Suportado ni AJ Raval ang hiling ng mga tagahanga ng dating tambalang AlKris, o Aljur Abrenica at Kris Bernal, sakaling muli silang magsama sa isang proyekto.
Ito’y matapos magkrus ang landas ng dalawa sa backstage ng TiktoClock noong Miyerkules, January 14, 2026.
Read: Kris Bernal confronts Aljur Abrenica over ignored messages
Nag-umpisa ang loveteam nina Kris at Aljur matapos nilang sumali sa Season 4 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng Kapuso Network na umere mula December 2006 hanggang March 2007.
Si Aljur ang itinangal na Ultimate Hunk, samantalang si Kris naman at ang ka-batch nilang si Mart Escudero ang itinanghal na Ultimate Loveteam.
Pero mas pumatok sa mga manonood ang tambalan nina Kris at Aljur.
Ilan sa mga teleseryeng pinagbidahan ng tambalan nina Aljur at Kris sa GMA-7 ay Dapat Ka Bang Mahalin?, All My Life, The Last Prince, Coffee Prince, at Prinsesa ng Buhay Ko.
Read: Aljur Abrenica: a look back at his rumored and real romances
AJ FANGIRLS OVER ALKRIS
Sa Facebook nitong Huwebes, January 15, ipinost ni AJ ang kuhang litrato ng partner niyang si Aljur at ni Kris.
Pag-amin ni AJ, isa siya sa mga naging tagahanga ng tambalan ng dalawa noon kaya naman ganoon na lamang ang kanyang saya nang makita silang magkasama.
Mababasa sa caption ng post ni AJ: "Saw them yesterday at TikTokClock Studio grabe, ang cute pa rin love team vibes.
"They’re full of positivity. Took this photo fangirling over here."

Read: AJ Raval claps back at bashers calling her "kabit, laos"
Ang pagsuporta ni AJ ay ikinatuwa naman ng mga tagahanga ng AlKris.
Sa comments section ng post ng aktres ay bumuhos ang mga komento ng mga netizens na nagnanais muling magsama sa isang proyekto sina Aljur at Kris.
Saad ng isang netizen, "Balik tambalan na raw, may kilig pa rin."
Nireplayan ito ni AJ ng pray emojis.
Samantala, kung may mga natuwa sa muling pagtatagpo nina Aljur at Kris, mayroon din namang nang-asar sa posibleng maramdaman ni AJ sa pagkikita ng kanyang boyfriend at dating ka-loveteam nito.
Sabi ng isang netizen, "Dapat magselos ka na [AJ]."
Hindi naman ito pinalampas ni AJ sagutin ng, "Why? She's a nice girl and sweet. Nakita ko si Aljur having a nostalgic moment.
"Masaya sila, let them enjoy it without uncessary issues."
Read: AJ Raval on Aljur Abrenica: “I love him endlessly.”
Ang pahayag na ito ni AJ ay sinang-ayunan ng kanyang mga tagahanga, lalo na’t alam naman daw nilang walang dapat ipag-alala si AJ dahil, kagaya nila Aljur, si Kris ay masaya na ngayon sa kanyang pamilya.
Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica
Noong September 2021 ikinasal si Kris sa kanyang nobyong si Perry Choi.
Noong August 30, 2023, naman isinilang ni Kris ang panganay nila ni Perry na si Hailee Lucca Choi.
