Proud na proud si Shuvee Etrata sa "suitor" niyang si Anthony Constantino nang ipamalas nito kamakailan ang galing sa basketball.
Isa si Anthony sa mga manlalaro ng koponang Team Sparkle sa Bida sa Arena: Ultimate Celebrity Showdown na ginanap noong May 3, 2026.
Kasama niya sa team sina David Licauco, Will Ashley, Dustin Yu, Rayver Cruz, Mavy Legaspi, Paul Salas, Josh Ford, EA Guzman, Andre Paras, Anthony Constantino, Kimson Tan, Prince Carlos, at Mateo Monzones.
Habang ang kalaban naman nilang Team Th3rd Floor ay binubuo nina Gerald Anderson, Richard Gutierrez, Vhong Navarro, Jameson Blake, Emilio Daez, RK Bagatsing, Johannes Rissler, Argel Saycon, Tristan Ramirez, Elysion De Dios, Binsoy Namoca, at mga content creator na sina Malupiton at Tommy Tiangco.
Read: Will-Mika, Dustin-Bianca, other kilig moments at Bida sa Arena
Sa nasabing celebrity basketball showdown, umani ng papuri si Anthony dahil sa kanyang “Hail Mary” shot.
Sa basketball, ang Hail Mary shot ay tumutukoy sa desperadong tira—karaniwang ibinabato mula sa napakalayong distansiya—kapag halos ubos na ang oras sa laro at wala nang ibang mapagpipiliang opensa ang team.
Kadalasan itong ginagawa sa huling segundo ng quarter o mismong buzzer, kaya mababa ang tsansang pumasok ang bola.
Read: Marina Summers speaks out on MUPH 2026 hosting controversy
Personal na nasaksihan ni Shuvee kung paano itinira ni Anthony ang bola sa huling segundo bago matapos ang kanilang laro, dahilan para makadagdag siya ng three points sa kanilang overall score.
Sa huli, si Anthony ang hinirang na Player of the Game kahit na ang nanalong koponan ay ang Team Th3rd Floor.
Read: Shuvee Etrata recalls intense bashing she faced in the past
SHUVEE SAYS ANTHONY DESERVES TO BE RECOGNIZED FOR HIS POTENTIAL
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Shuvee sa premiere at media conference ng The Master Cutter noong Martes, May 5.
Dito ay nausisa siya tungkol sa naging karanasan niya sa panonood ng basketball game ni Anthony nang live.
Tanong ng PEP, "In-expect mo ba yung three points ni Anthony?"
Mabilis na sagot ng Kapuso actress: "Hindi talaga. Sabi ko nga, Kendall Jenner lang ako dito ha, nag-ayos pa ako, pero parang naging si Mommy D [Dionisia Pacquiao] ako doon.
"Hindi ko talaga napigilan ang mga nararamdaman, parang na-out of character ako.
"Pero okay lang kasi nag-enjoy naman ako. Sobrang happy ko na nakapanood ako ng isang ganon.
"First time ko rin manood."

Maliban sa bagong experience kay Shuvee, labis din daw ang kanyang saya na sa wakas ay unti-unti nang nakikita ng iba ang husay ni Anthony.
Ito raw kasi ang isa sa pinakahihintay niya—na mapansin ng marami ang potensiyal ng aspiring actor, hindi lang sa kilala ito bilang kanyang TDH (tall, dark, handsome) at manliligaw.
Pahayag ni Shuvee: "Nakaka-proud siya. Lagi ko ngang sinasabi sa mga interviews ko, it’s about time na makilala ng mga tao kung sino si Anthony.
"Hindi lang TDH ni Shuvee, hindi lang manliligaw ni Shuvee, kundi kung sino siya.
“He has so much potential, you know, aside from my manliligaw.
"He loves sports, he has his own lifestyle, he loves business.
"Ang daming potential ng taong yon. Kaya excited ako for people to see who he really is."
Shuvee surprises Anthony at his game
Nausisa rin ng PEP ang viral video ng GMA News tungkol sa pagsorpresa ni Shuvee kay Anthony nang puntahan niya ito sa waiting area kung saan nagwo-warm up ang aktor.

Sa viral video, kapansin-pansin ang saya at pagkabigla ni Anthony nang makita ang aktres.
Ayon sa kanya, hindi niya akalaing pupunta si Shuvee dahil sinabi umano nitong hindi siya makakapanood.
Paliwanag ni Shuvee sa PEP, gumawa talaga siya ng paraan para makauwi ng Maynila sa araw ng laro ni Anthony.
Lahad niya: “Galing kasi akong Cebu noon to shoot my summer special. Ang masama doon, na-delay ang flight pabalik ng Maynila.
“Dapat 3 P.M. ang flight, so mga dating ko ng NAIA mga 4:30 P.M. na, diretso na ako sa MOA Arena.
“Pero pagdating namin sa Cebu airport, sinabi na 4:15 P.M. na ang flight, kaya akala ko hindi ko na siya mapapanood.
“So, pumunta ako sa ibang airlines para maghanap ng earlier flight. Masuwerte naman ako, nakahanap ako kaya nagkaroon pa ako ng oras dumiretso sa MOA.
“Sa sasakyan na ako nag-ayos.”
Ani Shuvee, hindi niya matitiis na wala siya sa sa espesyal na araw ni Anthony, gayong ang aktor daw ay walang mintis kung siya'y suportahan sa mga mahahalagang achievement niya sa buhay.
Sabi niya: "I'm always there to support him, of course.
"First time kasi niya ito sa Arena. He was able to showcase his talent sa basketball.
"He has loved basketball ever since he was a child, and I’ve seen him play.
"So, na-excite ako na mapanood siya. This is an achievement for him.
"Nandoon siya sa lahat ng achievements ko, sobrang liit lang nung ginawa ko.
"It's time naman na ako ang maging present sa kanya."
Shuvee says Anthony remains her manliligaw
Sundot na tanong ng PEP, "Pero still, manliligaw mo pa lang rin si Anthony?"
Natatawang sagot ng dalaga, "Yes. Sampung taon na po siyang manliligaw sa akin. Habambuhay manliligaw."
Pagka-evict sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ni Shuvee noong June 14, 2025, unang napansin ng netizens ang espesyal na ugnayan ng dalawa.
Ito ay matapos salubungin ni Anthony si Shuvee sa outside world habang may dala itong bouquet of flowers.
Hanggang sa tuluyan nang aminin ni Shuvee sa publiko na bago pa man siya pumasok sa PBB ay nililigawan na siya ni Anthony.
Read: Shuvee Etrata and Anthony Constantino still in courtship stage
