PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla dodges questions on role in Bato dela Rosa’s escape

Did Robin Padilla help Bato dela Rosa leave the Senate?
by Khryzztine Joy Baylon
Published 4 hours ago
Robin Padilla dodges questions on role in Bato dela Rosa’s escape
Senator Robin Padilla (left) becomes a person of interest following the disappearance of Ronald dela Rosa (right) from the Senate.
PHOTO/S: Screengrab GMA News on YouTube

Maingat ang mga sagot ni Senator Robin Padilla kaugnay ng hinihinalang naging partisipasyon niya sa pag-alis ng kapwa-senador na si Bato dela Rosa sa gusali ng Senado noong May 14, 2026.

Noong Mayo 11, isinailalim sa "protective custody" ng senado si Dela Rosa sa gitna ng nakaambang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay kaugnay ng alegasyong “indirect co-perpetrator” siya sa kasong crimes against humanity na may kaugnayan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read: Rodrigo Duterte's new ICC lawyer seeks new fitness review

Lumalabas na si Padilla ang kasama ni Dela Rosa nang pumuslit ito sa Senate premises matapos ang putukan sa pagitan ng mga tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong gabi ng May 13, Miyerkules.

Kalaunan, kinumpirma ni Senate President Alan Peter Cayetano sa isang press briefing noong May 14, Huwebes, na umalis si Dela Rosa sa Senado kasama si Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: How international media reported gunfire chaos at Senate

Ayon kay Cayetano, nakausap niya sa pamamagitan ng text message ang asawa ni Dela Rosa na si Nancy, na humingi umano ng paumanhin sa abalang dulot ng presensiya ng asawang senador sa Senado.

Binasa pa ni Cayetano ang bahagi ng mensahe, kung saan sinabi ni Nancy na pinili umano ng kanyang mister na umalis upang hindi madamay ang iba sa patuloy na tensiyon sa loob ng senado.

Binanggit din ni Nancy sa kanyang text message na sa pagkakaalam niya ay plano sana ng mister na mag-"stay put" sa senado.

Pero kahit wala sa plano, sigurado raw si Nancy na kinuha na ng mister ang oportunidad na makaalis sa lugar matapos ang gulo at putukan sa senado.

Walang binanggit si Nancy sa kinaroroonan ngayon ng kanyang mister.

Robin refuses to say whether he helped dela Rosa escape

Nitong Lunes, May 18, muling nasilayan si Robin sa senado nang dumalo siya sa Senate Plenary Session para sa impeachment trial ni Vice-President Sara Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sara Duterte announces presidential bid amid impeachment raps

Kinagabihan, nakapanayam siya ni Mel Tiangco sa 24 Oras, kung saan diretsahan siyang tinanong ng beteranang news anchor tungkol sa umano'y naging partisipasyon niya sa pag-alis ni Dela Rosa.

Bungad na tanong ni Mel: "Once and for all, can you confirm po yung mga ulat, mga sabi-sabi diyan na kayo raw yung kasama ni Senator Bato dela Rosa sa pag-alis sa senado.

"Kayo pa raw yung nagmaneho ng sasakyan palabas, bandang alas dos y media ng madaling-araw noong Huwebes.

"Senator, ano po ba ang totoo?"

Imbes na sagutin, iginiit ni Robin na bahala na ang mga awtoridad na magsabi sa publiko kung ano ang nangyari noong umalis sa senado si Dela Rosa dahil kasalukuyan naman na raw iniimbestigahan ang insidente.

Saad niya: "Tita Mel, ano po kasi, e, ang sabi po ng mga awtoridad, e, magkakaroon daw po ng imbestigasyon tungkol diyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Mas maganda po siguro kapag nagkaroon na lang po ng official investigation, sila na po ang magpahayag.

"Kapag po kasi iba-iba ang lumalabas sa balita, mas naguguluhan po ang ating mga kababayan sa mga nagaganap.

"Kaya sana po hintayin na lang natin yung formal investigation."

Read: Bela Padilla on uncle Robin: "We manage to agree to disagree."

Dahil hindi sinagot ni Robin ang unang tanong ni Mel, inusisa siya ng news anchor tungkol sa nakunang video ng GMA News — isang sasakyan na papalabas ng senate building na pinaghihinalaang lulan si Dela Rosa.

Pahayag ni Mel: "O sige, Senator, ganito na lang ha, mayroon kaming inihandang video, panoorin po natin.

"May nakita pong SUV, nakunan po kasi ng GMA News palabas ng senado bandang alas dos y media ng madaling-araw noong Huwebes po, May 14.

"Ang plaka po niyang puting sasakyan na yan, although binlur namin bilang respeto, ito po ay parehong plaka ng sasakyang sinakyan daw ni Senator Bato dela Rosa, paalis ng senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayon, sasakyan niyo po ba yang puting nakunan namin, Senator?"

