PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Who is the actress Beauty doesn’t want to work with again?

Beauty Gonzalez: "Lokaret siya, krung-krung."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 7 hours ago
Who's the actress Beauty doesn’t want to work with again?
Beauty Gonzalez on actress she no longer wants to work with: "Sinampal niya ako nang malakas...Nawala lahat ng linya ko. As in, first time kong makakita na dumilim."
PHOTO/S: Screengrab Kris Bernal on YouTube

Kanya-kanyang hula ngayon ang netizens kung sino ang tinutukoy ni Beauty Gonzalez na aktres na ayaw na niyang muling makatrabaho.

Nagmula ito sa viral video clip mula sa vlog sa YouTube ng House of Lies co-star niyang si Kris Bernal noong February 1, 2026.

Read: Will-Mika, Dustin-Bianca, other kilig moments at Bida sa Arena

Dito ay sumalang si Beauty sa lie-detector test upang sagutin ang mga tanong na inihanda ni Kris.

Isa sa mga tanong ni Kris kay Beauty ay, “Is there an actress you avoid working with?”

Mabilis na sagot ni Beauty, “No. Wala.”

Read: Beauty Gonzalez, nagkomento sa cake scene nila ni Kris Bernal

Ngunit agad niya itong binawi nang maalala ang aniya’y “lokaret” na aktres na nakatrabaho niya noon.

Pahayag niya, “Meron isa, yes, final answer. Hindi na kailangan ng lie detector.”

Nag-approve naman ang lie-detector technician sa sagot ng aktres, indikasyong nagsasabi ng totoo si Beauty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEAUTY SHARES REASON WHY SHE DESCRIBED ACTRESS AS “LOKARET”

Pagbabalik-tanaw ni Beauty, ilang beses niyang nakaeksena ang nasabing aktres sa ABS-CBN, na ayaw na niyang makatrabaho pang muli.

Iba raw kasi ang istilo nito ng paghahanda tuwing may crying scene sila, gaya ng pagkanta nito sa harap ni Beauty ng “Total Eclipse of the Heart” ng Welsh singer na si Bonnie Tyler.

Lahad ni Beauty: "Dati pa to... lokaret siya, krung-krung, basta lokaret siya.

"May eksena kasi kami, magka-crying scene. Ako naman, tahimik lang ako kapag crying scene, siyempre I respect kung ano yung preparation [ng iba].

"Ngayon lumapit siya sa akin, nakipag-holding hands. So, ako naman, sige, kailangan niya ng support.

"Tapos bigla ba naman niya akong kinantahan ng 'Turn around, every now and then...' Lumuluhod siya tapos ako nakahawak lang. Sabi ko, 'Hala, iyakan to bakit siya kumakanta ng turn around?'

"Pinipigilan ko yung tawa ko. Hindi ko talaga makayanan kasi siyempre ikaw ba naman kantahan ng 'turn around' tapos iyakan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos sabi niya, 'Direk, ready na po ako.'

"Tinawanan ko tapos nagalit siya... na-offend siya."

Read: Vice Ganda almost quit It’s Showtime: “Parang na-overwhelm ako.”

Sa sumunod na eksena, muli ring kumanta ang nasabing aktres ng "Hello" ni Adele habang ito'y nagwo-walling.

Saad ni Beauty: "Ito na yung pangalawang eksena na bigla naman siyang naghanap ng wall.

"Nawala siya sa sala, napunta siya sa kusina or kwarto ata yon, nag-walling naman siya [habang kumakanta ng], "Hello from the other side." As in, kumakanta siya ng Adele.

"Siyempre kaming lahat [pinipigilan] yung tawa. Kasi naman, ano ka lukaret nagwu-walling tas [sasabihin] 'Ready na po ako.'"

Dahil sa hindi mapigilang pagtawa ni Beauty, nainis umano sa kanya ang nasabing co-star.

Kaya nang isang beses na magkaeksena sila ay tinotoo raw nito ang dapat akting lang na sampal niya kay Beauty.

Kuwento ni Beauty, "Siguro sa sobrang pikon niya dahil tawang-tawa ako, sinampal niya ako nang malakas [sa eksena], galing sa baba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nawala lahat ng linya ko. As in, first time kong makakita na dumilim kasi parang tinamaan yung [sa tenga] ko.

"Sabi ko talaga, 'Sinadya mo yon, 'no?' Kasi ang sakit talaga.

"Tapos nag-open up siya, sabi niya na-hurt nga raw siya.

"Ako rin naman, sabi ko, 'Tao lang din naman ako. Nakakatawa naman kasi yung ginagawa mo, Girl. Pero sa susunod kapag sinapak mo ako, susuntukin talaga kita.'"

Who's the actress Beauty doesn’t want to work with again?
Photo/s: Screengrab Kris Bernal on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEAUTY’S STATEMENT SPARKS NETIZENS’ GUESSES

Isang netizen ang nag-upload ng video clip ng pag-amin ni Beauty tungkol sa aktres na ayaw na niyang makatrabaho muli.

Sa comments section ng naturang post, kanya-kanyang hula ang netizens kung sino sa mga nakatrabahong aktres ni Beauty noong nasa bakuran pa siya ng ABS-CBN ang tinutukoy niya.

Hula ng ilan, maaaring si Bianca King, matapos silang magsama sa teleseryeng Pusong Ligaw noong 2017.

Read: Beauty Gonzalez to focus on family after Pusong Ligaw

Mayroon din namang nagsabing hindi maaaring si Kim Molina, na nakatrabaho rin ni Beauty sa Kadenang Ginto noong 2018.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, nananatiling hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng aktres na ayaw nang makatrabaho ni Beauty.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez on actress she no longer wants to work with: "Sinampal niya ako nang malakas...Nawala lahat ng linya ko. As in, first time kong makakita na dumilim."
PHOTO/S: Screengrab Kris Bernal on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results