PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ellen Adarna posts cryptic message about 'buti-buting tao'

“Natatawa ang group chat…”
by Arniel C. Serato
Published Jan 29, 2026
Ellen Adarna takes jab at someone
Ellen Adarna puts out her cryptic post the day after Derek Ramsay talked about his hurt and getting back to his faith.
PHOTO/S: Instagram

Nagbahagi ng isang cryptic message si Ellen Adarna sa kanyang Instagram Story ngayong araw, January 29, 2026.

Wala siyang binanggit na pangalan maliban sa mga salitang "group chat," na dati'y iniugnay sa estranged husband niyang si Derek Ramsay.

Bungad ni Ellen: "Natatawa ang group chat..."

Saka siya nagkomento na sana raw ay mabuting tao sa totoong buhay ang hindi niya pinangalanang personalidad.

Kapag may camera raw kasi ay parang nakapakabuti raw nito.

Buong post ni Ellen (published as is): "'Sana talaga ganyan cya sa totoong buhay.. sana talaga..kasi, ang buti buting taooo sa camera... wish namin, sana ganyan ka talaga...' ung lang ung wish namin sana maging ganyan ka talaga kung ano ka sa camera... Promise."

Ellen Adarna cryptic post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ian Veneracion, The Kingdom declined FAMAS 2025 recognition

DEREK RAMSAY ON BREAKUP WITH ELLEN

Ang cryptic post ni Ellen ay halos kasunod lamang ng interview ni Derek sa showbiz reporter na si Morly Alinio. In-upload ito sa YouTube kahapon, January 28.

Nagkuwento si Derek kung paano siya bumangon mula sa hiwalayan nila ni Ellen.

Labis daw siyang nasaktan.

Aniya: "Of course. I think everyone knows that and everyone sees that.

"That's why nagpapasalamat talaga ako na nakapunta kaming U.K., kasama ko pa yung anak ko, kasama ko Mommy, Daddy ko, kapatid ko, mga anak niya.

"It was a very good time to just reflect and just take a breather, take a break, and start the New Year right.

"Talagang nasaktan ako. Sobra."

Nakasama ni Derek ang anak na si Liana noong nakaraang Pasko.

Pinayagan ni Ellen ang pagba-bonding ng mag-ama dahil nakiusap daw ang dad ni Derek na si Derek Arthur Ramsay Sr.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, nakatulong daw kay Derek ang kanyang support system at ang paniniwala sa Diyos.

"Siyempre, my support system ko has always been there, but really going back to your faith, I've always been a man of faith.

"May takot ako sa Diyos. Pero I think, lahat naman tayo ay guilty na kaya lang masarap ang buhay mo, everything is going great, masaya ka, minsan nakakalimutan mong magpasalamat.

"Pinalaki ako ng Mommy ko na to have faith, for your faith to be strong.

"And siguro during the time where I was just so focused on every... my family and everything was going well in my life, nakalimutan kong, nakalimutan ko Siya, nakalimutan kong magpasalamat.

"So with good friends and of course sa family ko, they helped me get back to my faith.

"Para siyang reminder. Kumatok sa pinto si Lord na, 'Huy, andito ako.'

"Yeah, I just turned my, my focus to Him. At kahit anong ingay, kahit anong problema, binigay ko na lang sa Kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun talaga yung nakatulong sa akin."

Mas maging religious daw ang aktor.

"Every Thursday may grupo kami na may kasama kaming father. Pupunta ako sa simbahan. I go to confession. I pray siguro, mga five, six times a day, just to pasalamat for everything—food, life, your experiences, yung trip namin.

"Kinakakusap mo lang bilang isang kaibigan, 'Lord, thank you for this. And that really, really helped me.'"

Inamin ni Derek na for a time ay "lost" daw siya.

Sa pagpapatuloy niya: "I'm sure marami magsasabi diyan, 'Ayan na naman, ginamit niyo ng pangalan ng Diyos.'

"That's why Jesus died, he died to forgive us of our sins. Nagpapagamit talaga Siya.

"For me, I'm happy that I had good friends and family kasi lost talaga ako. I was lost.

"During times like that you can easily make wrong decisions.

"So yun, it came to the point na I was just like, 'Alam mo God, Lord, binibigay ko na sa iyo ito.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayan, nabinigyan niyo ng lakas to, again, focus on me, rebuild, reflect, take care of my health, be strong for my parents.

"Minsan nakikita ko talaga silang nasaktan or may sakit talagang ako yung nara-rattle. Pero yun, I'm working on that. Binigay ko lahat sa Kanya."

Read: Derek Ramsay, may "biggest scare" kasama ang mga magulang sa UK

ELLEN ADARNA AND THE GROUP CHAT

Noong huling bahagi ng 2025, ibinunyag ni Ellen na meron siyang group chat kasama ang mga nakarelasyon ni Derek.

Si Ellen daw mismo ang nag-create nito matapos ang hiwalayan nila ng aktor.

Kasama raw sa group chat ang isa sa matagal na nakarelasyon ni Derek na si Angelica Panganiban.

Pahayag ni Ellen sa isang Instagram Reel noong December 24, 2025: “Actually, super chika na kami, dai. Kasama na siya sa [group chat].

"Manonood nga ako ng UnMarry. So relatable."

Ang UnMarry ay ang pelikulang pinagbidahan ni Angelica na kalahok sa nakaraang 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol ito sa mga mag-asawang dumaraan sa annulment.

Read: Ellen reveals Angelica now part of Derek’s exes group chat

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna puts out her cryptic post the day after Derek Ramsay talked about his hurt and getting back to his faith.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results