Inamin ni Robin na sa kanya nga ang sasakyang nakunan sa video.

Sagot niya sa tanong ni Mel, "Opo, sasakyan ko po yan. Kita niyo naman, ayan po ang pinaka-humble na sasakyan dito sa senate. Fortuner lang."

Sundot ni Mel, "Nakasakay po ba diyan si Senator Bato dela Rosa noong nakunan yan?"

Natatawang sagot sa kanya ni Robin: "Hintayin na lang po natin yung imbestigasyon. Pero, akin po yan."

Read: Mel Tiangco, Karen Davila trend online after interviews with Bato

Pag-uusisa muli ni Mel, "Kayo po ba yung nakasakay diyan?"

Pag-iwas ng senador, "Hintayin na lang po natin yung imbestigasyon, opo."

Sa puntong ito ay hindi napigilan ni Mel na matawa dahil sa hindi pagsagot ni Robin sa mga tanong kahit na patungkol naman sa kanya.

Natatawang sabi ni Mel kay Robin, "A, pati kayo hindi puwedeng tanungin?"

Hindi na nag-react pa rito ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: How Zyann Ambrosio's footage helped shed light on senate incident

Isa pa sa idiniin ni Mel ang impormasyong kanilang nakuha tungkol sa pagpunta umano ni Robin sa opisina ni Dela Rosa ilang oras bago ito umalis sa senate premises.

Pag-uusisa ni Mel: "Ito pa isa, isa pa pong impormasyong ibinigay sa GMA News, magkasama raw po kayo ni Senator Dela Rosa bago siya mawala at umalis ng senado.

"Pumasok daw po kayo sa kanyang tanggapan bandang 1:20 A.M. at nagtagal po kayo doon ng dalawampung minuto, oo o hindi?"

Sagot dito ni Robin: "Naku, Tita Mel, tatlong gabi, tatlong araw po kami magkasama ni Senator Bato. Dito po kami natutulog."

Read: Mayor Vico Sotto, celebrities react to Senate gunfire incident

Sinundutan ito ni Mel ng tanong kung ano ang pinag-usapan nila ni Dela Rosa nang magpunta siya sa tanggapan ng kapwa senador.

Saad ng 24 Oras anchor: "Habang nandiyan siya at magkasama kayo, mayroon po ba siyang pahiwatig sa inyo tungkol sa kanyang balak na pag-alis sa senado o anong gagawin niya, anong posisyon niya, paano, anong mangyayari? Alam po ba ninyo yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sinabi ba niya na ayaw niya at hindi niya tatangapin yung warrant of arrest kung siya ay sisilbihan nito?"

Mabilis na sagot dito ni Robin: "Patungkol po diyan sa warrant of arrest ng ICC ay hindi po talaga namin tinatanggap yan.

"Malinaw naman po na ang posisyon po ng senado, ng aming mayorya, na ang hinihintay po namin is yung warrant of arrest ng local court.

"Kasi mayroon po kaming resolusyon tungkol diyan at iyan po ay talagang pinanghahawakan namin.

"Tsaka hanggang ngayon po, sa mga oras na ito, ay hindi po namin sinasabi na hindi kailangan pang tumakas ni Senator Bato dito sa senado kasi wala namang warrant of arrest galing sa local court."

Dahil si Robin ang sinasabing huling nakasama ni Dela Rosa, diretsahan siyang tinanong ni Mel kung may alam siya sa kinaroroonan ngayon ng kapwa senador.

Muling pagtanggi ni Robin, "Ay, hindi po."

Sabay ngisi niya dahil sa mga tanong ni Mel patungkol kay Dela Rosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Si Ma'am talaga, oh."

Robin Padilla dodges questions on role in Bato dela Rosa’s escape
Photo/s: Screengrab GMA News on YouTube

Nang marinig at makita ang reaksiyon ni Robin, hindi rin napigilang magkomento ni Mel nang sabihin niyang tinatanong niya ang senador para sa kaalaman ng publiko.

Sabi ni Mel: "Siyempre naman, kayo naman po ay tatanungin ko nang maayos. Kasi ayan ang gustong malaman ng taong-bayan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tanong naman yan ng lahat, hindi lang ako, kaya naitatanong sa inyo."

Read: Reporters praised for live coverage at Senate amid gunfire panic

Robin on being "person of interest" in dela Rosa's whereabouts

Nahingan din ng reaksiyon ni Mel si Robin tungkol sa pagkakaturing sa kanya ng NBI na "person of interest" sa paglaho ni Dela Rosa sa senado.

Noong May 15, sinabi ni NBI director Melvin Matibag na isa na si Robin sa person of interest sa kaso ng "pagtakas" ni Dela Rosa, dahil ito ang isa sa huli niyang nakasama.

