PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinky Amador criticizes Quezon film’s message

"MASAKIT sa pamilya namin dahil akala ng iba yun na ang buo at totoong history."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 28, 2025
Pinky Amador criticizes Quezon film’s message
Pinky Amador airs disappointment over the film Quezon, calling its message “irresponsible” and urging filmmakers to practice "balance and fairness" in portraying historical figures.
PHOTO/S: Pinky Amador/TBA Studios on Facebook

Walang nakikitang masama ang aktres na si Pinky Amador sa ginawang pag-alma ng tiyuhin niyang si Ricky Quezon Avanceña tungkol sa pagsasapelikula sa buhay ng kanyang lolo, si dating Pangulong Manuel L. Quezon, sa Jerrold Tarog movie na Quezon.

Noong October 24, 2025, pinag-usapan online ang kuhang video ni Avanceña habang kinukumpronta ang direktor, producer, at ilang cast ng Quezon sa ginanap na post-screening discussion tungkol sa pelikula na nangyari sa isang sinehan sa Makati City.

Galit na galit si Avanceña kay Direk Jerrold dahil negatibo raw ang ipinakita niyang karakter ni Quezon sa pelikula na pinagbibidahan ni Jericho Rosales.

Jericho Rosales as Manuel Quezon
Jericho Rosales as former President Manuel L. Quezon.
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni hindi rin daw dumaan o pinakonsulta man lang sa kanilang pamilya ang kuwentong ilalahad sa Quezon.

Read: Manuel Quezon descendant confronts Jerrold Tarog, Jericho Rosales

Para kay Avanceña, sinalaula at binaboy ni Direk Jerrold ang alaala ng kanyang yumaong lolo.

Hindi rin napigilan ng apo ni Quezon ang silakbo ng damdamin nang sabihin ng direktor na isang “satire” ang Quezon, dahilan para makatanggap ng masasakit na salita mula sa kanya sina Direk Jerrold at bidang si Jericho.

Read: CineSilip sexy movies mas pinapanood kumpara sa Quezon?

Pinky Amador airs frustration over Quezon film's message

Gaya ni Avanceña, hindi rin nalalayo ang naramdamang pagkadismaya ng aktres na si Pinky nang sabihin na "fiction" o "satire" lang ang pagsasapelikula sa buhay ni dating Pangulong Quezon.

Gaya ni Avanceña, descendant din si Pinky ng yumaong Pangulong Quezon.

Pagbabahagi ni Pinky sa kanyang TikTok video, nasaksihan niya mismo ang pagkumpronta ng kanyang tiyuhin kay Direk Jerrold at co-producer na si Jericho nang pag-usapan ang layunin at mensahe ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung siya raw ang tatanungin, pagdating sa craftsmanship ay mas angat ang Quezon kumpara sa dalawang naunang pelikula sa Bayaniverse na Heneral Luna at Goyo: Ang Batang Heneral.

Ang Quezon ang pangatlo at huling installment ng Bayaniverse.

Read: Direk Jerrold Tarog, umaasang tumatak si Jericho bilang Quezon

Lahad ni Pinky sa caption ng kanyang post, kalakip ang ilang kuhang video sa naganap na post-screening discussion (published as is): "I was there in the room when my uncle confronted director Tarog and co-producer Rosales on the intent of their film Quezon.

"Craftsmanship wise I thought it was the best of the 3 #BayaniVerse films.

"BUT message-wise and to pass it off as 'fiction and satire' was irresponsible.

"Cancel culture is real."

Ayon pa sa aktres, hindi nila hiniling na konsultahin sila o palabasing isang bayani si Quezon, pero sana man lang ay nabigyang-diin sa pelikula ang mga nagawang kabutihan at sakripisyo ni Quezon at pamilya nito para sa bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Pinky (published as is): "We never asked to be consulted nor asked for him to be portrayed a hero.

"But to at least mention even some of the good and sacrifices he and his family gave for the country isn’t a lot when you think of all his accomplishments.

"Konting balance and fairness lang."

Read: Jericho Rosales, nabuhay ang pagka-Pilipino sa Quezon movie

Inihalintulad pa ni Pinky ang Quezon sa mga naunang Bayaniverse films, na ayon sa kanya ay mas balanseng naipakita ang mga pinagdadaanan at pinaglalaban ng mga pangunahing tauhan.

Pahayag ni Pinky (published as is), "MASAKIT sa pamilya namin dahil akala ng iba yun na ang buo at totoong history. Hindi na sila mag re-research."

Read: John Arcilla, nagbigay ng opinyon sa issue ng Quezon movie

Sa huli, binigyang-diin ng aktres ang kahalagahan ng tamang representasyon ng kasaysayan sa mga pelikula, lalo na sa panahong marami pa ring Pilipino ang hirap sa pagbabasa at pag-unawa sa mga teksto.

Aniya (published as is), "With 24 million Filipinos struggling with functional literacy and 91% of 10-year-olds unable to read simple texts, historical films become their ONLY history lesson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"FREEDOM OF EXPRESSION DOES NOT EQUATE TO FREEDOM FROM ACCOUNTABILITY."

Read: Anthony Taberna, pinatulan ang pasaring ni Pinky Amador

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinky Amador airs disappointment over the film Quezon, calling its message “irresponsible” and urging filmmakers to practice "balance and fairness" in portraying historical figures.
PHOTO/S: Pinky Amador/TBA Studios on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results