PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zsa Zsa Padilla lashes back at bashers of daughters Zia, Nicole

Zsa Zsa Padilla to bashers of Zia: “Magulat kayo kung kamukha sya ni Panchito!”
by Arniel C. Serato
Published Oct 30, 2025
Zsa Zsa Padilla lambasts bashers of daughter Zia Quizon
Zsa Zsa Padilla to bashers of her daughter with Comedy King Dolphy, Zia Quizon: "Si Zia, kamukha ni Dolphy. Magulat kayo kung kamukha siya ni Panchito!"
PHOTO/S: Instagram

Hindi inurungan ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang bashers ng anak na si Zia Quizon.

Sa X (Twitter) kahapon, October 29, 2025, nagbahagi ng kanyang saloobin si Zsa Zsa tungkol sa mga nagdududa kung sino ang kamukha ng anak niyang si Zia.

Si Zia ay ang biological daughter ni Zsa Zsa at ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Buwelta ni Zsa Zsa: "Si Zia Kamukha ni Dolphy. Magulat kayo kung Kamukha sya ni Panchito! Ang aga pa ah."

Si Panchito ay isa ring komedyante na madalas kasama ni Dolphy sa mga palabas sa pelikula at telebisyon.

Isa pang pinalagan ni Zsa Zsa ay ang pagtawag na "ampon" sa isa pa nilang anak ni Dolphy na si Nicole "Coco" Quizon.

Kahit adopted nina Zsa Zsa at Dolphy si Coco, itinuturing nila itong totoong anak.

Nasa maayos din daw itong kalagayan sa California.

Read: Dolphy's Angels

Saad ni Zsa Zsa: "Eto pa isa—asaan ang ampon? May pangalan anak ko: Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She is living in California with her husband. Kala nyo inaapi? Minor pa din? Tawag ka ng pulis.

"Report mo ako. Sarap nyo tirisin. #MayArawParaPumatol"

Read: Zsa Zsa Padilla enrolls daughter in Australia

NETIZENS REACT TO ZSA ZSA PADILLA'S POST

Maraming netizens ang nakisimpatiya kay Zsa Zsa sa comments section ng kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang komento ng isa: "You got me laughing hard at Panchito Divine Diva. You really can throw funny lines…"

Netizens on Zsa Zsa

Sabi naman ng isa, Quizon na Quizon ang hitsura ni Zia na maaari pang mapagkamalang kakambal ni Vandolph, ang anak ni Dolphy kay Alma Moreno.

Netizens on Zsa Zsa
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Obserbasyon ng isa, naburyong na raw ang mga tao kaya kung anu-ano na lang ang kanilang mga sinasabi.

Saad nito: "Low-key Zia fan here. Kamukhang-kamukha niya si late father nya. One of my bookworm/creative industry friends personally know Nicole (Coco) as well. Nasobrahan sa pagkaburyong mga tao kaya kung anu-anong issue na ang ginagawa. Hayy"

Netizens on Zsa Zsa
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabirong pambubuyo ng isa: "I love this miss Z. More patol po. Pakitiris mga garapata."

Netizens on Zsa Zsa

Read: Anak ni Manny Pacquiao, panalo sa Thrilla in Manila 2

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zsa Zsa Padilla to bashers of her daughter with Comedy King Dolphy, Zia Quizon: "Si Zia, kamukha ni Dolphy. Magulat kayo kung kamukha siya ni Panchito!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results