PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Belle Mariano asks fans to choose kindness amid fan wars

Belle: "There are bigger, more important things that need our attention."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 31, 2026
Belle Mariano asks fans to choose kindness amid fan wars
Belle Mariano calls for kindness online amid fan tensions, urging the public to stop spreading hate and focus on positivity and understanding.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

“Wag na po tayong mag-away away!”

Ito ang nagsusumamong pakiusap ng Kapamilya actress na si Belle Mariano sa publiko sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng kanyang fans at mga tagahanga ng Kapuso star na si Shuvee Etrata.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories nitong Lunes, March 30, 2026, nakiusap si Belle na sa halip magpakalat ng “negativity and hate,” mas mainam daw na ituon ang atensiyon sa mas mahahalagang bagay.

Lalo na sa panahong ito na mas kailangan ng mundo ang kabutihan, pasensiya, at pag-unawa sa isa’t isa.

Read: Shuvee Etrata recalls intense bashing she faced in the past

Mababasa sa kanyang post (published as is): "Hi all! I call on everyone to let go of the negativity and hate that’s been going around.

"There are bigger, more important things that need our attention.

"Let’s choose kindness, patience and understanding.

"Wag na po tayong mag-away away."

Dagdag pa niya, "Have a blessed Holy Week, everyone!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Belle Mariano asks fans to choose kindness amid fan wars
Photo/s: Belle Mariano on Instagram

Donny Pangilinan defends Belle against bashers

Ang pagpu-post mensahe ni Belle ay nangyari matapos siyang depensahan ng ka-love team na si Donny Pangilinan laban sa mga batikos, makaraang pag-usapan ang isang video clip nina Donny at Shuvee Etrata.

Sa kumalat na video, makikitang tila kinikilig pa rin si Shuvee nang magkita sila ni Donny sa birthday party ni Bernard Cloma kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Donny Pangilinan urges fans to stop hate against Belle, Shuvee

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na showbiz crush ni Shuvee si Donny.

Sa katunayan, hindi ito itinago ni Shuvee nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, kung saan naging houseguest si Donny.

Umani ng kataku't takot na batikos ang video na ito mula sa mga tagahanga ng tambalan nina Donny at Belle o DonBelle.

Kung mayroong bumabatikos kay Shuvee, mayroon din namang mga tagahanga ng Kapuso actress na rumesbak sa ilang fans ni Belle.

Kaugnay nito, nagdesisyon si Donny na pumagitna na sa nag-uuntugang fandoms.

Sa X (dating Twitter) noong March 28, isang thread ang ibinahagi ni Donny upang ihayag ang kanyang saloobin.

Nasa ibang bansa noon ang aktor nang makarating sa kanya ang isyu.

Gustuhin man daw niyang huwag nang patulan, hindi raw niya maatim ang patuloy na ibinabatong batikos kina Belle at Shuvee.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Donny, tila naging normal na rin kasi para sa ilan ang magbato ng masasakit na salita online nang hindi iniisip ang magiging epekto nito sa iba.

Kasunod nito ang pakiusap niya sa publiko na huwag nang idamay ang ka-loveteam niyang si Belle sa mga isyung ikinakabit sa kanya.

Read: Is Belle Mariano falling in love with Donny Pangilinan?

Ipinaliwanag din ng aktor ang kumakalat na mga video nila ni Shuvee na naging dahilan ng usap-usapan at gulo online.

Aniya, maging siya ay nagulat nang kumalat ang naturang clips dahil inaasahan niyang pribado lamang ang naging dinner gathering.

Sa huli, hiling ni Donny na matigil na ang gusot sa pagitan ng magkaibang fandoms, sa halip ay ituon na lang ang atensiyon sa mas malaking problemang kinahaharap ng bansa.

Narito ang buo niyang pahayag: "Hey guys, I’m out of the country right now on a short break but I’ve been seeing a lot online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I don’t usually speak up, but I think it’s about time we stop spreading hate and constantly comparing people.

"There are far more important things happening in our country.

"I feel like we’ve gotten too comfortable throwing hate online without thinking about how that affects actual human beings who have done nothing wrong.

"This is for all fandoms. Artists have lives too. It’s gone below the belt. Why did we reach this point?

"As for Belle, please keep her out of your narratives. She is beautiful, talented, and most importantly, has a great heart. Nothing you say or do will change that.

“I told Shuvee the videos were going around out of shock, as I went to dinner at first thinking it was just going to be intimate and private.

People forget we are all friends in this industry. Why do we keep pitting people against each other?

"And to those who think i just enjoy the clout and people getting bashed, you clearly dont know me. Feel free to leave.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"There is no space for that here. I am and never was about that.

"Hope everyones doing okay despite how horrible our situation is right now in the country.

"Thank you to those who continue to spread love. Have a blessed Holy Week! Love y’all."

SHUVEE APOLOGIZES TO DONBELLE FANS

Samantala, bago pa man magsalita sina Donny at Belle ay nauna nang humingi ng paumanhin si Shuvee sa DonBelle fans.

Paliwanag ng aktres, masugid talaga siyang tagahanga ni Donny kaya ganoon na lang ang kanyang reaksiyon sa tuwing nakikita niya ito.

Siniguro rin niyang walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil kailanman ay hindi niya hahayaang mag-level up ang paghanga niya sa Kapamilya aktor.

Pahayag ni Shuvee: “Sa lahat na po na DonBelle fans, gusto ko pong mag-sorry if I reacted that way.

"I’m so sorry if I’m always fangirling over Donny. I will do my best para mapigilan po yung nararamdaman natin next time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero, he’s really just a crush. Wala pong chance na magka-level po kami ni Donny.

“Kasi po si Donny po ay isa na pong kumikinang na bituin. Ako po ay paganun pa lang po, pausbong pa lang po ako.

“So, sana po ay mag-enjoy. Keep supporting."

Read: Shuvee Etrata, nag-apologize sa DonBelle fans

Dagdag pa niya, “I hope you just spread love. Be mindful with how you say your comments online. Kasi, words can really be painful to somebody.

“I know na lahat naman… as long as your intention is good, then patuloy lang po magmahalan tayong lahat.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Belle Mariano calls for kindness online amid fan tensions, urging the public to stop spreading hate and focus on positivity and understanding.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results