PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SexBomb Girls enjoy reunion dinner with their husbands

Netizen: "St. Alvin can't relate HAHAHAHA."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 16, 2026
SexBomb Girls enjoy reunion dinner with their husbands
SexBomb Girls reunite for a post-concert dinner with husbands and partners. Alvin Aragon’s (not in the photo) stance on wife Izzy Trazona (not in the photo) draws comparison to supportive husbands of the group.
PHOTO/S: Sunshine Garcia on Facebook

Matapos ang kanilang matagumpay na three-night sold-out reunion concert, muling nagsama-sama ang mga miyembro ng iconic all-girl group na SexBomb Girls para sa isang "dinner meeting."

Ngunit sa pagkakataong ito, kasama na nila ang kani-kanilang mga asawa at partners.

Sa Facebook post ni Sunshine Garcia nitong Lunes, February 16, 2026, ibinahagi niya ang larawan nilang SexBomb Girls kasama ang kanilang mga mister at partner.

SexBomb Girls enjoy reunion dinner with their husbands
SexBomb Girls.
Photo/s: Sunshine Garcia on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa picture ay naroon si Bulacan Vice-Governer Alex Castro (Sunshine's husband), actor-dancer Joshua Zamora (Jopay Paguia's husband), Aries Sarte (Jacky Rivas' husband), EJ Gatbonton (Jovel Palomo's partner), CJ Abad (Mhyca Bautista's partner), Darren Hartman (Danielle Sheen Hartman's husband), Rossel Onayan (Evette Pabalan's husband), at Louie Valdes (Mae Acosta's husband).

"Last night ganap. Dinner meeting with SB Girls. Syempre kasama ang mga hubbies," mababasa sa caption ng post ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Did Sunshine Garcia take a subtle swipe at Alvin Aragon?

SexBomB partners join celebration with a dance number

Bukod kay Sunshine, nag-post din sa social media ang iba pang miyembro ng SexBomb na sina Aira Bermudez, Jopay Paguia, Jovel Palomo, at Mhyca Bautista.

Isang video sa Facebook ang ipinost ni Aira, kung saan makikita ang mga asawa at partner ng SexBomb Girls na sumasayaw sa iconic dance song na “Macarena.”

"Grabe ang support ng husband ng mga Sexbomb! Pati sa sayawan di nag pa huli!" mababasang caption sa post ni Aira.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Halos ganito rin ang ibinahagi online ni Jopay, kasama ang kanyang caption (published as is): "Ang saya saya. Sa concert di na paos pero sa after party dun na paos hahaha."

Ibinida naman ni Jovel ang ilang kuha niyang larawan sa naganap nilang dinner party.

Saad niya sa post (published as is), "SB girls with the Sexbomb Papas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila na-sepanx naman si Mhyca sa kanyang mga kagrupo matapos ang kanilang sold-out concert noong February 6, 7, at 8.

Post niya (published as is): "Kulitan time ilang araw lang di nag kita namiss ko kayo agad. Getget aww!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens applaud partners’ support for SexBomb Girls

Maraming netizens, partikular na ang mga tagahanga ng SexBomb, ang natuwa sa pagsasama-sama ng kanilang mga asawa at partners.

Ayon sa kanila, ito ay patunay na sinusuportahan nila ang career ng kanilang mga misis bilang dancers at performers.

Komento ng isang netizen sa post ni Sunshine (published as is): "Nakakataba ng puso na makita na close din mga husband nila. Bakit pati ako masaya hinde nman ako SB."

"Suwerte niyo naman sa mga asawa niyo, very supportive, Ganon sana," saad pa ng isa.

Read: Izzy Trazona, mali ang paratang sa PEP na "pagdagdag ng words"

Mayroon ding netizens na nanawagan kay Alvin Aragon, na anila’y dapat tularan ang supportive husbands ng SexBomb Girls.

Si Alvin ang mister ng dating miyembro ng SexBomb na si Izzy Trazona.

Parinig ng isang netizen (published as is): "Ganito dapat ang support system ng mga hubby.. Happy lang, walang negative vibes.. Enjoy every moment.. Mas healthy ang relationship pag support kayo sa isat isa.. Hindi yung controlling, di ba nga Alvin?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit pa ng isa: "St. Alvin can't relate HAHAHAHA."

Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark

ALVIN CALLS OUT SEXBOMB GIRLS' HUSBANDS

Sa isang panayam noong February 13, 2026, binuweltahan ni Alvin ang mga netizen na kumukuwestiyon sa hindi niya pagpayag kay Izzy na sumali sa SexBomb reunion concert.

Ayon kay Alvin, hindi niya matanggap ang pambabatikos sa kanya online, gayong ang hangad lamang daw niya ay protektahan ang kanyang asawa.

Read: Alvin Aragon calls out Alex, Sunshine over SexBomb reunion

Pahayag ng StarStruck alumnus: "Kinu-compare pa ako sa asawa ni Sunshine na vice governor, sa asawa ng ibang SexBomb na mabait daw sila kasi pinayagan daw nila yung asawa nila na mag-concert.

"Ayun ba yung basehan ng mabait na husband, payagan lang mag-concert? Parang ang babaw naman nun.

"[Tsaka] ano bang suot nila? Ako, ayoko yung asawa ko naka-towel lang sa poster."

Read: SexBomb Izzy Trazona, "amazingly at peace" sa kabila ng mga batikos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang asawa, obligasyon daw ni Alvin na protektahan ang asawa sa sitwasyong maaaring pagnasaan ito ng ibang lalaki, dahil sa pananamit niya at gawi ng pagsasayaw, bagay na dapat daw ay naisip ni Alex bago niya pinahintulutan si Sunshine na maging bahagi ng concert.

Saad niya: "Sinasabi nila, ‘Buti pa yung asawa ni Sunshine, vice governor, pinayagan sila mag-concert.’

"Dapat nga hindi, e. Dapat nga, yung asawa mo, ingatan mo.

"Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki."

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang direktang sagot si Alex o ang iba pang asawa ng SexBomb Girls tungkol sa naging pahayag ni Alvin.

Read: Vice Governor Alex Castro has no problem with wife Sunshine Garcia's sexy image

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SexBomb Girls reunite for a post-concert dinner with husbands and partners. Alvin Aragon’s (not in the photo) stance on wife Izzy Trazona (not in the photo) draws comparison to supportive husbands of the group.
PHOTO/S: Sunshine Garcia on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results