Giit ni Robin, ito ang dahilan kung bakit siya maingat sa pagbibigay ng impormasyon sa media.

Paliwanag niya: "Ayan po ang dahilan kung bakit kailangan pong doon muna tayo maglahad sa pormal na imbestigasyon.

"Kasi kung hindi naman po nila sinabi na tayo po ay person of interest ay malaya po tayong makakapagkuwento sa mga naganap.

"Kaya naman po humihingi tayo ng pasensiya sa ating mga kababayan dahil naglahad po ang NBI na tayo ay person of interest, ibig sabihin kailangan lahat po ay opisyal na pag-usapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Subdot na tanong ni Mel, "Kayo po ba ngayon ay nangangako sa sambayanan na kapag nandoon na kayo sa imbestigasyon ay sasabihin niyo na ang lahat?"

Sagot ni Robin: "Wala po akong record ng pagsisinungaling. Marunong po akong rumespeto sa batas ng Pilipinas.

"Ako po ay nagpakulong dahil sa paggalang sa batas ng Pilipinas. Wala po akong record ng pagsisinungaling."

Dela Rosa admits Alan Peter Cayetano urged him to appear for coup

Samantala, bago pa mangyari ang pag-alis ni Dela Rosa sa senado ay nakapanayam na siya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho na umere noong Linggo, May 13.

Dito, inamin ni Dela Rosa ang dahilan ng biglaang pagpapakita at pagpasok niya sa Senado makaraang lumiban dito ng halos anim na buwan.

November 2025, nawalang parang bula si Dela Rosa matapos umugong ang balitang aarestuhin na siya ng ICC.

Ngunit malaking palaisipan na makalipas ang ilang buwan ay bigla siyang pumasok noong May 11, sa araw mismo na magpapalit ng liderato sa Senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa presensiya ni Dela Rosa, nadagdagan ng bilang ang kanyang mga kaalyado.

Ang minority naging majority. Ibig sabihin, sila na ang may hawak ng senado sa pangunguna ng bagong halal na Senate President na si Alan Peter Cayetano, makaraang mapatalsik sa puwesto si Tito Sotto.

Read: Pro-Duterte senators oust Senate President Sotto; Bato surfaces

Balik sa panayam sa kanya ni Jessica, tinanong ng batikang journalist kung ano ang dahilan ng biglang pagsulpot ni Dela Rosa sa senado.

Pag-amin ng senador, tinawagan siya ng kanyang mga kasamahan at kaalyado sa senado dahil sa pagpapalit nila ng liderato.

Pagbubunyag ni Dela Rosa: "Tinawagan ako ng aking mga kasamahan na kailangan nandito ako sa senado para sa botohan.

"Matagal ko na ring plano talaga na mag-resurface dahil nga bukod doon sa planong change of leadership, alam kong may darating na impeachment trial.

"Pangatlo, nahihiya na ako doon sa mga pumupuna sa atin na tumatanggap lang tayo ng sahod pero hindi tayo nagtatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagtatrabaho naman tayo. Yung opisina natin nagpa-function pero absent nga lang tayo. Pero ang aking pagmu-monitor, e, distant monitoring."

Sundot na tanong ni Jessica, "Of all these days, bakit noong araw lang na po yon. Kasi sinabi ba nila na may botohan, at tungkol saan daw po yung botohan?"

Pag-amin ni Dela Rosa, "Change of leadership ng senado. So, kung hindi ako darating, hindi namin makukuha yung leadership, kasi ako ang pang-thirteen vote."

Labintatlong (13) senador ang pumabor sa pagpapalit ng liderato: sina Dela Rosa, Imee Marcos, Bong Go, Robin Padilla, Rodante Marcoleta, Camille Villar, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Francis Escudero, Pia Cayetano, Loren Legarda, at Vicente Sotto III.

Read: Agot Isidro slams 13 senators who voted for Alan Peter Cayetano

Sino ang sinasabi ni Dela Rosa na tumawag sa kanya?

"Si Senator Alan Cayetano, yung aming majority leader," sagot niya.

Sabi pa ni Dela Rosa, para hindi matunugan ang kanyang muling pagpasok ay pinadalhan siya ni Cayetano ng sasakyan na magdadala sa kanya sa senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "Sumakay ako sa van, ewan ko kung kaninong van yon.

"Basta sabi ni Senator Alan, 'Sumakay ka sa van na yan.'"

Hindi raw sukat-akalain ni Dela Rosa na ang pagbabalik niya sa senado ang magiging mitsa ng gulo, kabilang na rito ang pakikipaghabulan niya sa NBI agents.

"Kung alam ko na may nag-aabang, hindi na ako papasok," sambit niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Robin Padilla (left) becomes a person of interest following the disappearance of Ronald dela Rosa (right) from the Senate.
PHOTO/S: Screengrab GMA News on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results