday" Barretto ang aktres na si Jodi Sta. Maria tungkol sa relasyon nito kay Raymart Santiago.
Si Raymart ay estranged husband ng bunsong anak ni Inday na si Claudine Barretto.
Ito'y matapos ibunyag ni Inday ang mga pang-aabuso diumano ni Raymart kay Claudine noong sila'y nagsasama pa sa iisang bahay bilang mag-asawa.
Sa panayam ni Inday sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na in-upload nitong Linggo, October 19, 2025, isiniwalat niya ang mga nalalaman at nasaksihan umano niya sa "kahayupan" na ginawa raw ni Raymart sa anak niyang si Claudine.
Read: Raymart Santiago reveals "final straw" that did in his marriage to Claudine Barretto
Mabigat at seryoso ang mga alegasyon ni Inday laban kay Raymart: pananakit, pambubugbog, panggigipit, at panggagahasa.
Sabi ni Inday patungkol sa relasyon ngayon nina Jodi at Raymart: "Yung dumating si Jodi, wala namang pakialam si Claudine kay Jodi Sta. Maria, that's her look out.
"I'm not gonna say good luck to her, I'm just gonna pray for her.
"But proceed at your own risk. Kung hindi mo pa alam, bahala ka. Bahala na ang Diyos, yun lang sasabihin ko."
Sinabi rin Inday na ang yaman at perang naipon daw ni Claudine noong kasikatan nito ay kinamkam umano lahat ni Raymart nang sila ay naghiwalay.
Bagay na posible rin daw gawin ng aktor kay Jodi, kung hindi ito mag-iingat.
"Itong g*g*ng 'to, magpapatayo pa raw ng bahay with Jodi.
"When Jodi stops being Jodi Sta. Maria, she loses not only Raymart, she’ll lose everything.
"Bahala siya, I’m speaking from experience," babala ni Inday kay Jodi.
Noong September 2020, nalantad ang relasyon nina Jodi at Raymart nang maglabasan ang sweet photos nila na kuha sa isang private place sa Alabang.
Kasunod nito ay ang pag-amin ni Raymart sa PEP Troika na may relasyon na nga sila ng aktres.
Nangyari ito halos dalawang taon makaraang mahiwalay ni Jodi sa dati nitong nobyong si Cavite First District Representative Jolo Revilla noong 2018.
Noong taong ding iyon napabalita ang relasyon ni Raymart sa isang business executive.
Pero wala masyadong balita sa kanila, hanggang sa mapag-alaman ng publiko ang namumuong pagtitinginan nina Raymart at Jodi.
Matagal na ring hiwalay si Jodi sa dating asawang si Pampi Lacson. Mayroon silang isang anak, si Thirdy.
Habang si Raymart naman ay may dalawang anak kay Claudine—sina Sabina at Santino.
Read: Claudine Barretto, bakit nagdesisyong mag-adopt 20 years ago?
Inday accuseS Raymart of abusing and raping Claudine
Sa interview ni Inday, binalikan niya ang masalimuot na pinagdaanan umano ni Claudine sa kamay ni Raymart.
May mga pagkakataon daw noon na tila nawawala sa sarili si Claudine dahil sa madalas umanong pang-aabuso sa kanya ni Raymart.
Read: THEN AND NOW: Claudine Barretto's son Rodrigo Santino Santiago
Malinaw pa raw sa alaala noon ni Inday ang madalas na pagtawag sa kanya ni Claudine—umiiyak at humihingi ng tulong sa tuwing sinasaktan umano ito ni Raymart.
Lahad ni Inday: "One afternoon, I went to the mall, ako lang mag-isa, tapos pagpasok ko sa mall my phone rang, bigla na lang may umiiyak, si Claudine.
"Noong una hindi ko alam, sabi ko, 'Claudine, ano yan, ano yan?'
"Sabi niya, 'Mom, hurry up,' humihingi ng tulong... So, pagdating ko doon, alam kong may gulo.
"Ang mga anak ko kasi alam ko kung may sakit sila, may kagalit sila, alam ko kung may kaaway sila, alam ko kung sinaktan mo sila.
"In fact, if one of them may away sa partners nila, I can hear them crying.
