Humingi ng paumanhin sa publiko si Nawat Itsaragrisil matapos niyang umani ng batikos online dahil sa panenermon niya kay Miss Universe Mexico 2025 Fatima Bosch sa naudlot na sashing ceremony para sa candidates ng 74th Miss Universe pageant.
Si Nawat ang kasalukuyang vice-president for Asia and Oceania at head ng organizing committee ng Miss Universe Organization (MUO).
Siya rin ang founder ng Miss Grand International pageant.
Read: Nawat Itsaragrisil is now Miss Universe executive director
Nitong Martes, November 4, 2025, kumalat sa social media ang pagwu-walkout ni Bosch sa venue ng sashing ceremony, makaraang magkaroon ng tensiyon sa pagitan nila ni Nawat.
Lumalabas na kinastigo ni Nawat si Bosch dahil hindi raw ito nakibahagi sa isang sponsor shoot at nag-post sa social media.
Nagkasagutan pa ang dalawa hanggang sa magdesisyon si Bosch na mag-walkout, na sinundan ng ilan niyang kapwa Miss Universe candidates, kabilang na rito ang reigning Miss Universe na si Victoria Kjaer Theilvig.
Read: Felicia Atienza says Emman's death gave her "the deepest pain"
Bakas sa mga pahayag ni Nawat na mayroon siyang isyu sa national director ng Miss Universe Mexico.
Paglabas ng venue, na-interview ng ilang pageant fans si Bosch, kunsaan siya nagbigay ng bersiyon niya ng insidente.
Aniya, hindi na siya nakapagtimping manatili sa loob ng venue matapos siyang bastusin at tawaging “dumb” umano ni Nawat.
Read: Is Miss Mexico still joining after tension in Miss Universe?
NAWAT apologizes for recent Miss Universe issues
Ilang oras ang lumipas matapos ang insidente, nag-live si Nawat sa TikTok para magpaliwanag at humingi ng paumanhin sa kanyang ginawa.
Nadala lang daw siya sa bugso ng damdamin dahil ilang araw na siyang stressed bunsod ng magkakasunod na problemang kinakaharap ng organisasyon bago ang grand coronation night na gaganapin sa Thailand sa November 21.
Read: Nawat Itsaragrisil, binatikos dahil sa paninira kay Rachel Gupta
Dagdag pa rito, wala raw siyang kasamang ibang opisyal mula sa MUO upang resolbahin ang mga ito.
Pahayag ni Nawat sa video: "I always try to take care of everyone, to give a higher standard, five-star service.
"I prepare everything for everybody, every country—that I wish to make a history of Miss Universe with the organization.
"This is my dream, but I know sometimes many conditions happen.
“If anything happened today; you are not happy; some delegate feeling not comfortable, I do apologize, and also [to] the fans around the world too. But please understand our side too."
Makaraang kumalma at mapagtanto ang pagkakamali niya, agad daw humingi ng tawad si Nawat sa iba pang Miss Universe 2025 candidates na piniling manatili sa conference hall sa gitna ng sashing ceremony.
Alam daw niyang maging ang mga ito ay nabigla at natakot sa naging gawi ng pagkastigo niya kay Miss Universe Mexico.
Saad niya, "I did talk, apologize to the rest of the girls in the room. Around 75 girls in the room already."
Bukod sa kanyang TikTok Live, nag-post din si Nawat sa Instagram Stories ngayong Miyerkules, November 5, para muling humingi ng tawad sa mga kandidata at sa mga tagahanga ng mga ito na nadismaya sa kanyang inasal.
Mababasa sa kanyang pahayag, base sa English translation ng Google translate: "I invested and tried my best to make this event and fair to everyone but it's hard to control because the daily events of being posted by the leaning makes it harder for him to reach the miss.
"Sorry universe fans I can only do this because my patience has a limit.
"Sorry again if I make anyone uncomfortable watching universe this time."
Nakatakda raw makipagkita si Nawat sa iba pang committee members ng MUO sa Thailand para ipaliwanag ang insidente, maging kay Miss Universe Mexico para personal na humingi ng paumanhin.
Read: Miss Universe says online voting, special event “not authorized”
Miss Universe President Raul Rocha calls out Nawat
Samantala, bago ang TikTok Live ni Nawat ay nauna nang nagsalita si MUO President Raul Rocha para ikondena ang ginawang pambabastos ni Nawat kay Miss Universe Mexico at iba pa niyang kasamahan.
Sa kanyang live video broadcast, ipinarating ni Rocha kay Nawat ang mensahe niya.
Pagkastigo ni Rocha kay Nawat: “I would like to make it clear my great indignation toward Nawat for the public aggression he committed against Fatima Bosch, Miss Universe Mexico, whom he humiliated, insulted, and he showed a lack of respect, in addition to the serious abuse of having called security to intimidate a defenseless woman, trying to silence and seclude her.
“NAWAT, YOU NEED TO STOP. Every woman in the world should be respected.”
Si Nawat ang founder at president ng Miss Grand International Organization (MGI), pero nilinaw ni Rocha na iba ang Miss Universe sa Miss Grand International.

Ipinag-utos ni Rocha na ipahinto ang Sashing Ceremony para hindi na makasalamuha ni Nawat ang mga kandidata ng Miss Universe 2025.
Pahayag niya: “I want to make it clear that I gave the instruction to postpone the Sashing Ceremony and where this unfortunate incident took place, precisely to avoid any interaction with Nawat who, in his constant desire to be the center of attention, caused this incident.”
Read: MUO President condemns Nawat's treatment of Miss Universe Mexico
