PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor’s children commemorate late Superstar’s 73rd birthday

Lotlot, Matet, Kiko, Kenneth went to Libingan ng mga Bayani; Ian visited Iriga.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 3 hours ago
Lotlot, Matet de Leon honor late mom Nora Aunor on her birthday
Kenneth, Matet, Kiko, and Lotlot de Leon (left to right) visited Nora Aunor’s grave on her 73rd birthday, amid ongoing discussions about family dynamics and inheritance following the National Artist’s passing.
PHOTO/S: Matet de Leon on Facebook

Magkakasamang nagtungo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang adopted children ni Nora Aunor na sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon upang gunitain ang 73rd birth anniversary ng yumaong Superstar at National Arist ngayong Huwebes, May 21, 2026.

Sa mga larawang ibinahagi nina Lotlot at Matet sa kanilang social media accounts, makikitang magkakasama silang nakaupo sa tabi ng puntod ng kanilang ina na may nakapatong na chocolate cake.

Lotlot, Matet de Leon honor late mom Nora Aunor on her birthday
(left to right) Kenneth de Leon, Matet de Leon, Kiko de Leon, and Lotlot de Leon.
Photo/s: Matet de Leon on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maligayang kaarawan sa yo, Mommy," mababasang caption ni Lotlot sa kanyang post.

Mensahe naman ni Matet, "Happy Birthday, Mommy [red heart emoji]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHERE IS IAN DE LEON?

Maraming netizens ang natuwa sa muling pagsasama-sama ng magkakapatid upang alalahanin at bigyang-pugay ang kanilang namayapang ina.

Gayunman, hindi kasama sa naturang pagbisita ang isa pa nilang kapatid na si Ian de Leon.

Read: Ian de Leon no personal motive in managing Nora Aunor's legacy

Si Ian ay kasalukuyang nasa Iriga City, Camarines Sur, upang doon gunitain ang kaarawan ng yumaong ina kasama ang mga masugid na tagasuporta ng Superstar.

Sa Facebook page na Nora Aunor National Artist noong Miyerkules, May 20, ibinahagi nila ang mga larawan ni Ian na nasa entablado para sa isinasagawang Nora Aunor Day: Pagpupugay kay Ate Guy.

Read: Lotlot de Leon says Nora Aunor's legacy "hindi tungkol sa pera"

Tubong-Iriga City si Nora kaya bilang pagkilala sa kanyang legasiya, nagdaos ang lungsod ng Nora Aunor Day kasabay ng ika-73 kaarawan ng National Artist.

DE LEON SIBLINGS’ INHERITANCE ISSUE

Lima ang anak ni Nora Aunor—sina Ian, Lotlot, Kiko, Matet, at Kenneth de Leon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa lima, si Ian lamang ang biological child ni Nora sa dati niyang asawa na si Christopher de Leon; habang sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth ay pawang adopted.

Matagal nang usap-usapan ang umano’y sigalot sa pagitan ng magkakapatid matapos pumanaw ang kanilang ina noong April 16, 2025.

Read: Lotlot at Matet de Leon, wala sa misa para kay Nora Aunor

Mas lalo itong naging tampulan ng diskusyon online nang talakayin ang mga naiwang assets ni Nora matapos makapanayam si Ian sa programang Beyond The Exchange noong April 13.

Dito, isiniwalat ni Ian na siya umano ang solong legal na tagapagmana at naatasang mamuno at magtaguyod sa lahat ng naiwang property at legasiya ng yumaong showbiz icon.

Read: Ian de Leon: "Each family has its own issues."

Maging ang pagtatatag niya ng One Person Corporation (OPC), kung saan sakop ang Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation, bilang aniya'y pagbibigay-pugay sa alaala ng National Artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ian, bagamat siya ang nag-iisang tagapagmana, nirerespeto niya ang kanyang mga kapatid at ipinaalam niya umano sa mga ito ang pagtatatag ng OPC.

Bagay na mariing itinanggi noon ng kampo ni Lotlot nang sabihing walang anumang kinalaman ang ina ni Janine Gutierrez sa itinatag na korporasyon ni Ian.

Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian

Hindi rin daw totoong kinonsulta ni Ian ang kanyang mga kapatid tungkol dito.

Gayunman, mariing itinanggi ng kampo ni Lotlot ang naturang pahayag, at iginiit na wala silang kaalaman o partisipasyon sa nasabing korporasyon.

Maging si Matet ay itinanggi rin na sila ay naabisuhan tungkol sa pagbuo ng OPC.

Sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong May 7, idiniin niya na wala silang kaalam-alam sa mga hakbang na nais gawin ni Ian kaugnay sa mga ari-arian ng kanilang ina.

Gayunpaman, tanggap na raw noon pa man ng mga adopted child ni Nora na si Ian lamang ang may karapatan sa mga naiwang yaman ng Superstar, may last will and testament man o wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Matet de Leon fires back at bashers amid inheritance issue

Sa nasabing panayam, inamin din ni Matet na sa kasalukuyan na hindi pa sila nagkikita ni Ian matapos ang kanilang "misunderstanding."

Read: Matet admits "misunderstanding" with Ian amid inheritance issue

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kenneth, Matet, Kiko, and Lotlot de Leon (left to right) visited Nora Aunor’s grave on her 73rd birthday, amid ongoing discussions about family dynamics and inheritance following the National Artist’s passing.
PHOTO/S: Matet de Leon on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results