"So, noong pagpunta ko, bumaba si Raymart, wala, normal naman. Mamayang kaunti bumaba si Claudine, hindi naman siya nagwawala na, na-injection-an na pala.
"That was the start of the famous injection thing. In-injection-an ni Raymart.
"Tapos bumaba si Claudine... sabi ko, 'Baka away-away lang yan.’"
Ang "injection" na sinasabi ni Inday ay maaaring ang akusasyon noon ni Raymart kay Claudine na gumagamit umano ang aktres ng ipinagbabawal na gamot.
Read: Claudine Barretto denies Raymart Santiago's allegation that she is a drug user
Isa lamang ang insidenteng ito sa pito pang pagkakataong nasaksihan daw ni Inday sa relasyong Claudine at Raymart.
Sunod na insidente ng pananakit umano ni Raymart ay nang muling tawagan ni Claudine ang kanyang ina.
Noong mga panahong iyon, si Inday at ang namayapa niyang asawang si Miguel Barretto ang saksi raw sa pag-iyak at paghingi muli ng saklolo ni Claudine.
"Sa telepono, naririnig namin si Claudine, [sabi niya], 'Mom, hurry up, please. Where are you?'
Kasama raw noon ni Inday si Miguel, at nang marinig nila ang pag-iyak ni Claudine ay dali-dali raw nila itong pinuntahan sa bahay nila ni Raymart.
Saad ni Inday: "Grabe ang iyak niya nun. Sabi ko nga, 'Parang kinakatay na ito.' It was so bad.
"Pagdating namin sa bahay nila, ayan na naman si Raymart, bababa sa stair, babati, 'Mom, Dad, sit down.' Kami naman umupo sa sofa.
"After a while, bumaba si Claudine, parang normal lang siya.
"Parang Dracula, e, kasi double face siya e... Pagbaba ng anak ko, alam kong hindi na siya ang anak ko na nakikita ko, parang zombie. Hindi tulala pero hindi normal, e, parang may pinagdaanan.
"I’ll say it out, panindigan ko talaga yun. Kita ko pagbaba ni Claudine sa stairs, parang she just collapsed kay Daddy… Malamig pa sa yelo yung paa.
"Daddy looked at me and I looked at Daddy. We knew that it was more than anything else...."
Seryosong alegasyon ni Inday laban kay Raymart: "It was the time he r*ped her.
"He r*aped my daugther in front of his pilay nilang masahista, and Santino saw it."
Matagal daw ipinagkibit-balikat ni Inday ang lahat ng kanyang nasaksihan hanggang sa mapuno na siya nang ipagtapat sa kanya ni Claudine ang pang-aabuso umano sa ni Raymart.
Nanggagalaiting sabi ni Inday: "Tinago ko ng ilang years. Not out of shame pero baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Nilagyan niya ng face towel yung mouth ni Claudine... parang wala lang [kay Raymart]. Pero si Claudine, isang tingin lang, she never told us.
"[I found out] later on but nobody needs to tell me...
"Nagtitinginan kami ni Claudine pero [out] of hiya or takot. Iniisip niya kung ano ang gagawin ko, kung anong gagawin ng mga kapatid niya.
"Hindi sa pelikula yan [nangyayari kundi] sa isang tao na akala mo gentleman, mabait, satanas pala siya."
Patuloy niyang salaysay: "Mayroon pa, noong kinaladkad niya si Claudine…Tumawag ulit siya tapos hindi ko nakita pero alam ko nagsigawan [sila] sa garahe.
"Maririnig mo yung mga tao [ang sabi], 'Tama na, tama na!'
"Ang nakita ko lang, hinahabol niya si Claudine, parang daga yung anak ako, running away from him, hinahabol niya.
"Noong malapit na si Claudine sa door, parang gusto niyang mag-escape, magtago. Naabutan niya, hinablot pa niya.
"Sumisigaw lahat... sa labas, sa street, 'Tama na huy, ano ba yan?' Many people saw it.'
"Pagdating namin sa bahay nila, wala na si Raymart, nag-eskapo na....
"Si Claudine nandoon na sa terrace, nakaupo, pinaligiran ng maids, pinaliguan nila kasi kinaladkad niya [Raymart] sa garahe."
