Nilinaw ni Father Tito Caluag na siya umano ang nagpasyang ipa-take down ang ikatlong episode ng YSpeak 2.0 kunsaan naging panauhin ang dating ANC news anchor na si Christian Esguerra.
Si Fr. Caluag ang executive director ng Caritas Philippines na producer ng YSpeak 2.0, isang youth-oriented program na may semi-debate format. Nagbibigay ito ng plataporma sa kabataan upang talakayin ang iba’t ibang isyung panlipunan.
Katuwang nito ang ABS-CBN, na umani ng magkakaibang reaksiyon sa nangyaring takdown ng episode.
Sa isang pahayag na inilabas noong May 31, 2026, sinabi ni Fr. Caluag na mahirap para sa kanya ang ginawang desisyon.
Ngunit kinailangan daw niya itong gawin dahil sa “internal editorial guidelines” at "values" na pinahahalagahan ng Caritas Philippines.
Giit niya, bago magdesisyon ay hiningi rin niya umano ang opinyon ng mga taong may kinalaman sa programa. Hindi niya direktang tinukoy ang ABS-CBN na co-producer at siyang nag-eere nito.
Bahagi ng kanyang pahayag (published as is): "Many of you have shared your concerns about the removal of our third episode of YSpeak 2.0 aired last May 23.
"Thank you for your concern and honest expression of your thoughts and feelings, which I respect.
"I wish to clarify that I, as the representative of Caritas Philippines, the producer of the show, was the one who asked that the episode be taken down.
"It was a difficult decision to make, but there are internal editorial guidelines and basic values of Caritas Philippines I needed to consider.
"Furthermore, there were other factors I had to take into consideration. I had discussed these with the people concerned."
Hindi idinetalye ni Fr. Caluag kung ano mismong editorial guideline ang isinaalang-alang niya at kung ano ang bahagi ng panayam kay Esguerra ang hindi tumugma rito.
Read: Rob Sy stands by son, denies bullying claims
FR. Caluag Clarifies the Purpose of YSpeak
Ang binigyang-diin ni Fr. Caluag ay ang layunin ng YSpeak 2.0 na maging ligtas na espasyo para sa kabataang Pilipino upang maipahayag ang kanilang saloobin at pananaw.
Ngunit maliban sa paghihikayat sa mga kabataan na magsalita nang may tapang, may mga bagay din daw na dapat isaalang-alang.
Lahad niya: "YSpeak and YSpeak 2.0 were created to always be a safe space for the Filipino youth and will continue to strive to be such.
"Yes, we want our youth to have the platform to speak the truth with courage, but also to take all things into consideration.
"We are primarily a civics formation and education program and hope to be as inclusive as possible."
Read: Sugar Mercado, HORI7ON Jeromy win Stars on the Floor Season 2
Ibinahagi rin ni Fr. Caluag na nakipag-usap na siya sa mga host ng programa upang talakayin ang mga nangyari at mabigyan sila ng pagkakataong makatulong sa pagdedesisyon sa pagpapatuloy ang YSpeak 2.0.
Sina Elijah Canlas, River Joseph, Robbie Jaworski, Aya Fernandez, KD Estrada, at Ralph de Leon ang hosts ng YSpeak 2.0.
Read: Sugar Mercado, HORI7ON Jeromy win Stars on the Floor Season 2
"I spent time discussing these developments with our hosts and have given them a great part of the responsibility to discern and decide how to move forward learning from this experience.
"Two of the six could not attend the meeting and I was hoping to talk to them first before issuing a statement.
"We have been trying catch each other the past days, but our schedules could not match.
"They were both advised though of the discussions in the meeting with the four other hosts," pahayag niya.
Kaugnay nito, ipinaliwanag din ni Fr. Caluag kung bakit hindi naipalabas ang ikaapat na episode ng YSpeak 2.0 sa free television na naka-schedule na umere noong May 30.
Ang guest sana roon ay si ABS-CBN sportscaster Migs Bustos.
Ayon sa pari, bahagi rin ito ng kanyang desisyon dahil sa mga nabanggit na konsiderasyon at sa layuning magpokus sa "online presence" ng programa kaysa sa national broadcast sa telebisyon.
Saad niya: "Today people were inquiring why the fourth episode was not aired in ALLTV2 on 30 May.
"Again, this was my decision in part due to the other considerations I referred to in the previous paragraph.
"The other consideration was to focus on and strengthen our online presence where most of the youth are."
Sa huli, nagpasalamat si Fr. Caluag sa mga manonood at tagasuporta ng programa na nagpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa kontrobersiya.
Christian Esguerra on removal of his YSpeak 2.0 episode
Matatandaan noong May 23, naging kontrobersiyal ang episode ng nasabing programa nang maging guest dito si Christian Esguerra.
Bukod sa pagsagot sa mga tanong ay lumahok din siya sa segment na “YSpeak Your Mind," kung saan dito ay nagpapakita ang hosts na sina Elijah Canlas at Robbie Jaworski ng mga larawan ng political figures.
Bilang guest, kailangang magbigay si Esguerra ng salitang maikokonekta sa mga personalidad.
Kabilang sa ipinakitang larawan sa kanya ay sina Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla, Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, dating senador na si Antonio "Sonny" Trillanes IV, at Pasig City Mayor Vico Sotto.
Inilarawan din niya sa pamamagitan ng isang salita ang mga senador na sina Risa Hontiveros, Bato dela Rosa, Robin Padilla, Rodante Marcoleta, maging ang bise-presidente na si Sara Duterte.
Kontrobersiyal ang mga binitiwang salita ni Esguerra.
Mabilis na pinag-usapan online ang naturang episode, na umani ng magkakahating reaksiyon mula sa netizens.
Hindi nagtagal, tuluyan itong binura sa YouTube at iba pang social media platform, dahilan para mapansin mismo ni Esguerra.
Sa sariling podcast niya, ang Facts First, noong May 28, ibinahagi ni Esguerra ang aniya'y tila pagse-censor ng ABS-CBN sa kanyang episode bunsod ng kanyang mga sagot.

Marahil "natakot" daw ang network sa backlash.
Read: Christian Esguerra dismayed by takedown of YSpeak 2.0 guesting
Ipinunto niya na bagamat desisyon pa rin ng programa kung ano ang ipapalabas nito, labis daw siyang nababahala sa aniya'y maling mensahe sa mga manonood dahil sa pagbura ng kanyang episode.
Ayon pa sa online journalist, ang pangunahing layunin ng kanyang partisipasyon sa YSpeak 2.0 ay ang pagtalakay sa civic duty ng kabataan, lalo na sa nalalapit na national election ng 2028.
Dahil dito, nanawagan si Esguerra sa dati niyang network, ang ABS-CBN, na manindigan sa tingin nitong tama at nararapat.
Read: Robin Padilla faces backlash over "force majeure" argument
