Patuloy ang pagluluksa ng Kapuso TV host na si Kim Atienza sa biglaang pagpanaw ng bunso niyang anak na si Emman Atienza.
Sa pamamagitan ng joint statament sa Instagram ng pamilya Atienza, noong umaga ng October 24, 2025, inanunsiyo nila ang "unexpected passing" ng kilalang social media influencer.
19-anyos lamang si Emman nang sumakabilang buhay.

Hindi tinukoy kung kailan at ano ang sanhi ng pagpanaw ni Emman, ngunit binanggit sa post na mayroon itong mental health issue.
Read: Emman Atienza’s past post on mental health resurfaces online
Matapos nilang maisapubliko ang pagpanaw ni Emman, halos sunud-sunod na ang pagpu-post ni Kim sa social media ng videos at larawan ng anak noong ito ay nabubuhay pa.
Nitong Linggo, October 26, 2025, nag-upload si Kim sa TikTok ng video ni Emman habang kumakanta ng "Sailor Song" ni Gigi Perez sa isang music studio.
Read: Emman Atienza death, ini-report ng major international news outlets
Sa caption ng post ni Kim ay inihayag niya ang labis na pagpapasalamat sa Diyos sa pagpapahiram nito ng 19 taon kay Emman.
Aniya: "The Lord gave and the Lord has taken away; may the name of the Lord be praised.
"Thank you for the 19 years of my dearest little Emmansky Lord."
Kim responds to online criticism over daughter Emman's death
Sa comments section ng post ni Kim ay marami ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilyang naulila ni Emman.
Kung may nakikidalamhati, mayroon ding ilan na kinuwestiyon ang kakulangan umano nina Kim at asawa niyang si Felicia Hung-Atienza bilang mga magulang ni Emman na dapat ay gumabay raw sa dalaga noong ito ay may matinding pinagdaraanan.
Read: Kim Atienza calls for compassion, kindness after daughter's death
Mababasa sa komento ng nasabing netizen (published as is): "This is a common issue—many people misinterpret Scripture to fit their own narratives.
"But let's be clear: God did not take her life she made that choice herself. If you are truly in Christ, the Holy Spirit will convict you to repent for the ways you may have fallen short as a parent.
"This is an open rebuke. You were meant to be her primary protector, teacher, and guide. Tragically, she was left without the support she needed from the one who was supposed to be her anchor.
"Proverbs 22:6 says train up a child in the way he should go even when he is old he will not depart from it. It's a message from God to all the parents failing to do so is a sin."
Hindi ito pinalampas ni Kim at agad niyang sinagot.
Diin ng TiktoClock host, dumanas ng depresyon ang anak niyang si Emman—isang bagay na mahirap maunawaan ng mga taong hindi ito nararanasan.
Tinawag din niyang "bully" ang netizen na kumuwestiyon sa paraan ng paggabay niya sa yumaong anak.
Saad ni Kim (published as is), "You are an evangelical bully. my emman did not make that choice as clearly as you make choices.
"My emman was clinically depressed."
Kim GRATEFUL for outpouring support after daughter’s passing
Samantala, sa kabila ng ilang negatibong komento, hindi nakaligtaang magpasalamat ni Kim sa lahat ng nagpapaabot ng pakikiramay at dasal sa kanilang pamilya.
Kalakip nito ang pagbibigay niya ng detalye sa pag-uwi ng mga labi ni Emman sa Pilipinas mula sa U.S. kunsaan ito pumanaw.
Mababasang post ni Kim sa Instagram ngayong Lunes, October 27: "Thank you so much for all the messages of comfort to the family.
"We may not be able to reply but we appreciate you all.
"Details of the wake in Manila will follow. Emman will be home."
EMMAN'S MENTAL HEALTH STRUGGLES
Noong nabubuhay pa si Emman, naging bukas siya sa pagbabahagi sa publiko ng masalimuot at masasakit na pinagdaanan niya sa buhay.
Kabilang na rito ang pagiging biktima umano ng bullying, sexual assault, at matinding bashing—mga pangyayaring nagdulot sa kanya ng matinding trauma.
Ang depresyon ay seryosong usapin. May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.
Para sa nangangailangan ng tulong, maaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at mobile number 0966-351-4518.
Related Stories:
- Social media influencer Emman Atienza dies at 19
- Emman Atienza: Remembering a Gen Z advocate's impact
- Emman Atienza’s last Threads post shows pain from online hate
- Celebrities urge kindness amid rising mental health struggles
- Friends pay tribute to late influencer Emman Atienza
- Kim Atienza, wala pang leave request, ayon kay Louie Ignacio
- Filipino celebrities taking a strong stand against cyberbullying
- Emman Atienza denies corruption funds her lavish lifestyle
- Emman Atienza airs side over viral "PHP130k dinner" video
- Kim Atienza defends daughter's involvement in protests