Inday denies Raymart’s claim that Claudine is a drug user
Mariin ding itinanggi ni Inday ang mga akusasyon noon ni Raymart na drug user si Claudine.
Read: Claudine Barretto undergoes voluntary drug test; tests negative for illegal drugs
Diin ni Inday, hindi kailanman gumamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang anak. Kung mayroon man daw ay galing ito sa gamot na iniinom ni Claudine dahil sa nerbiyos na kagagawan din daw ni Raymart.
Aniya: "She was never on drugs. Kung mayroon man, konti lang kasi may isa siyang medicine that has ano of that, [gamot] sa nerbiyos."
Sa huli, nanindigan si Inday na ipaglalaban niya ang anak na si Claudine sa hustisyang ipinagkait daw dito ilang taon na ang lumipas.
Saad niya: "Saktan niyo na ako’t lahat, but don’t touch my children... I'm 89, I can go anytime.
"I told Claudine, 'You stop it. It's the last time I see tears from your eyes. I did crying for you already, not another tear, because tatapusin ko ito until the day I will finish it.'
"Hindi ako mamamatay. I will not die until I finish this. And he [Raymart] better watch out. I'm gonna get him and then I can rest in peace."
Dagdag pa ni Inday: "Huwag namang sabihin na a mother, 89 years old, will just sit down in that stupid wheelchair and watch your daughter, kinakatay na, pinapatay na, ninanakawan pa, niluluhuran pa.
"Ang Diyos ni Raymart, si Satanas. Ang Diyos namin nasa taas.
"He's gonna get it not from me. Just watch. Ang bait namin sa kanya... Ang kapal niya. I hate him."
Matapos maghain ni Claudine ng reklamong physical, verbal, psychological, at economic abuse laban kay Raymart noong 2013, nagsumite naman ng counter-affidavit ang aktor bilang sagot sa mga alegasyon ng aktres.
Sa kanyang counter-affidavit, sinabi ng aktor na siya ang nakaranas ng pananakit mula kay Claudine.
Inakusahan din ni Raymart si Claudine na gumagamit ng ipinagbabawal na droga.
Upang patunayan ang kanyang akusasyon, isinama ni Raymart bilang ebidensiya ang sinumpaang salaysay ng isang witness at actual video ng “pagtuturok” diumano ni Claudine.
Hindi itinanggi ng kampo ni Claudine ang nasabing ebidensiya, kung saan makikitang “nagtuturok” ang aktres.
Pero agad na depensa ng kanyang abogado, ang itinuturok daw ng aktres sa video ay “beauty secret” nito.
Raymart’s CAMP releases statement addressing Inday’s accusation
Samantala, naglabas ng pahayag ang kampo ni Raymart para pabulaanan ang mga akusasyong binitawan ni Inday.
Sa inilabas na statement ng Calleja Law Firm, tinawag nilang "untruthful and slanderous" ang mga naratibo umano ni Inday sa noo'y samahan bilang mag-asawa nina Raymart at Claudine.
May hinala sila na ang paglantad ni Inday, at pag-ungkat sa isyu nina Raymart at Claudine, ay may kinalaman sa lupang ibinenta ni Claudine nang wala umanong pahintulot ni Raymart.
Bahagi ng inilabas na statement ng kampo ng aktor: "It is very unfortunate that Mrs. Barretto opted to resort to publicity to spread this untruthful and slanderous narrative about our client and his marriage with Ms. Claudine Barretto (Ms. Claudine), who has likewise repeatedly exploited social media and sought recourse through trial by publicity to discredit our client's name and reputation.
"It appears that the root of Mrs. Barretto's outrage is the conjugal land sold by Ms.
Claudine three years ago absent the knowledge and consent of our client.
"Our client refuses to partake in any dispute involving, or irregularity Ms. Claudine and her cohorts may have committed."
Pinaalalahan din ng kampo ni Raymart ang partido ni Claudine na umiiral pa rin ang gag order na inisyu ng Family Court ng Branch 5 ng Mandaluyong City noong September 20, 2023.
Sa loob daw ng panahong iyon ay matapat itong sinusunod ni Raymart, kaya umaasa silang susundin din ito ni Claudine at ng kanyang pamilya bilang respeto sa korte at, higit sa lahat, para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

