Ibinunyag ni Karla Estrada na siya ang unang sinabihan ng anak na si Daniel Padilla nang maghiwalay sila noon ng nobya niyang si Kathryn Bernardo.
Idinetalye ni Karla kung ano ang naging pag-uusap nila ni Daniel matapos umamin ng aktor, at kung paano nila piniling harapin ang isyu.
Kinumpirma ni Kathryn ang paghihiwalay nila ni Daniel sa pamamagitan ng isang Instagram post noong November 30, 2023. Labing-isang taon ang itinagal ng kanilang pagsasama.
Ginawa ni Kathryn ang kumpirmasyon kasunod ng espekulasyong tinapos na ng power couple ang kanilang relasyon.
Hindi tinukoy ni Kathryn ang dahilan ng kanilang breakup, pero sinabing sinubukan nilang ayusin ngunit nabigo sila.
Makalipas ang ilang minuto, isang Instagram post din ang ginawa ni Daniel kaugnay ng breakup nila ng aktres.
Sinabi ni Daniel na hindi raw mawawala ang pagmamahal niya kay Kathryn sa kabila ng paghihiwalay.
Read:
KARLA’S MOTHERLY ADVICE TO DANIEL
Sabi ni Karla, maturity, pagpapakumbaba, at pagtanggap sa sitwasyon ang naging payo niya kay Daniel tungkol sa nangyaring paghihiwalay.
“Yun yung mga tiningnan ko,” sabi ni Karla sa panayam sa kanya ni Melai Cantiveros via online show na Kuan on One nitong January 13, 2026.
“Tinawagan niya kasi ako. Nagsabi siya sa akin na ganito ang sitwasyon. Ako ang una niyang sinabihan.”
Payo pa raw niya kay Daniel: "Sabi ko, ‘Sige, anak.’ I said, ‘…nangyayari talaga ito and tayo lalabas tayo na with all humility, acceptance and, of course, kailangan natin ng silence.
"Kasi hindi ito puwedeng… Magiging circus ito; magiging sobrang ingay nito; magwawala ang buong mundo… So, hindi tayo puwedeng sumakay.”
Ang mungkahi raw ni Karla sa anak: “Tayong pamilya, hindi tayo magsasalita. Wala tayong sasabihin.
“Respetuhin natin si Kathryn at ang kanyang pamilya. Hindi tayo makikiano. Wala tayong sasabihin…”
Punto pa raw ni Karla kay Daniel, ang involved sa relasyon ay silang dalawa lang ni Kathryn, at sila dapat ang magdedesisyon.
“At the end of the day, kayo naman ni Kathryn ito. Kayo ang nag-usap, nagkasama… sinimulan niyo ito for how many years, pag-usapan niyo ito,” payo pa raw ni Karla.
Katuwiran pa ni Karla, hindi rin daw makabubuti kung makikisawsaw siya at kung siya pa ang magsasalita.
“Kumbaga, kung ako ang magsasalita, para pa rin akong pakialamera, di ba? Maingay na nanay. Yun ang aking [lalabas na] personality.’
“Tahimik lang tayo kasi hindi naman tayo perfect, di ba? Huwag tayong maingay kasi hindi ko relationship yan.
“Kung relationship ko yan baka ako pa ang salita nang salita diyan sa labas, di ba?” may halong birong tugon ni Karla.
KARLA ON DANIEL AND KAILA REPORTED RELATIONSHIP
Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang isapubliko ang kanilang paghihiwalay, may kanya-kanya nang napapaulat na relasyon sina Daniel at Kathryn.
Si Kathryn ay napapaulat na karelasyon umano si Lucena Mayor Mark Alcala.
Read: Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa NAIA papuntang Australia
Si Daniel naman ay nali-link ngayon sa aktres na si Kaila Estrada, anak ni Janice de Belen at dating asawang si John Estrada.
Sunud-sunod ang sightings kina Daniel at Kaila pero wala pang kumpirmasyon sa kanila ukol sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Read: Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted at IV of Spades concert
Sa interview kay Karla noon lamang December 2025, wala rin siyang pagtanggi ukol sa isyung karelasyon ni Daniel si Kaila.
Ayaw raw niyang pangunahan si Daniel sa love life nito.
"Kung ano yung nakikita ko sa anak ko na masaya siya, masaya na rin ako bilang nanay niya,” paliwanag ni Karla.
"Nasa edad na kasi sila, so manggagaling na lang sa kanila dahil hindi na rin naman ako para manguna. Hayaan na natin.
"Kung ano yung nakikita natin, masaya na naman tayo pare-pareho, and I think it’s about time na mag-mature na tayo sa mga ganitong sitwasyon."
Ilang beses na rin daw niyang na-meet si Kaila dahil close si Karla sa mga magulang ng young actress na sina Janice at John.
Read: Karla Estrada reacts to Daniel-Kaila rumored relationship
